The 9th Madness

1554 Words
These past few days, I felt something strange about me. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Mahimbing na rin ang tulog ko sa gabi, at ang aliwalas ng gising ko sa umaga kahit hindi pa nakahawi ang kurtina. I don't know, but I started to like this feeling. Positive vibes transcends into my system. "Packed up!" sigaw ng photographer namin. Kahit katatapos lang ng photoshoot ay hindi ko ramdam ang pagod. Tinulungan ako ni Ayla sa pag-aayos ng gamit ko. By the way, bumalik na ulit siya as my handler pero ang bruha nag-enjoy sa pagiging P.A ko. Bukod daw sa naa-apply niya ang skills bilang makeup artist, satisfied na siya sa sweldo niya. "Nice shot!" she exclaimed. Sabay naming tinitignan ang mga photos sa monitor. "I know," sagot ko. Hindi naman kasi ako tulad ng tatlong android na co-models ko na kailangan ng fifty shades ng foundation para lang masabing presentable sa harap ng camera. Hindi ko na kailangan ng palitada sa mukha. Napansin ko, mula nang kausapin ni Nyle si Raphael noong araw na iyon. Hindi na siya muling lumapit sa akin. I'm not saying na nagiging clingy ako or something, It's just that it bothers me. May nangyari kayang hindi maganda? Usually, kukulitin niya ako or ang buong team para makinig sa mga corny niyang jokes. Bago magsimula ang photoshoot ay mang-aalaska muna siya. "Napansin mo ba?" tinawag ko si Ayla. "Parang ang tahimik ni Raphael lately. May sakit ba?" "Oo nga, kanina pa 'yan," sagot niya. "Mukhang wala namang siyang sakit, sadyang tahimik lang siya ngayon." Hindi kaya may kinalaman ang nangyari the other day? Knowing Nyle and his possiveness and manipulative tactics, mukhang may hindi nga magandang nangyari. Sinubukan kong batiin si Raphael. Isang ngiti lang ang ibinigay niya at nagpatuloy na sa paglalakad habang hawak ang phone niya. "Una na ako," pagpapaalam ni Ayla. "Huwag muna, bata ka pa!" Naghiwalay na kami ng daan palabas ng building. Papuntang main road ang daan niya para mag-abang ng sasakyan, samantalang nag-stay lang ako sa lobby para maghintay. Ilang minuto pa lang ako nakakaupo nang mag-ring ang phone ko. "Where are you?" bungad ko. "Turn around." Lumingon ako at nakita ko siya sa hindi kalayuan. Simpleng polo shirt at pants ang suot niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit iba ang dating niya sa akin. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Nagkusot pa ako ng mata dahil baka namamalikmata lang ako. "Kanina ka pa?" I felt his warm skin when he held my hand. "Nope. Kararating ko lang." Hindi ko na lang siya sinagot kahit na alam ko namang lagi siyang maaga sa usapan. He was like that kahit noong nag-aaral pa lang kami. May mga times na may usapan kami na magkikita sa gate ng school para gumala kasama sina Brian at Tessa. Siya ang laging pinakamaaga sa meeting place. Noon, may usapan kami na kung sino ang late ay siyang manlilibre. Ako ang laging late sa usapan pero never pa akong nanlibre na kahit na ano dahil lagi akong sinasalo ni Nyle. Sagot niya ang foods, fair, or even other expenses kapag nagkayayaan kami kung saan. I was so naive that time, hindi ko alam na iyon na pala ang simulan ng panliligaw niya ayon kay Tessa. Sorry, hindi ko kasi ramdam. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng building. Hindi ko na sinubukang bawiin ang kamay ko tulad ng lagi kong ginagawa noon. I feel like our hands are meant for each other. I arched my brow when I saw his car. Kapag ba magsusundo kailangang BMW ang dalang sasakyan? He opened the door for me and I went inside. Pumunta naman siya sa kabilang side at doon na pumasok. "Kumain ka na?" tanong niya. He started the engine. Umiling ako. "Katatapos lang ng photoshoot ko. Paspasan ang trabaho." "Why don't you resign?" tanong niya. "Para hindi ka na mapagod, I can provide all your needs, so don't stress yourself too much." At some point, I felt his sincerity pero ayaw ko ng walang ginagawa. Ito na nga lang ang libangan ko tapos tatanggalin pa niya. "Hindi naman ako imbalido, Nyle, kaya kong magtrabaho at kaya ko ang sarili ko." "I know you can carry yourself pero hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala." "Thank you, then," sagot ko. "Ikaw, alam kong masyado kanang maraming ginagawa. Naaasikaso mo pa ba ang sarili mo?" Nabalitaan ko kasi kay Kyla na inihahanda na si Nyle para maging CEO ng kompanya nila. Malapit na kasing mag-retire ang daddy niya. Napansin kong sumilay ang ngiti sa labi niya. "Concerned ang asawa ko." Asawa? Cringed level one thousand. "No. I'm saying baka magkasakit ka sa ginagawa mo, baka ako pa ang sisihin ni Kyla at ng family niyo kapag may nangyaring hindi maganda sa 'yo. Hindi mo naman na kailangang sunduin ako. I have my own car." "Ito ang gusto ko, Xander," lumingon siya sa akin. "Pwede mo ba akong pagbigyan?" Nakakainis! Bakit kailangan pa niyang ngumuso na parang bata? At bakit kailangan pa niyang tignan ako sa rear mirror while wiggling his brows? --- Huminto ang sasakyan sa pamilyar na lugar. Ang Chavellez Restaurant na isa sa pagmamay-ari ng pamilya nila. Ang tagal ko nang hindi nakakarating sa kahit anong branch nila. Pagpasok pa lang namin sa loob ay malawak na ngiti ng mga staff ang sumalibong sa amin. Tinanong kami ng waiter kung saang table namin gustong kumain. Tumanggi si Nyle at sinabing sa kitchen ang destinasyon namin. Pinaupo ako niya ako sa isa sa mga table doon. Malawak ang kitchen at maraming division kaya may lugar na pwedeng pagtambayan. Nagsuot siya ng chef attire at sinimulan ang pagluluto. Passion niya talaga ang pagluluto. Ako ang ginagawa niyang taster ng mga luto niya kahit wala akong alam sa lasa. Later on, natutunan ko na lang at naging pamilyar sa lasa ng mga pagkain. Pagkatapos ng ilang minuto kong panonood sa wakas ay may mailalatag na siya sa lamesa. Una niyang inilapag ang Ratatouille. Agad akong naging pamilyar dahil sa gulay nito sa ibabaw na nakahalo sa casserole dish. Sunod naman ay Confit de canard, hindi ako sure kung duck ba ito or chicken. And lastly, Chocolate soufflé, according to him. "Bakit may chocolate?" protesta ko. "Alam mo bang mahirap i-burn ang calorie niyan?" He removed his attire saka iniabot sa isang kitchen staff. "Kahit naman tumaba ka, gwapo ka pa rin." "Hindi iyon ang point ko," I sighed. Ewan ko ba sa lalaking 'to. "Don't worry low sugar 'yan. In fact, crust lang ang chocolate then the rest is cheese which means na saltier siya than sweet." Pinandilat ko siya. "Siguraduhin mo lang, naku!" We ate in peace. Hindi pa rin nagbabago kung paano magluto si Nyle. Parati niya pa rin akong nai-impress, or dahil nasanay na lang ako sa kanya. Sa lahat ng nakahain ay ang Confit de canard ang pinakanagustuhan ko lalo kapag sinabayan ng pineapple juice as per Nyle's suggestion. He also clarified that he used duck's meat not chicken. Nang matapos kaming kumain ay lumapit ang head chef saka kami inabutan ng alak. "Para saan?" tanong ni Nyle. "Appreciation gift, Sir, from the management dahil daw po sa pagbisita niyo sa branch namin." --- "Pwede mo nang bitiwan ang kamay ko." "Why?" tutok ang mata niya sa pagmamaneho. "Is it a bad thing to hold his husband's hand?" "Oo." Sinusubukan ko iyong bawiin ang kamay ko pero niyang bumitaw. "Lalo na kung nagmamaneho ka. What if something will happen? Ayaw ko pang mamatay." "Huwag kang mag-aalala. You'll be safe here." I rolled my eyes. Nagpapaandar na naman siya ng mga cheesy lines niyang laos na. "Xander..." "Hmm?" "Can we make amends?" "About what?" "About us?" Nilingon niya ako gamit ang rear mirror. "About you, living away from me. Gusto kitang makasama sa iisang bubong. Tayong dalawa. Handa akong mag-adjust." "Marami ka ng responsibilities," pangangatwiran ko. "You have to focus lalo na't magre-retire na pala ang daddy mo." "I can decline the offer for you if you want." Pinanlisikan ko siya ng mata. "Sira ka ba?! Ako pa gagawin mong dahilan." "Kung iyon lang ang paraan para makasama kita, why not?" "Hindi ba't kasasabi ko lang dapat mag-focus ka sa isang bagay, which is 'yung business niyo, 'di ba? Ako, okay lang ako. I can handle myself. I can stand on my own. I live my life alone for years and couting. Did you get my point?" "Basta ako, I can't live without you." he said proudly. "Oh really?" I pitched my voice. Pun intended. "Kaya pala..." I noticed him became silence. Hindi na rin ako nagsalita because I know I hit something which is the sensitive topic. Napansin ko ring namumuti na ang kamao niyang nakahawak sa manibela. Tutok na tutok ang mata sa daan. Itinuon ko na lang ang paningin sa kalsada. Papalubong na ang araw. Napabalingkwas ako nang mapansing nag-iba siya ng daan. "Hoy! Maling daan 'to?!" "I know," he replied nonchalantly. "Bakit tayo dito dumaan?" "Sino ba may sabing uuwi ka?" I saw him smirked. "Iuuwi kita." I tugged my hand back with force. Nagde-desisyon na naman siya ng hindi ako kinukunsulta. Dinadaan na naman niya ako sa pwersa. He caught me off guard!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD