Chapter 5

2441 Words
MARGARETH "Mate," mahinang sabi ni Marco para marahil kunin ang atensyon ko dahil natigilan ako. "Mate." Curious na inulit ko ang salitang narinig ko. Tumango si Marco at muli ay mataman akong tinitigan. Ngunit mas nagulat ako ng tumayo ito at basta na lang ako niyakap ng napakahigpit at sumiksik pa ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ko. "I'm glad you're safe, hindi ko alam ang gagawin ko, kung may masamang nangyari sa 'yo. Natakot ako ng husto ng makita kitang nag-aagaw buhay. Akala ko-" Saglit na tumigil si Marco na tila ba hindi niya kayang ituloy ang gustong sabihin. "Ang akala ko ay mawawala ka na sa akin," mahinang bulong ni Marco habang nakasiksik pa rin ang mukha sa balikat ko. Awang ang labi at hindi ako makakilos dahil sa narinig ko at biglaang ginawa niya. Para bang wala akong kakayahang kontrolin ang sitwasyon at ang tanging magagawa ko sa ngayon ay hayaan si Marco na yakapin ako. Tila ba nahanap ko ang tahanan ko na maging ako ay hindi ko alam na posible palang maramdaman ko habang katulad ko ay nararamdaman ko ang mabilis na tîbok ng puso ng lalaking yakap ako. May kakaiba sa lalaking nakayakap sa akin. Hindi ko mawari at matukoy kung ano. Tila ba sa puso ko, alam ko na may kaugnayan kami sa isa't isa, pero ang nakakapag-taka ay bakit ganito ang nararamdaman ko gayong ngayon ko lang naman siya nakita at nakilala. "I'm glad I found you at the right time," tila wala sa sarili na bulong ni Marco. So, siya pala ang nagligtas sa akin. Siya rin ang nakatagpo sa akin sa gubat at nagdala dito sa hospital. "Thank you so much for saving my life. I owe you my life now," seryosong pasasalamat ko. Ito lang kasi ang tanging magagawa ko at wala naman akong kakayahan sa ngayon na bayaran ang lahat ng ginawa niya para sa akin. Mahinang umiling si Marco habang mahigpit na nakayakap pa rin sa akin. "No, Luna, hindi ka dapat magpasalamat sa akin. Tungkulin ko ang protektahan ka," madamdaming pahayag nito. Nagtataka man ako sa kinikilos ni Marco ay hindi na ako umimik. Siguro ay emotional lamang siya na ligtas na ako ngayon at nagkamalay na. Maaaring dala lamang ito ng matinding tensyon o emosyon, dahil nasaksihan niya kung paano ako nag-agaw buhay sa panahong mahina ako at walang kakayahang alagaan ang sarili. Malaking pasasalamat ko na siya ang nakatagpo sa akin sa gubat. Hindi man niya ako kilala ay iniligtas at inaalagaan niya ako. Talagang utang ko sa kan'ya ang aking buhay. "Ilang araw na ako dito?" naisip ko na itanong sa lalaking nakayakap sa akin. I'm certain na hinahanap na ako ng superior ko at nagtataka na kung bakit out of radar ako for the first time in my mission. Kailangan ko ng mag-report agad, lalo na ngayong nagkamalay na ako. Palagi kasi akong gumagawa ng paraan para makapag-bigay ng update sa opisyal ko, kaya alam ko na sa situation ko ngayon ay posibleng nag-aalala na sila sa akin dahil wala akong kahit anong paramdam sa kanila sa loob ng ilang araw. Kailangan kong makapag-send ng signal sa lalong madaling panahon. Oo at safe ako dito, pero may misyon akong kailangang tapusin. Hindi makabubuti na patagalin ko iyon, lalo na at patuloy na gumagala at malayang nakakapaghasik ng kasamaan ang mga taong nasa likod ng muntikan ko nang pagkawala sa mundong ito. Maaaring sa tingin ng mga grupo ni Gustavo ay napatay na nila ako, pero wala silang alam na para akong virus na hindi mawala sa sistema nila at patuloy na gagawa ng paraan na magupo ko ang teroristang grupo nila. With just one click, surely Gostavo's group will be exposed. Mailalantad ko rin ang katotohanan sa likod ng maskara ng mga taong nakikinabang sa rebeldeng grupo. Ang tanging kailangan ko na lang gawin ay ilabas ang lahat ng ebidensya na nakalap ko at iyan ang gagawin ko sa sandaling makalabas ako sa hospital na ito. "Exactly ten days today ng natagpuan kita sa gubat," sagot ng kausap ko ng bitawan ako mula sa mahigpit na pagkakayakap sa akin. Napansin ko na slang kung magsalita si Marco. May accent sa Tagalog at mas bagay sa kanya kung magsasalita ng English. Hindi na ako nagtataka, dahil obvious naman sa mukha nito na hindi ito purong Pilipino "Ten days," marahang ulit ko sa sinabi ni Marco. Kung gano'n kailangan ko ng makalabas dito sa lalong madaling panahon. "Yeah, ten days kang walang malay at ilang araw ka rin na nag-agaw buhay," may lungkot sa tining na sabi nito. Nararamdaman ko ang pag-aalala sa akin ni Marco. Hindi maitago sa mukha niya na tila ba affected siya sa nangyari sa akin. But why? I mean, wala naman kaming kaugnayan sa isa't-isa. So, anong pinanggalingan ng emosyon niyang nakikita ko sa mga mata na matiim na nakatitig sa akin? "May natatandaan ka ba sa mga nangyari sa 'yo o kaya pangalan mo?" tanong ni Marco sa kin. Nakakunot noo na natigilan ako. Sasabihin ko ba ang totoo? Pero bakit parang nakaka-konsensya na magsisinungaling sa kan'ya at itatago ko ang identity ko? Para bang may pumipigil sa akin na gawin ang malimit kong gawin na itago ang identity ko sa bawat nakakasalamuha ko para sa kaligtasan ko. "Um, actually wala akong maalala." Lihim akong napamura sa isip ko. Iyong pakiramdam mo na nagi-guilty ako dahil magsisinungaling ako sa pagtatago ko ng pagkatao ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Marco na ako mismo sa sarili ko ay gusto kong bawiin ang sinabi ko. "Pero naalala ko ang pangalan ko," hindi makatiis na sabi ko, dahil hindi ko kayang tingnan ang nabasa kong disappointment sa mga mata niya. Lihim akong napabuga ng hangin. It's against to protocol na sabihin ko ang katiting na information sa pagkatao ko, lalo pa sa sitwasyon ko ngayon na nasa panganib ang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit for the first time, nagawa kong balewalain ang safety precaution na alam kong dapat ay ginawa ko. May kung ano sa lalaking kaharap ko. Pilit ko mang arukin sa isip at puso ko, hindi ko makuha ang sagot sa tanong ko. Tila ba may kakayahan siyang baliin ang malakas na kontrol at depensa ko sa sarili ko. Nagliwanag ang mukha ni Marco na para bang malaking bagay sa kanya ang sinabi ko. "Really? What's your name, Luna?" masayang tanong nito. "Margareth, my name is Margareth," mahinang sabi ko. Kahit na hindi pwede ay nagawa kong sabihin sa kanya ang pangalan ko sa dahilang ako mismo ay hindi sigurado. "Margareth, such a beautiful name like you," nakangiting sabi ni Marco, habang titig na titig sa akin na akala mo ay ako ang pinaka-magandang bagay na nakikita niya sa mga oras na ito. Kung sa ibang pagkakataon, matagal ko na siyang nasapak sa kakatitig sa akin. Walang lalaking pinalampas ko ang ganyang tingin. Pero iba si Marco, kakaiba ang effect ng mga tingin niya. Nakakapanghina ng tuhod nakakaubos ng lakas. "Magpahinga ka muna, babantayan kita, Luna. Mamaya ay gigisingin kita, kapag pwede ka ng kumain," mahabang sabi ni Marco na inayos ang unan na nasa ulo ko. "Kailangan mo ng mahabang pahinga para lumakas ka agad at makalabas ka na dito," sabi pa nito. Napatango na lang ako, dahil hindi ako sanay na may ibang tao na nag-aalaga sa akin, maliban sa Kuya Mateo ko. Malakas at matatag ako at hindi umaasa sa kahit na sino. Nasanay ako na ako lang, kaya ng maranasan ko ito ngayon ay naninibago ako at hindi komportable. Hindi ko maiwasang huwag pagmasdan si Marco habang abala sa pag-aayos ng kumot. Napalunok ako ng bahagyang nagtama ang mga mata namin ng ayusin niya ang kumot sa ibabaw ng dibdib ko. "Salamat, Marco," awkward ang pakiramdam na sabi ko. Ako na ang unang nagbawi ng tingin, dahil hindi ko kaya ang nanunuot na mga mata niya sa kaibuturan ko, lalo pa at nakayuko ito sa akin at gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Kakaiba ang amoy ng pabangong gamit ni Marco. Hindi nakakasawang amuyin ng masamyo ko ito ng yumakap ito sa akin kanina at pakiramdam ko ay nakadikit pa rin ito sa balat ko at nanunuot sa ilong ko. "Ano ba ang nangyayari sa akin? Nabaril lang ako nag-ka-ganito na ako," reklamo ng matinong bahagi ng isip ko. Napangiti ako ng makita kong nakangiti rin si Marco sa akin nang umupo sa tabi ko. "Sleep and rest, my Luna. You need plenty of rest to get better," sabi ng katabi ko with full of authority ang tinig. Hindi ko maipaliwag ang nangyari at nagagawa akong pasunurin ni Marco sa mga sinasabi niya ng walang kahit na anong reklamo. Ilang saglit pa ay hinatak na ulit ako ng antok na nauwi sa malalim na pagtulog. ALPHA MARCO Nagsasabon pa lang ako ng katawan ng nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Napamaang ako sa sarili ko dahil hindi ko mawari kung ano ang posibleng dahilan noon. Binilisan ko ang paliligo at bumalik agad ng hospital. Nadatnan kong pinupunasan ni Celine ng basang towel ang mate ko saka inayos at sinuklay ang mahabang buhok nito. Nilapitan ko ang mate ko ng matapos si Celine at nagpaalam na uuwi muna, para tingnan ang anak. Tulad ng malimit kong ginagawa ay kinakausap ko siya habang hawak ang isang kamay. Sa ganitong gesture, kuntento na kami ng wolf ko na si Kennedy. Masaya kaming kasama at nahahawakan namin ang mate namin. Ang sarap sa pakiramdam na hawak ko ang kamay niya, na laging hawak ko simula ng matagpuan ko siya sa gubat. Napangiti ako habang mataman na nakatitig ang mga mata sa nakaratay at walang malay na mate ko. Napakaganda niya, hindi siya ang uri ng babae na typical kong nakikita. May malakas na aura na bumabalot sa pagkatao niya na kahit nakahiga ay nararamdam ko talaga. Marahan na hinaplos ko ang pisngi ng mate ko. Naghilom na ang mga pasa at sugat na nasa mukha nito ng matagpuan ko siyang nag-aagaw buhay sa gitna ng gubat. Sa muling pagbabalik ng alaala ko sa panahon kung ano ang kalunos-lunos na kalagayan niya ng natagpuan ko ay biglang nagsikip ang paghinga ko. Masakit sa dibdib na kahit gaano ako katatag at kalakas bilang Alpha ay ito ang naging kahinaan ko. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko ng oras na iyon kung sakaling tuluyan siyang nawala sa akin. Ang tagal namin siyang pinangarap at hinintay. Ngayong nandito na siya ay hindi ko hahayaang masaktan siyang muli. Aalagaan ko at mamahalin ko ang mate ko, hanggang sa tumanda kaming dalawa. Napakaganda niya kahit nakahiga at walang malay. May mga pagkakataong hindi ko makontrol ang sarili ko at nahahalikan ko siya sa labi. Malaya kong nadarama ang malalambot na labing kaytagal kong inaasam na matikman. Ganito pala ang pakiramdam ng kasama mo ang mate mo. Ang saya ng paligid. Lahat ay maganda sa paningin ko. Hindi ko na iniisip ang mga trabahong dati-rati ay occupied ako at doon umiikot ang mundo ko dahil ngayon, sa babaeng marahang hinahaplos ko ang buhok na nasa harap ko na nakasalalay ang mundo ko. My mate, my love, my life. Marahan kong hinahaplos ang mga kamay ng mate ko nang maramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng hintuturo niya. Napakahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang palad dahil akala ko ay nagka-ganon ito dahil sa paraan ng pagkaka-hawak ko sa kanya. Pero nang paulit-ulit niya itong ginawa ay napahinto ako at tinitigan ang gumagalaw na hintuturo ng babaeng mahal ko. Mabilis kong tinawag ang doktor at agad nagdatingan kasama ang mga nurse. Tumabi ako at hindi mapakali habang maingat na sinusuri nila ang mate ko. Nasaksihan ng mga mata ko ang paggalaw ng talukap ng mga mata niya nang i-check ng doktor ang mga mata. Nagkamalay na nga ang mate ko. Bigla ay nawala ang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko ng masiguro ko na gising na nga siya Finally, ligtas na siya. Gustong-gusto ko siyang yakapin, pero hindi ko magawa, dahil wala siyang idea sa kung ano ako. Kung ano kami at ayaw kong mabigla siya at posibleng matakot sa akin. Nahintay ko nga siya ng sampung taon kaya balewala sa akin ang maghintay pa ulit ng ilang araw o linggo, hanggang masanay siya sa lahat ng mga makikita at malalaman niya tungkol sa akin. Alam ko na mahiwaga ang mga uri naming mga lobo at maaaring hindi nag-eexist sa isip ng mga normal na taong katulad ng mate ko. Malayo ang mundo naming dalawa, kahit pa sanay ako sa mundo ng mga tao at namumuhay ng normal doon. Hindi ko alam kung paano niya ako tatanggapin at may takot at kaba akong nararamdaman sa posibleng maging reaksyon ng mate ko sa oras na malaman niya kung sino at ano ako. Nag-open ako ng mind link para sa lahat at sinabing gising na ang kanilang Luna Pinaalam ko rin mga nasasakupan ko na bawal ang magtanong ng kung anu-ano sa mate ko, dahil wala itong maalala maliban sa pangalan nito. Sumang-ayon naman ang lahat ng ipaalam ko na wala munang mag-shift o magpapalit anyo malapit dito sa hospital at packhouse hangga't wala pang alam ang kanilang Luna tungkol sa aming lahat. Mahirap na, baka ito pa ang maging dahilan para matakot siya sa amin at tuluyang lumayo at iwan kami. Hindi ko iyon kakayanin, namin ni Kennedy. Manghihina kami pareho at baka hindi na kayanin pa ang posibleng rejection na mangyayari, oras na hindi kami tanggapin ng mate ko. Ang rejection ang pinaka-worst nightmare naming mga lobo. Maraming nababaliw at nagiging wild ang isip dahil dito. Ang ibang hindi na kinaya ay tuluyang namatay matapos iwan at ma-reject ng mga mate nila. Hindi ako handa na mangyari 'yun, kaya gagawin ko ang lahat, para matanggap kami ng mate ko. Ayaw ko mang itago sa kanya ang tungkol dito pero kailangan. Ayaw kong matakot siya sa amin at lumayo. Dito siya nababagay, dito sa packland kung saan ligtas siya at kung saan bubuo kami ng isang pamilya. Excited na ko sa magiging pups namin. Siguradong magiging maganda at gwapo ang mga anak ko, dahil maganda ang kanilang ina. "My Luna, my beautiful, Luna. I'm glad I finally found you. Welcome home, baby," bulong ko rito matapos kong mahiga katabi nito. This is what I want, her beside me, sleeping in my arm. "I love you my luna," bulong ko at magaan siyang hinalikan sa noo, saka pumikit at natulog katabi ng mahal ko. Alam kong hindi ito panaginip at pangarap lang. Totoo ang lahat. Natagpuan ko na siya at payapang natutulog katabi ko, yakap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD