I don't have scheduled photoshoot for today kaya naisipan ko na lang gumala sa mall. By myself, of course. Suot ang Ralph Lauren navy blue dress shirt, partnered with my Levi's light brown shorts.
Bumaba ako ng sasakyan ko ng saktong tumama ang sinag ng araw sa 'king Gucci white tennis shoes. Dahil maaraw papasok sa entrance ng mall kaya sinuot ko na rin ang David Kind Hartford Aviator sunglasses ko.
And smile. As simple as that.
I looked around the vicinity and saw these three men—construction worker sa ginagawang condo tawid ng mall looking at my Porsche 911 Black Edition.
Binaba ko ang sunglasses ko nang mapansin kong nakatingin sa 'kin ang isa. He looked at me from head to toe at bumalik sa pagkakatitig sa mukha ko.
I felt something inside me, iritation.
Naalala ko noon noong bata ako. May construction site malapit sa 'min. Tuwing umaga bago ako pumasok sa school, may mga construction worker na laging nakasunod ng tingin sa 'kin. At first, I didn't care about their glances. Nang sumunod na araw they call me names, kaya kahit nakakainsulto na, iniwasan ko na lang.
From that day, I started harboring this hate to construction worker. Lalo na 'yung mga mukhang dugyot at nagpapalipas oras sa pagtitig sa mga dumadaang tao.
Binilinan ko 'yung driver ko na ilipat ng parking ang sasakyan. Mahirap na.
I walked straight ahead habang may nakapasak na earphone on my both ears. Napakaraming tao dahil Sunday at lahat ay nasa labas ng bahay. Ayaw ko sanang lumabas dahil masyadong crowded but I don't have a choice. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras sa sarili ko.
According to handler named Ayla, mapupuno raw ang schedule ko sa susunod na araw kaya sulitin ko na. Ayaw ko naman maglagi sa condo dahil boring.
I don't know. Sanay na ko na nasa labas ng bahay ang buhay ko.
I went to department store to look for some garments. Pumunta ako sa mga stalls. I know some of the brands and designs because I wore them in one my endorsements before.
Lumipat ako ng stall at naghanap ng mga brands na ngayon ko palang nakita. I had sponsorship ng mga damit kaya pinum-pino na ang walk-in closet ko. I do shopping when I'm bored.
Papalapit ako sa pila ng biglang may sumingit sa harap. I took off my earphones then I poked the girl in front of me.
"Excuse me."
Hindi niya ako pinansin kaya nilakasan ko ang pagkalabit, and I heard her snapped. The nerve of this woman! Ang kapal ng mukha sumingit sa pila. May iba pang customers sa unahan at likuran namin.
Finally, lumingon siya. "Ano ba?! Nagmamadali ako."
"Nagmamadali ka? Akala mo ikaw lang!" I crossed my arms. "How about us? Hiyang hiya naman ako sa 'yo."
Hindi niya ako pinansin saka tumalikod. Oh come on, try me! She's holding one bottle of perfume. Hindi naman siguro mabigat ang dala niya para mag-apura siya.
I poked her again with rudeness intent para maramdaman niya. "Pumila ka ng maayos or better yet umalis ka sa pila."
I felt everyone in the lane looking us. I don't care anyway. Attention loves me, though.
Feeling satisfied, umalis sa pila ang babae. Inabot ko sa cashier ang credit card ko.
---
When I was about to leave the store, I saw a group of highschool students on their uniforms. Nagkukumpulan sila sa cosmetic section. These girls are trying out the makeup testers.
"Beh! Ang ganda, bagay sa 'yo!"
"Oo nga beh! Try mo 'to. Pak na pak ka d'yan!"
"Para kayong timang. Alam niyo namang mana lang ako sa inyo."
Tuwang tuwa kung paano papulahin ang mga labi nila. Nagkakapalan na rin ang mga kilay dahil sa cheap na makeup brand. Ang babata palang marunong ng magsinungaling.
Mga plastic kayo ng taon!
Naalala ko tuloy nang dumaan ako sa Starbucks the other day. Crowded ang buong lugar dahil sa dami ng estudyante sa loob. Ginagawang library ang SB. Isang grupo silang nakaupo, halos sakupin ang dalawang table. Nangiwi ako dahil dalawang tasang kape lang ang nakapatong sa lamesa at dalawang slices ng cake.
Ang daming taong social climber pero hindi naman afford. Mga feeling rich kid!
Dahil sa ingay, pina-take out ko na lang ang kape ko.
---
Dumaan ako sa rest room to pee. When I'm done with my business, I saw this chubby man na nakaharang sa daanan. I looked around. Kaming dalawang lang sa loob.
Mataba, maitim, bansot at malaki ang tiyan na may nakakalokong ngiti. I'm trying to move on his side pero nakasunod pa rin siya. Para kaming nagpa-patintero sa pinto. Ayaw niya talagang magpadaan.
I removed my sunglasses. "Excuse me," I arched my brow. "Can you get out on my way?"
"What if I don't," I saw a smug on his face na talagang nakapagpainit ng ulo ko kaya naman binangga ko na lang siya.
Nakakainis! Hindi ako pumapatol sa isang dirty, old man. Nakakadiri lang!
"Kanina pa kita sunusundan mula pa sa department store," he looked at me from head to toe. Punum-puno ng malisya sa katawan na ulang na lang ay sunggaban ako. "I found you attractive."
Nananayo ang balahibo ko sa buong katawan.
"Well, thank you." Regarding on his last statement. "I'm sorry to tell you this pero hindi kasi ako pumapatol sa buhay na Buddha, e. I'm leaving."
Tinalikuran ko na siya pero rinig ko pa rin kung anong sinasabi niya sa likod ko.
"Anong sinabi mo?!"
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang matabang lalaki. "And one more thing, hindi ako mahilig sa letson, masyadong maraming cholesterol."
---
I'm currently holding three paper bags laman ang mga hindi kilalang brands. I want to discover new things. Kaya nga mas pinili ko na lang maging independent at ilayo ang sarili ko sa iba.
Papalakad na ako papuntang parking area nang mag-ring ang phone ko. "Hello, Ayla."
"Hello, Xander." ani ng nasa kabilang linya. "This is regarding on your schedule for the following week. May mga changes na nangyari."
Nakita ko na papalapit na ang sasakyan ko kasama ang driver. "Like..."
"Cancel lahat ng photoshoots mo for a week."
"What?!"
"I don't know the reason yet but don't worry I'll make a follow-up. Bye!" she hanged up.
Anong nangyayari?
Huminto ang sasakyan sa harap ko. Bubuksan ko na sana ang pinto sa likuran nang bumukas ang pinto katabi ng driver's seat.
I saw a familiar person in the driver's seat. Huli na para umatras nang hilian ako nito papasok ng sasakyan. Automatic na nag-lock ang mga pinto. Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango.
I felt his hands slowly wrapped around my body. I almost drunk with the smell coming from his body. Biglang tumigil ang utak ko nang maramdaman ang nagbabaga niyang halik. Sabik na sabik ang mga labi niya.
"Teka..." I said between his kisses.
Wala siyang naririnig. My hands suddenly lost its strength to push him. Sumusunod ang mga labi ko sa paggalaw ng mga labi niya. Mabilis niyang na-unbuttoned ang unang dalawang butones ng polo ko. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang kamay niya habang naglalakbay sa loob ng damit ko.
"Teka nga!" Bigla akong humugot ng lakas kung saan. "Nasaan ang driver ko?"
I saw his playful smile. "Pinag-day off ko."
"What? Are you his boss?"
"Nope. I'm your—" I raised a finger in front of his lips.
"Don't talk." Calming myself down. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?"
Nakikita ko na naman 'yung nakakainis niyang ngiti. Nakakapanggigil!
"I had my ways, Xander. Don't test me."
"Really?!" The nerve!
Kumulo ang dugo ko. Anong karapatan niyang utusan ang driver ko? Hindi ko namalayan na naka-seatbelt na pala ako. Agad-agad ko iyong tinanggal saka lumabas ng sasakyan. I had to get away from him before anything could get worse.
Iniwan ko siya saka nag-abang na lang ng taxi pauwi sa condo unit ko. My heart beats faster than usual. Ramdam ko ang pamamaga ng labi ko.
I really hate him!