Nyle Christian Chavez—the soon to be CEO of their empire. The man who has a golden spoon in his mouth. Ang lalaking kinababaliwan noong high school ako. At ang lalaking nagsalba sa akin sa kalugmukan ng buhay ko.
Ang lalaking hindi ko sigurado kung mahal ko ba talaga.
He was my school mate back then. Nakilala ko siya noong second year ako at nasa forth naman siya, pareho kaming kasali sa pagaent ng school namin—representative para sa Mr. and Ms. United Nations, I think? He was my knight and shining armor back then.
Rehearsals namin noon at catwalk ang tawag nila doon. I started walking and suddenly someone grabbed my shirt and I stumbled. Nilingon ko kung sino ang gumawa, at nakita ko ang pagngisi ng isang lalaki sa likuran ko na mukhang bisugo.
I narrowed my brows and I looked at him. Humanda ka sa akin mamaya loko ka!
I just kept walking and supported my partner because she's a bit ahead of me. Fortunately, our instructor didn't notice it. Kung hindi, mapapagalitan pa ako ng baklang 'yon.
Nakabalik na ako pwesto ko pero hindi na ako pumila. Tinignan ko 'yung lokong humawak sa damit ko. Second year din siya sa palagay ko.
Inulit lang namin ang routine ng catwalk. Mabuti na lang at hindi na inulit ng mokong na 'yun kaya pinalagpas ko na lang.
"Break time!"
Dali-dali akong pumunta ng restroom dahil ihing-ihi na ako. Mabuti na lang at wala pang tao.
I'm done with my business. I checked myself at the mirror. I fixed my hair and my shirt. Maya-maya lang ay may pumasok sa rest room at namukhaan ko ito.
Siya 'yong mokong kanina na mukhang bisugo.
He's standing behind me, smiling as he gazed into my reflection in the mirror. Ang creepy.
Lalabas na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at dinala sa loob ng cubicle. He locked the door.
"Ano bang problema mo?!"
Kanina pa tayong ungas na 'to, e. Lakas makasira ng araw.
He did not answer me but he took me in both hands and raised it into my head. He was taller than me and much bigger as well.
He moved his face to my ear and whispered, and he bit my ear gently. "Diba gusto mo 'to?"
Nagpantig ang tenga ko kaya marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya, pero kanang kamay ko lang ang nakawala.
Itinulak ko siya pero agad niyang nakuha ulit ang kamay ko at mas hinigpitan ang paghawak.
Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
Ngayon naman, pinipilit niya akong halikan pero sa pisngi lagi tumatama, dahil na rin sa pagpupumiglas ko.
"Xander..."
My eyes widened in shock. Does he know me?
"Bitiwan mo ko!" Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa.
Hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya at nginisian lang ako.
"Tulong—" Hihingi sana ako ng tulong ng bigla niya akong suntukin sa tiyan. Napayuko ako sa sakit. Bigla akong nanghina at napaupo sa sahig.
"Paisa lang." Pinilit niya akong itinayo. Hinalikan ako sa leeg papunta sa labi ko.
Maya-maya lang ay nakarinig ako ng malalakas na pagsipa sa pinto ng cubicle. Napatigil ang bastos na estudyante sa ginagawa niya.
Suddenly the door opened and its lock was broken. Gradually, I could see an image of the man standing in front of me.
Dumating siya—si Nyle!
Nyle beats the p*****t boy. My stomach still hurts.
"Ayos ka lang?"
Itinayo niya ako saka dinala sa clinic ng school. Na-suspend ng ilang linggo ang lalaking mukhang bisugo. Mula ng araw na iyon, lagi ko ng kasama si Nyle.
---
One day, I asked Brian to confirm something. Nangyari bago ang graduation ceremony.
"Bakit kayo dito nag-aral?"
Nalaman ko galing kay Tessa na magpinsan sina Brian at Nyle. I know Brian is a only child kaya nakapagtataka na tinatawag niyang kuya si Nyle. And I found out, na parehong mayaman ang magpinsan kaya nakapagtataka din kung bakit pinili nilang mag-aral sa public school.
Mas maraming magagandang school sa Maynila.
Brian smiled and tap my head. "Hindi ko alam kung bulag ka ba o manhid ka lang talaga, Xander."
"Anong ibig mong sabihin, aber?"
"Kuya Nyle is into you. Alam mo ga-graduate na tayo bukas pero tanga ka pa rin."
---
Graduation day.
Nang matapos ang ceremony ay niyaya ako ni Nyle sa bahay nila, to celebrate her sister's graduation, kasama rin namin si Brian. Si Tessa naman ay kasama ang pamilya niya. Walang tao sa bahay, kahit si Kuya Dexter wala kaya sumama na rin ako. Graduate na si Nyle two years ago at balita ko sa Maynila na ito nag-aaral.
Malaki ang bahay nila Nyle—no, mansion is the right term. Wala masyadong bisita. Immediate family lang at si Brian ang nandoon. Maraming handa sa lamesa.
Pansin ko ang maya't mayang pagsulyap sa akin ni Nyle tapos bubulong kay Brian. Pinag-uusapan ba nila ako? Gusto ko silang pag-untugin kaso ay kasama namin ang parents niya.
Moments later, Brian's parents arrived. They happily announced that Brian got a brand new car as a gift. And Kyla—Nyle's little sister—got a full set of jewelry. I bet those jewelries are very expensive, box pa lang mukha ng mamahalin.
And me? Don't ask me.
I looked at Kyla. Kasing edad ko lang ang babae. Kilos pa lang, mukha ng maldita, which I like. I don't know for some reason.
Sama-sama kami sa hapag sa dining area. Nagkukumustahan ang mag-anak. Pinag-uusapan ang mga magiging plano sa buhay at kung saang college sila papasok.
"How about you, hijo?" tanong ng mommy ni Nyle. All eyes are on me.
Napakamot ako ng ulo. Hindi alam kung makakatutong pa ng kolehiyo. Nahihiya naman akong umasa kay Tita Olive.
Sasagot na sana ako nang unahan ako ni Nyle. "Don't worry mom, we got plans."
Ngumiti lang ang nanay niya saka tumango. Gusto ko sanang tanungin si Nyle kung anong plano kaso ay nahihiya ako sa pamilya niya. Mamaya na lang siguro.
"Hindi raw makararating si Simon. May business meeting." sabi ng tatay ni Nyle.
Si Tito Simon ay tiyuhin ni Nyle. I heard that he has a boyfriend and plans to get married outside the country. So, their family is accepting same s*x relationship. Okay...
"Wala kabang sasabihin anak?" Pagtuloy ng nanay ni Brian kay Nyle.
"Ano kasi Tita..."
"Kuya," ani Brian. "Di ba ilang beses ka nang nagpractice?"
"What's going on?" ani Kyla.
Kita ang kakaibang ngiti sa mukha ng pamilya ni Nyle. Mukha namang hindi mapalagay si Nyle. Ano bang nangyayari? Am I invading their privacy?
"Excuse me po," Inurong ko ang upuan para makatayo. "Baka nakakaistorbo ako."
Bigla namang nataranta ang buong pamilya. "Naku hijo maupo ka lang dyan."
"Kuya, dalian mo kasi."
Things are getting weirder and weirder. May ritwal bang magaganap?
"Xander..." Pagtawag sa akin ni Nyle. "Pwede mo ba akong samahan sa garden?"
Kahit wala akong kaide-ideya ay sumama na lang ako. Malawak ang garden nila Nyle. Maraming klase ng bulaklak sa paligid na hindi ko alam ang pangalan. May mga lamp post at bench, para siyang mini park. Papagabi na kaya nagkukulay orange ang langit. Nagsimula nang sumindi ang lamp post at mga ilaw sa ilalim ng mga halaman.
I was shoked when I saw the whole family seemed to be watching a movie. Nakatingin ang mga ito mula sa malayo habang kami naman ni Nyle ay nasa gitna.
"Anong ginagawa nila doon?" Turo ko kila Brian. "Bakit hindi mo sila tawagin papunta dito."
Nyle laughed nervously. Teka, bakit bigla rin akong kinabahan? Wait!
"Don't mind them," Bigla itong lumuhod sa harap ko gamit ang isang paa. "Please pay attention to us."
Biglang nag-init ang parehong pisngi ko. Anong nangyayari?
"I know, masyadong mabilis itong ginagawa ko pero ayaw ko nang maghintay pa ng maraming taon, Xander. Remember noong tinanong mo si Brian kung bakit kami nag-aral sa public school? Of course, I wanted to put fence on my territory. Kung alam mo lang kung gaano karaming gustong lumapit sa 'yo. Ang hirap bumakod sa 'yo, Xander," Lumabas ang dimple niya sa biglang pagtawa.
"Tumayo ka na nga dyan," Hinila ko siya patayo. Sa totoo lang, nanginginig na ang tuhod ko dahil sa kaba.
"Tatayo lang ako kung tatanggapin mo ito," He showed a small box. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla. There's a ring inside.
"Nyle..."
"Will you marry me?
Tinignan ko ang buong pamilya niya mula sa malayo, naghihintay ng sagot. A family that I've always wanted. A happy and complete family I always dream of. Hindi na ako mangangamba kung sakali mang hindi na ako tulungan ni Tita Olive. I could live now without her help.
"Yes, Nyle." I smiled to myself, "I will marry you."
---
Nagpakasal kami ni Nyle sa ibang bansa, two years after the engagement. Para saktong eighteen years old ako. Hindi na rin ako nakapag-college para suportahan si Nyle sa business nila.
I marry him for my personal reason. I don't know if it's because of love or for my own security. Ginawa ko siyang stepping stone para takasan ang sitwasyon ko noon. I also take advantage of his feelings, and his wealth for my own benefit. Hindi ako galit sa kanya, galit ako sa sarili ko. For the fact that I used someone to save me.
As I've said, in this story, I'm not the protagonist. I am the real villain here.