The 16th Madness

1581 Words
His kiss deepened, his presence was commanding, and before I could even speak, his hands were already on me. His touch was firm, confident, as if he knew exactly what he wanted. There was something different tonight—more intense, more urgent. His fingers traced my jawline, pulling me closer until our lips met in a searing kiss. Sabik na sabik siya. Ang bawat halik ay puno ng pagnanasa at pangungulila. Ramdam ko ang init ng kanyang labi. Kahit pa ilang beses na namin itong ginawa, ngayong gabi ay parang unang beses ulit. There was a rawness, a hunger in the way he kissed me—like he was trying to make up for lost time. I found myself lost in him, my hands instinctively gripping his arms as he guided me towards the sofa. In a swift motion, he pushed me down gently, pinning me with his weight. He hovered over me, his breath heavy and warm against my skin, his eyes dark with desire. My heart raced but I couldn't look away. "Nyle..." I whispered, barely catching my breath, but he silenced me with another deep kiss. His hands roamed over my body, and I could feel every inch of him—strong, dominant, taking control. There was a certain gentleness in his dominance, a silent promise that he would take care of me but the urgency remained. Hinanap ng mga kamay niya ang bawat sulok ng katawan ko, tila ba gustong damhin ang lahat. Ang mga labi niya ay hindi magkalas sa akin at naramdaman ko ang init na dumadaloy sa pagitan namin. Each kiss, each touch, only heightened the tension pulling me deeper into the moment. Hinila niya ako pataas, at bago ko pa man namalayan, hawak na niya ako papunta sa kwarto. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko, hindi niya ako binibitawan. Pagkapasok namin sa kwarto, marahan niya akong itinulak patungo sa kama. His eyes never left mine, and in that moment, I knew I was completely his. He climbed over me, his hands pinning me down gently but firmly. "Xander," he murmured against my skin, his voice low and breathless. "You're mine tonight." His lips were on mine again, but this time, slower, more deliberate, as if savoring the moment. Every touch, every kiss, felt like he was rediscovering me. There was a rhythm to the way we moved, a dance that was both familiar and new. I clung to him, wanting more, needing more. My hands explored his back, his shoulders, feeling the tension in his muscles. He was strong, in control, and I let him take the lead. The way he moved, the way he touched me, it was like he was reminding me of everything we'd been through. Everything we still were. As he leaned in closer, our bodies pressed against each other. I could feel the intensity building between us. His breath was hot against my ear, and he whispered again, this time softer, "I love you, Xander." Those words, coupled with his touch, sent me over the edge. And just like that, I gave in to him completely, knowing that no matter how dominant he was tonight, it was all about us. About the connection we shared. --- "Another round?" Nakayakap ako kay Nyle. Ang ulo ko ay nakahiga sa kaliwang bisig niya habang ang kanang kamay niya ay dahan-dahang humihimas sa buhok ko. Tahimik ang paligid. Naririnig ko lang ang marahan niyang paghinga. Pagod na pagod ako pero ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya. "Grabe ka," bulong ko. Halos hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko. "Hindi ko na alam kung nakailang beses na 'yun." Natawa si Nyle nang mahina. "Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya na medyo nanunukso ang tono. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng dibdib niya habang tumatawa. "Pfft, alam mo namang hindi 'yun ang point," sagot ko sabay palo ng mahina sa tiyan niya. "Pero... seryoso, hindi ko na talaga kaya. Sobra ka!" "Hmm... pero mukhang kaya mo pa nga kanina," sabay kindat niya. Hinimas pa ang balikat ko. Napairap ako. "Tama na nga. Para ka namang walang kapaguran." "Pagod na pagod ka ba?" tanong ni Nyle. Boses niya na may halong lambing at biro. Nakangiti siya. Kitang-kita ko kahit hindi ako tumingin direkta sa kanya. "E ikaw ba naman... Akala mo kasi hindi ako napapagod," sagot ko. Medyo naiirita pero may tawa sa ilalim ng tono ko. "Anong trip mo, marathon?" Natawa siya nang malalim. Ramdam ko ang paggalaw ng dibdib niya sa ilalim ko. "Sorry na... Pero alam mo, parang gusto ko pa..." Napatingin ako sa kanya, kunot ang noo. "Nyle, seryoso ka ba?" tanong ko na may halong duda. "Baka hindi na ako magising bukas. Hindi ka ba napagod?" "Tinatago ko lang kasi," sagot niya na may malambing na ngiti sabay yakap sa akin nang mas mahigpit. "Pero kung pagod ka na, magpahinga ka na. Hindi na kita aasarin." Ngumuso ako pero tumigil na rin ako sa pang-aasar. Hinayaan ko na lang ang mga daliri niya na maglaro sa buhok ko, at naramdaman kong mas lumalim ang paghinga ko. May kakaibang kapayapaan sa sandaling iyon, na parang kahit gaano ka-intense ng mga nangyari kanina. Bumalik lang kami sa tahimik at komportableng pwesto. "Okay ka lang?" tanong ni Nyle bigla sa malambing ang boses, parang may konting pag-aalala. Tumingin ako pataas, nakatingin sa mga mata niya. "Yeah, okay lang ako," sagot ko. "Medyo pagod lang." "Sorry," Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Sabik lang ako, love," sabi ni Nyle, may halong biro sa boses niya. "Miss na miss kita, e." Napairap ako pero hindi ko napigilang mapangiti. "Hindi ko alam kung ano'ng mas nakakapagod—'yan o ang pag-aaway natin kanina." Naramdaman ko ang pagngiti niya habang pinapanood akong nakahiga sa braso niya. "Bakit? Hindi ba mas masarap 'tong ganito? Magulo pero laging may happy ending." Umikot ako paharap sa kanya at tinignan siya nang masama pero pabiro lang. "Ah, ganun? So, gusto mong laging ganito? Mag-aaway tayo para may ganito after?" "Hindi ko naman sinasabi 'yun," tugon niya, habang mas nilapit pa ako sa kanya. "Pero kung ganito naman lagi ang ending, hindi na siguro masama." Natawa ako, pero may bahid ng pagod. "Nyle, baka kailangan nating mag-usap na hindi lang ganito ang ending," sabi ko, kahit may lambing pa rin ang boses ko. "Hindi pwedeng 'yan lang lagi ang sagot mo sa mga problema natin." Gusto ko lang na huwag pataasin ang ego niya pero sa totoo lang ay pagod na ako. Hindi ko na kakayanin kung pipilitin niya akong umisa pa. "Are you really okay?" "Oo nga." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. "Good," bulong niya. "Gusto ko lang siguraduhing okay ka." I closed my eyes and smiled. "I'm more than okay. Nandito naman ako, 'di ba?" Tahimik kaming dalawa, nagpapahinga. Pero kahit sa gitna ng katahimikan, ramdam ko ang init ng mga katawan namin, at sa bawat hagod niya sa buhok ko, alam kong walang katumbas ang sandaling ito. "I'm really sorry for everything. Dapat talaga, sinabi ko na agad sa'yo 'yung tungkol sa plano ko. Ayoko nang magkaroon ng misunderstandings sa atin." Tumingin ako sa kanya at dinama ang init ng katawan niya. "Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari?" tanong ko. Hindi pa rin lubos na makapaniwala sa mga plano niya. "Oo, sigurado ako," sagot niya, hinawakan ang mukha ko, at tinignan ako sa mata. "Gusto kong magka-pamilya tayo, Xander. At gagawin ko ang lahat para mangyari 'yon. Pero this time, kasama ka na sa bawat hakbang." Tahimik akong napaisip, hinihimas ko ang dibdib niya habang patuloy siyang naglalambing. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to—pagod, saya, o may halong kaba. Pero isa lang ang alam ko, kahit gaano kalalim ang mga sugat naming dalawa, lagi kaming babalik sa ganitong mga sandali—yung tahimik pero puno ng pagmamahal. Napangiti ako, at hinalikan siya nang magaan sa labi. "Okay, let's do this together. Pero 'wag mo na akong pagurin ng ganito, ha," pabiro kong sabi. Tumawa siya at niyakap ako nang mas mahigpit. "Deal," bulong niya sabay halik sa noo ko. At doon, habang nakahiga ako sa tabi niya, sa bisig niyang lagi kong sinasandalan, ramdam ko ang kapayapaan kahit pa marami kaming dapat pag-usapan. Basta nandito kami parang kayang ayusin ang lahat. "Goodnight, Xander," bulong ni Nyle bago ako tuluyang makatulog. "Goodnight," sagot ko. Bumigay ang katawan ko sa pagod habang naramdaman ko ang t***k ng puso niya sa ilalim ng pisngi ko. --- Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Naramdaman ko ang mga mata ni Nyle na nakatingin sa akin. Pagdilat ko, nakita kong pikit ang isang mata niya pero nakabukas ang isa. Nakatitig sa akin na parang may gusto. "Love," bulong niya na may halong pilyong ngiti sa mga labi. "Isa pang round?" Napatitig ako sa kanya, hindi makapaniwala. Tumawa ako nang mahina, tapos tinapik ko siya sa noo. "Ano ka ba, Nyle? Sige na, matulog ka na. Inaantok pa 'ko." Umungol siya nang kaunti. Kunwaring nagtatampo pero humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi kasi kita pagsasawaan, Xander." Napailing na lang ako, nakangiti. "Tulog na, ha? Baka mamaya magkasakit na tayo kakahabol sa isa't isa." Tumawa siya nang mahina tapos pumikit na ulit. "Pero bukas, ha?" Hindi ko na siya sinagot. Hinila ko ang kumot at yumakap ako sa kanya sabay pikit ulit. Naririnig ko ang mabagal na paghinga niya na unti-unting bumalik sa tulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD