The 2nd Madness

1486 Words
Dahil cancel lahat ng scheduled photoshoot ko for the week, tengga ako sa condo. Nakakabanas! Ayla still has no news for me. Kung hindi lang dahil sa kanina pa kumukulo ang tiyan ko, hindi ako babangon ng kama. What time is it, 11AM? As usual, bacon lang ang alam kong lutuin. Hindi naman kasi ako biniyayaan ng talento sa pagluluto-o baka dahil sadyang tamad lang din ako? Sometimes, I ate at the restaurant next to my condo or, I ordered snacks to full my tummy. Mag-hire na lang kaya ako ng personal chef? Let me think about that. I no longer have any clothes to wear. Nagpapa-laundry ako pero hindi ko na sinusuot 'yun kahit bagong laba pa. Meron akong mga damit na galing sa mga sponsors ko pero hindi ko gusto ang ilang designs nila. I picked one from Armani instead. Pagkatapos kumain, naligo na ako saka nag-ayos ng sarili. Napansin ko mula kahapon ay may tumatawag sa 'kin na unknown number. Hindi ko sinasagot ang tawag. I sent a text message asking its identity but I received no reply. Out of boredom, inayos ko ang mga gamit ko. Shirt, sweat pants, headset, towels and bag. Naisipan ko na lang mag-gym. Napamura ako ng mahina nang makarating ng parking area. Iniwan ko nga pala 'yung kotse noong isang araw at nag-taxi ako pauwi. Napa-face palm na lang ako out of frustration. Nag-book na lang ako ng Grab. My phone wasn't stop ringing. I pressed the answer button. "Hello?" Walang sumasagot sa kabilang linya. Napakatahimik. "Who's this?" I waited for a couple of minutes pero wala pa ring nagsasalita. I was about to end the call when I heard a familiar voice. Kinilabutan ako sa mababa nitong boses. "I missed you." I heard him chuckled. "You know what I mean." I immediately end the call. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin ang pananayo ng balahibo ko sa braso. This can't be. Tumingin ako sa paligid, hindi ko alam kung bakit. Later on, I saw the Grab car's approaching. --- Pagpasok ko pa lang ng lobby, sinalubong na ako ng manager ng gym. Malayo palang kitang-kita ko na ang malawak niyang ngiti. "It's good to you see you again," Nakipagbeso pa ito sa akin. "Mukhang na-missed mo ang routine mo for the week, a." "Medyo busy lang." Matagal na 'kong patron ng gym niya. Actually, ako ang nagbigay sa kanya ng pera para maipatayo ito. Barya lang naman sa 'kin iyon. Bilang bayad-which is siya na rin ang nag-insist-libre ang membership ko. I looked around the area para maghanap ng magandang pwesto. Pinili ko iyong malapit sa bintana. Napakaaliwalas ng panahon. Nilabas ko na rin 'yung phone ko at headset sa bag ko. Feeling ko para akong nasa ilalim ng dagat. Ang dami kasing hipon sa paligid. Nagsimula muna ako sa stretching bago sumampa sa threadmill para magpakondisyon. Habang tumatakbo, I noticed the two guys looking at me. Kinukuhan pa ako ng picture no'ng isa. Hinayaan ko na lang. Nagpahinga muna ako saglit saka kinalikot ang phone ko. Saktong pagtayo ko nang may dumaan sa harap ko. Dalawa ring lalaki na pareho ang damit-no, not uniform-parang couple shirt. I find it weird though. Muntik na akong mabahing. Sakto namang napalingon ako sa bandang kanan at may nakita akong salamin. Kita ang reflection ko. Naudlot tuloy. "What the-" Nagulat ako nang may humampas sa braso ko. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo 'ko naririnig." Hinampas ko rin siya. I paused the music. "Obvious ba, Brian? Nakita mong naka-headset ako!" "Kahit nakita mo na 'ko kaninang naglalakad?" Sinimulan na niyang mag-stretching. "As if I care." Brian was my batchmate way back in highschool. Siya ang 'guy best friend ko kuno' noon. Lagi siyang sumasabay sa 'min ni Tessa-my self proclaimed best friend-mag-lunch. We let him tagged along because he insisted. Wala kaming choice. Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagdala sa kanya dito. "Kanina ka pa tulala," Napangiti siya bigla. "Crush mo pa rin ba ko? Naku, magagalit niyan si Kuya-" "Shut up! Ang kapal mo, negro." Bigla siyang nag-pout na parang bata. Cute? Crush? Siguro noon. Kung titignan, may itsura naman talaga si Brian. Singkit ang mga mata na parang Koreano, well-built ang katawan, saka moreno, kaya naiinis siya kapag tinatawag kong n***o. "Manahimik ka rin, Bumbay." See that?! Napakapasmado ng bunganga. "Pero seryoso Xander, kumusta ka na? 'Di ka ba nalulungkot?" Sinimulan na niyang ayusin ang mga gagamitin niya. "Matagal na tayong hindi nagkikita." Tumaas ang kilay ko dahil sa huli niyang sinabi. I saw his playful smile. "I'm doing great, Brian. Thank you for asking." Kinuha ko ang mga gamit ko. Bigla akong nawalan ng gana mag-gym. Papalabas na ako nang bigla akong mapahinto. I saw a flash came from his phone. Kinunan niya ako ng picture. "Reporting for duty," Nakangiti siya habang nagtitipa. "Nice shot Xander." Pilit kong kinukuha ang phone niya pero sadyang mabilis umilag ang kamay niya. Baka mamaya kasi pagtripan na naman niya ang stolen shot ko. Nadala na ko nang minsan niyang gawing meme ang picture ko. Kung hindi ba naman siraulo, naka-tagged pa sa account ko. I blocked him the entire week dahil doon. "May pinapasabi nga pala si Kuya-" "Don't mention his name. Tell him, I don't wanna see him around." I know Brian, I met him the other day. Nag-init bigla ang ulo ko. Napaka-loyal pa rin niya sa pinsan niya. As I've said, nawalan na ko ng ganang mag-gym. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Narinig ko pang tinatawag ako ng manager ng gym. I waved my hand to say goodbye. I dialed my phone a few times pero walang sumasagot sa kabilang linya. I waited impatiently. "Hello, Tessa! Kanina pa kita tinatawagan bakit ang tagal mong sumagot?" --- "Anong meron?" I thought about meeting her at the coffee shop. I paid her fare as well. Napakasimple lang ng suot niya. Plain pink T-shirt. Tokong pants at sandals na galing pa 'yata sa ukay-ukay. Wala namang masama, I mean, she likes it anyway. I waited my hot coffee to reached my lips. "Wala naman. Ang panget mo pa ring kausap, Tessa." Dumating ang pina-order niyang dalawang slices ng cake, isang tasa ng kape. "Alam mo ikaw?" Habang hinihiwa niya ang cake. "Hindi ka na nagbago mula highschool ganyan ka na. Perfect ka? Perfect?" I looked intently straight into her eyes. Nagpalumbaba na rin ako. I could see how she was drooling as she looked into my eyes. Laglag panga niyang hinihiwa pa rin ang cake. Natawa ako, kaya bumitaw na rin siya sa pagkakatitig. "How would you rate me? "Alam mo, tigil-tigilan mo 'ko sa kakaganyan mo." Tinignan niya ang cake sa mesa. "Parang dinaanan na ng bagyo." I looked outside through the glass wall. Ang aliwalas talaga ng panahon. "Hindi mo naman sa 'kin sinabi na nakauwi na pala siya ng Pinas," ani Tessa. "Dumadaan kahapon sa bahay ko si-" "Change topic," Cutting her sentence. "Eh?" tila naguguluhan siya. "Akala ko pa naman pinapunta mo ko dito para makasagap ng chismis galing sa 'yo." "Ayoko ko lang siya pag-usapan. 'Wag ngayon." I don't know, I just feel I'm not comfortable talking about that guy. "Ang labo mo." "Ikaw naman, desisyon ka." Pointing at the cakes. "Sino may sabing dalawang slice ng cake ang i-order mo? May pa-take out ka?" Nagngiting aso naman ang bruha. "Pasalubong ko kay Manny my loves." I rolled my eyes heavenwards. My loves? Ang cringe. I paid the bill and went off the shop with Tessa. Walang forever! Maghihiwalay din kayo! --- I spent my day with nonsense things. Wala akong magawa. Bored ako. Don't ask me to clean my condo 'cause not gonna do it. Happy? Papasakay ako ng elevator nang tawagin ako ng guard. Pinapaayos daw ang parking ng sasakyan ko. Nakipagtalo pa ako sa guard dahil wala naman sa akin ang sasakyan ko. As I've remember, hindi ko pa iyon na kukuha sa lalaking 'yon. Pagod akong nakipagtalo sa guard kaya sinunod ko na lang ang gusto niya. Kapag talagang nalaman kong pinagloloko ako no'n-bahala na. I was surprised when I noticed my car in the parking area. Tama 'yung manong. Fine. Pero ipinagtataka ko kung paano iyon napunta dito? Binuksan ko ang pinto sa driver seat para ilipat ito nang pwesto. Napansin kong may maliit na papel na nakaipit sa manibela. May nag-iisang puting rosas sa dashboard. Hi, I know you're in a good shape. You are still very handsome as usual. I would love to have you go out with me. Just call me. I know you had my number, right? I will wait for you. I missed you, and I love you. Your loving husband, Nyle
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD