The 8th Madness

1576 Words
"Dito na tayo." Inihinto ni Nyle ang sasakyan sa tapat ng building. Sinimulan ko nang tanggalin ang seatbelt nang pigilan niya ako. I don't know why I am trembling right now. I can feel his warm hand next to mine. Ilang segundo akong hindi nakagalaw dahil doon. "Let me do it," dagdag pa niya. Umigsi ang distansya sa pagitan naming dalawa. Kinalas niya ang seatbelt. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mata niyang nanghahamon. Agad akong lumabas ng sasakyan dahil baka hindi ko kayanin ang tensyon sa loob. Baka himatayin ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na lumabas din siya ng sasakyan. "Salamat." "Xander," napahinto ako sa paglalakad. "Pwedeng makibanyo?" "Sa lobby." "How about in your condo?" "Huh?" I narrowed my brows. "Maraming comfort room sa lobby." I know he's up to something else. But I don't understand why people want to invade my privacy? Why they want to go into my place? Pero sa mga oras na ito bigla akong naguluhan. Alam kong pagsisisihan ko ang magiging desisyon ko, bahala na. "Tara pasok ka." Muli siyang pumasok sa sasakyan para i-park ang kotse. Then we entered the building together. Kanina ko pa napapansin na nakatingin sa amin ang mga tao, at ito namang kasama ko ay walang pakialam. Hanggang sa makapasok kami ng elevator ay hindi niya binitiwan ang kamay ko kahit ilang beses ko iyong binabawi. I swiped my card to unlocked the door. I also turned on the lights. "This is smaller than I expected," bungad ni Nyle. "Ayaw mong lumipat sa mas malaki?" He looked around the corner. "Or better yet, move in into my place instead." "Magbabanyo ka ba o ano?" "Right." Sinimulan niyang maglakad na animo'y kabisado ang buong lugar. Napataas ang kilay ko dahil tamang lugar ang napuntahan niya. "I know you're already set so goodnight, Nyle," pinagtutulakan ko siya palabas ng pinto. Sa paraan pa lang ng ngiti niya ay alam ko ng hindi siya mapagkakatiwalaan. At tama nga ako. Bago pa ako makahakbang ay agad niya akong isinandal sa nakasaradong pinto. Kinulong sa tigkabilang braso. My heart beats so fast. Feeling ko malulusaw ako sa mga tingin niya. Sinubukan ko siyang itulak pero hindi man lang siya natinag. He held my chin and traced my lips. "I want to stay with you tonight." I let him stay tonight in my place pero sa coach siya matutulog. Natatawa ako sa busangot niyang mukha. I threw my excess pillows and blanket para may magamit naman siya. Ilang beses niyang pinilit na gusto niyang tumabi sa akin sa kwarto na hindi ko pinayagan. I know he's expecting something else and I ruined his fantasy. Manigas siya! I locked the door immediately and changed my clothes into pajamas. Pinatay ko ang ilaw saka natulog nang mahimbing. --- I opened my eyes and slowly scanned the room. Madilim pa rin sa labas. Nakalimutan ko 'yatang babaan ang temperature ng aircon dahil biglang uminit ang paligid. Sinubukan kong hanapin ang remote sa side table nang may iba akong nakapa. Sinundan ko iyon nang bigla akong nakarinig ng ingay. I shrugged my head. Panic struck me. Minumulto ba ako? I turned on my lampshade. I was shocked on what I saw. "Paano ka nakapasok dito?" Nagkusot pa siya ng mata. Nagising 'yata. "What time is it?" "Anong ginagawa mo dito?" Nagsimula nang tumaas ang boses ko dahil paano niya nabuksan ang pinto. Bago ako matulog ay sinigurado kong sarado iyon at naka-locked. "Sleeping," itinulak niya ako pahiga saka hinalikan sa labi. "Goodnight, Xander. Sweet dreams." I know I'm blushing right. How the hell he sounds so sexy with his bedroom voice? How could I sleep after that? Nakahiga ako habang nakatitig sa kisame. There is no point of pushing Nyle outside my room kung may access naman siya. Akala ko ay tulog na siya nang maramdaman kong naglalakbay ang kamay niya sa ilalim ng damit. Sinilip ko siya, nakapikit ang mga mata. Nakuha pa akong lokohin kahit alam ko namang gising siya. Bumangon si Nyle sa pagkakahiga. He's wearing a white sando and black trousers. Nagulat ako nang pumaibabaw siya sa akin habang dahan-dahang hinahaplos ang mukha ko. Gusto kong magprotesta para tumigil siya pero nanatili lang akong tahimik. Nakikipaglaban ng titigan. He traced my jawline using his fingers. A thousand volts send into my body in just split of a second. Natuon ang atensyon niya sa labi ko at nagtagal doon ng ilang minuto. "I really missed this lips," dumako ang paningin niya sa mukha ko. "Of course your handsome face too." "Nyle..." Ang dami kong gustong sabihin pero tanging pangalan lang niya ang nasabi ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. "Pero alam mo kung ano ang pinakanami-miss ko?" Hindi ako sumagot sa rhetorical question niya. Nakahawak lang ako sa pareho niyang braso habang kinukulong ako ng mga iyon. "Your heart." I don't know why I feel so emotional all of a sudden. Parang may tumama sa puso ko. Bumigat ang pakiramdam ko. Naramdaman ko na lang na pinupunasan niya ang luha ko. Walang nagsalita sa pagitan namin. Patuloy niyang hinahaplos ang mukha ko, ako naman ay nanatiling nakahawak ang kamay sa braso niya. He slowly cut the distance between us. I almost hear his heart beat. Kinulong ni Nyle ang pareho kong kamay at saka inilagay sa ulunan ko. His warm lips covered mine. I respond to his gentle kisses, walang bahid nang pagmamadali. That night, him and I became one. --- Nagising ako kinabukasan na mataas na ang sikat ng araw. Tumatama iyon sa mga mata ko. Kinapa ko ang tabi ko at isang malaking espasyo ang bumungad sa akin. Nanaginip lang ba ako kagabi? Why it felt so real? Bumangon ako at nag-ayos ng sarili. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakarinig ako ng ingay galing sa kusina. Bumungad sa 'kin ang amoy ng pagkain. Nakita kong inaayos ni Nyle ang hapag. "Good morning!" Ilang saglit hindi rumehistro sa utak ko ang mga nangyayari. Napaigtad ako nang halikan niya ako sa labi. "p*****t!" "Sorry," bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Sinipat niya ang buo kong katawan. "Are you feeling well? I supposed to bring your breakfast in your bed." Pinamulan ako dahil sa sinabi niya. Alam kong nag-aalala siya pero kaya ko ang sarili ko. Pinatabi ko siya at umupo sa dining table. "I try to look for ingredients on your fridge but I didn't found one," dagdag niya. "Kaya nag-order na lang ako." True to himself. Magaling magluto si Nyle. Noong nasa dating stage pa lang kami noon, madalas niya akong papuntahin sa bahay nila para ipaghanda ako ng pagkain. Isa rin sa business nila ang restaurant. I asked him to teach me some basics of cooking pero hindi talaga ako matuto-tuto. Hanggang printong itlog lang talaga ang kaya kong lutuin, at magpakulo ng tubig. Nakita ko siyang nakatayo lang habang kumakain ako. Nakunsensya naman ako kaya inaya ko na siyang kumain. "Anong oras ka pala aalis?" "Pinapaalis mo na ako?" I sensed sadness in his voice. "'Di ba may trabaho ka? Ako, I don't have any problem on my schedule since freelance lang ako." "Pwede ko namang kausapin ang board nai-postponed ang meeting until I can come to work," he looked at me. "Ilang araw gusto mo?" "Nyle." Ayaw kong mag-leave siya sa trabaho ng dahil sa 'kin. Kawawa naman ang mga employee na naghihintay sa response niya at ayaw ko ring maging cause of delay. Hindi ko deserve. "Okay," he said. "Aalis ako after we eat." --- Nang sumunod na araw ay naging madalas ang pagdalaw ni Nyle sa condo ko. Araw-araw siyang may dalang isang bag ng groceries para raw may stock ako. Ilang beses ko ring sinabi sa kanya na hindi ako madalas kumain sa condo kaya baka masayang lang ang mga iyon. Dumadalaw din si Brian para makipagkwentuhan. Parang kung paano kami mag-asaran noong high school. Minsan, pumupunta rin si Tessa kasama ang anak niyang si Lyndon. Lumalaki na ang bata at natututo na iyong magsalita. Ganoon din naman si Kyla para ikwento ang love life niya. As if naman na maiinggit ako sa buhay pag-ibig niyang kasing gulo ng sinulid. Natuklasan ko na kaya nagagawa niyang maglabas-pasok sa kwarto ko ay dahil mayroon siyang susi, na hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng duplicate. Ipinagmayabang din niya na bukod sa susi ay mayroon din siyang duplicate ng card ko. Ayaw niyang sabihin kung paano siya nakakuha ng mga kopya. Sinubukan ko siyang takutin na lilipat ako. Sa huli ay nagbanta siya na susundan ako kahit saan ako magpunta. "Hindi ka ba nalulungkot mag-isa dito?" tanong niya habang nanonood kami ng T.V. Umiling ako. "I used to it." "Ako oo," lumingon siya sa akin. "Araw-araw kasi kitang nami-miss." Hindi ako sumagot. Sa ilang araw niyang pagbabalik-balik ay nakararamdam ako ng kakaiba. Hindi ko alam kung ano iyon, at ayaw ko iyong i-entertained dahil baka masanay ako. "Lilipas din 'yan." Kumuha ako ng chips saka sinimulang lantakin. "I used to tell that to myself but I can't resist the urge of seeing you." "Oh stop it." I rolled my eyes. "You want a proof?" "What proof?" Pinatay niya ang T.V. Nanlaki ang mga mata ko nang hubarin niya ang suot na damit. Dinambahan niya ako saka sinimulang kilitiin ang tagiliran ko. "Now," he licked his own lips. "This is the proof that you want."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD