Natawa si Raphael nang sabihin kong magko-commute sana ako pauwi. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya. Wala namang nakakatawa.
"Seriously?" tutok ang mata niya sa daan. "Kaya mo? I mean, rush hour ngayon, siksikan at makakasinghot ka ng iba't ibang klase ng amoy sa bus."
Kahit ako ay ayaw kong mangyari sa 'kin 'yun kaya lang ay wala akong choice. "Anong gusto mo maglakad ako?"
"Ewan ko ba sa 'yo, Xander. Kung bakit ang kumplikado mong tao."
Here we go again. He's starting to be talkative and talking nonsense. Kaya minsan ayaw kong kasama 'to sa dressing room kapag may out of town photoshoot kami. Hindi matahimik ang mundo ko. Hindi ko na siya kinausap at tumingin na lang sa labas.
"Hey!" Hindi talaga matahimik ang bibig niya. "Kausapin mo naman ako. Ang tahimik, e."
"Buksan mo 'yung radyo."
"Alam mo kung hindi ka lang talaga married kay Sir Nyle malamang ang dami nang nagkandarapa sa 'yo."
"Paano mo nasabi?" nilingon ko siya. "Just shut up and drive."
"Usap-usapan ka kasi sa studio kapag wala ka," Ang kakapal talaga ng mukhang ng mga inggitera at mga tsismosa! Gawin daw ba akong trending topic kapag wala ako. "Kung hindi lang talaga kayo ni Sir Nyle—"
"Ano?"
He looked at me straight in the eye. "Malamang niligawan na kita noon pa."
---
Huminto ang sasakyan sa tapat ng building. Nag-volunteer pa siyang umakyat sa condo ko na hindi ko pinayagan. Masyado ng gabi para tumanggap ng bisita at gusto ko na rin magpahinga. Nagpasalamat na lang ako sa kanya. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan niya bago pumasok sa building.
Napapailing na lang ako dahil sa pinagsasasabi niya. Gwapo si Raphael. Disente siyang tao pero may pagkamadaldal talaga. I heard din na maraming may crush sa kanya lalo na 'yung mga makeup artist namin. Habulin siya ng marami pero hindi ko siya type. I don't know. Palagay ko hindi kami magpi-fit in.
Pagkaapak ko pa lang sa dressing room ay boses na agad ni Raphael ang maririnig. Ang saya-saya niya. Panay tawa din 'yung mga P.A at makeup artist sa jokes niya.
Sinalubong ako ni Ayla. "Mukha kang pagod. Are you okay?"
"I'm fine. Hindi lang ako nakakatulog ng maayos."
"May sleeping pills ako sa drawer. Gusto mo bigyan kita?"
"No thanks," umupo ako saka humarap sa salamin. "Ayos lang ako."
Sinimulan na ni Ayla ang paglalagay ng kaunting makeup sa mukha ko. Dapat biro lang na gagawin ko siyang makeup artist pero nagulat ako sa skills niya. Ang sabi niya ay may background siya as makeup artist at ngayon na lang iyon nagamit. Not bad.
"Hey! Hey! Hey!" nakita kong papalapit si Raphael dahil sa reflection ng salamin.
"What?"
"I just want to see you," he stood behind me. "Masama ba?"
Hindi ko siya pinansin at itinuon ko na lang ang ginagawa sa mukha ko. Habang nakapikit ay narinig ko ang ingay ng mga papasok na tao. Kilala ko ang mga boses na 'yon. Sila 'yung tatlong mukhang palaka na naghahari-harian sa studio. Mga trying hard na wala namang ipagmamalaki.
"Done!" Ayla exclaimed in cheerful voice.
Pagkatayo ko ay siya namang akbay sa 'kin ni Raphael. Inilagay pa niya ang kamay sa waistline ko. Sinubukan ko iyong tanggalin pero pilit pa rin niyang binabalik. Napahinto naman sa kwentuhan ang tatlong mukhang galit na langgam. A pair of perfectly plucked eyebrow automatically shot up. Sinisipat kami ni Raphael saka nagbulungan.
Handa ko na sanang sugurin ang tatlo nang pigilan niya ako. "Tama na babe."
"Don't call me babe here."
"Ikaw ha?" he poked me on my tummy. "Sa kotse na lang after ng shoot."
"No," Ang hina umintindi ng isang 'to. "'Wag mo 'kong tatawaging babe. Hindi kita kilala."
"See you around," he winked. I rolled my eyes.
Hindi ko alam kung gaano na katagal nanonood ang tatlong 'yun. Mga hindi na maipinta ang mga mukha dahil sa paraan ng pagkakatitig sa 'kin. "May problema ba kayo?"
Sabay-sabay na nagsiulasan ang tatlong alimango. Mga walang magawa sa buhay.
---
Nasa meeting ako ngayon dahil may bagong design para sa newly release apparel, as per client's request. Brainstorming para sa gagawing mood board para maipasa sa head quarters, hiningi kasi ang opinions and suggestions naming mga model.
Naririndi ako sa boses ng tatlong ipis, sobrang active mag-suggest na akala mo graded recitation sa classroom. Ito namang katabi ko panay ang kalabit sa 'kin. Pinaglalaruan ang buhok ko, o kaya naman sinusundot ang pilikmata ko at kilay.
"Paano magpatubo ng ganyang kilay?" He traced my eyebrow. "Saka ito, paanong ganyan 'yan kalago? Do you use any particular product for that?"
"Shut up and listen to the discussion."
"Paano nga kasi—"
"I don't use any product, okay? Natural na tubo 'yan." singhal ko sa kanya gamit ang impit na boses.
"But why are those looked perfect on you?"
"Ano bang itsura ko?" I gave him a bored look. "That's what you called genes."
"Any suggestions, Raphael, Xander?" sita ng head photographer sa aming dalawa. Nagkibit-balikat lang ako habang nagbigay lang ng malawak na ngiti itong katabi ko.
Tumalikod na lang ang head photographer saka inilipat ang slide. Napansin kong pinagbubulungan na naman ako ng tatlong bibe. Ano bang problema ng tatlong 'to? Nanggigigil na 'ko!
---
Lunch time na. Pinili ko na lang kumain sa pantry dahil tinatamad akong lumabas ng building. Napakainit pa sa labas. Kasabay ko si Ayla. Nagtaka ko kung bakit hindi um-order siya ng kakainin niya na usual niyang ginagawa.
"Bakit hindi ka bumili? Wala ka na bang pera?"
"May pagkain na 'ko," inilabas nito ang lunch box saka ipinatong sa lamesa. Naalala ko tuloy 'yung gaawin ko noong high school. Since, tinitipid ko ang pera ko, binabaon ko 'yung natirang pagkain ng hapunan saka ilalagay sa lunch box o kaya naman manghihingi ako kay Tessa kung may extra siya.
"Nice! Marunong ka nang magbaon," Alam ko kung gaano kagastador si Ayla, feeling bilyonaro ang bruha kagaya ko.
"Hindi, Xander. Kanina kasi bago ka dumating dumaan si Sir Nyle sa studio. Nanlibre ng foods sa mga staff kaya humingi na rin ako."
"Talaga?" Sinimulan ko nang bawasan ang pagkain ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang dumaan nang mas maaga sa mga lugar na pupuntahan ko. Kahapon, sa bahay nila Tessa, ngayon naman sa studio.
"Nagtaka nga ako kung bakit hindi ka niya hinanap kanina. Dapat nga—" pinanlakihan ko siya ng mata. "Sabi ko nga mananahimik ako at kakain na lang."
Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Nyle. I'm not that I miss him or anything. Hindi lang ako sanay. Ayoko ko siyang tawagan—not counted ang nangyari kahapon—or i-text dahil baka isipin niya I regret what I did. Sa katunayan, okay ako sa naging desisyon ko.
Kahit papaano naman ay may mga gamit at pera pa rin akong natatanggap galing sa kanya. Kusa na lang bumubulaga sa 'kin pagbukas ko ng pinto.
Tapos na akong kumain. "Uuwi na 'ko, Ayla."
"Okay. Ingat!"
Mamaya pa raw uuwi si Ayla dahil may kailangan pa raw siyang asikasuhin 'pag balik niya ng studio. Bandang hapon na nang maisipan kong lumabas ng building.
Nakita kong kumakaway sa 'kin si Raphael. Papunta na sana ako sa pwesto niya nang mapahinto ako. Humarang kasi sa paningin niya ang papalapit na si Nyle. Nag-usap sila saglit at nakita kong papalayo na si Raphael. Wait! Anong nangyari? Aalis na lang siguro ako.
"Xander, wait!"
Napahinto ako sa paglalakad. Biglang akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko siyang magawang lingunin dahil parang bumigat ang pakiramdam ko. Wala nang bawian, nandito na.
"Yes? May kailangan ka?" pinilit kong gawing pormal ang boses ko.
"Hatid na kita," hinawakan niya ako sa pulsuhan.
"No, thanks!" I tugged my arm back. "May dala akong kotse."
Humirap siya sa 'kin. Inilagay niya ang kamay sa bulsa ng pantalon. "Nakuha mo na ang kotse mo? I thought bukas pa iyon maaayos."
I gasped. Paano niya nalaman ang bagay na 'yon? Kaninang umaga lang nag-message sa 'kin ang towing company na bukas pa pwedeng makuha ang kotse.
"I know what you're thinking," lumapit siya sa 'kin. "How many times do I have to tell you, I have my ways."
"Tumigil ka nga! Hindi ako sasabay sa 'yo and that's final!" Nakakainis kasi kung bakit isa lang ang binili kong sasakyan.
"Mas gusto mong sumabay sa lalaking 'yon? Sa co-model mo? Gusto mo ipasara ko 'yang modelling agency, ha!"
"Don't you dare!"
"Take it or leave it?"
---
Ito ang isa sa mga ayaw kong characteristics ni Nyle, masyado siyang manipulative and possessive in some ways. Lahat gusto niya idinadaan sa pwersya. Gusto niya siya lagi ang nasusunod. Nakakainis at nakakainsulto. Baka nakakalimutan niya na siya ang may atraso sa 'kin.
He always dominates me. Wait! Why is it sounds so wrong? Hold on!
"Anong gusto mong kainin pag-uwi?" he asked me casually.
"Ako ang bahala sa kakainin ko. Ikaw, ihatid mo lang ako sa condo ko at umuwi ka na."
He chuckled and it sends me shiver down to my spine. "Gusto mo kausapin ko ang may-ari ng building to evict you."
"What?! 'Wag mong pakialaman ang buhay ko!"
"Para saan pa at naging mag-asawa tayo kung hindi kita papakialaman."
Nararamdaman kong tumataas ang dugo ko. "Nasaan na ang divorce paper na hinihingi ko sa 'yo nang mapirmahan ko na."
"Am I look fool to you, Xander? Sa tingin mo ibibigay ko 'yun. Alam mo bang pagod na pagod na 'ko sa 'yo."
"Fine! Kung pagod ka na bakit hindi pa tayo maghiwalay?!"
"Alam mo kung bakit?" hininto nito ang sasakyan sa tabi ng kalsada.
"Bakit?"
"Dahil..." I wasn't expecting that to happened. He pressed his lips against mine real quick. "Mahal kita."