MARGARETH "Good morning, Margareth. How's your night, Luna?" nakangiting tanong ni Marco sa akin. Tulad ng mga naunang pagkakataon na malapit siya ay biglang bumibilis ang tìbok ng puso ko sa hindi ko mawaring dahilan. Mukhang kailangan ko ulit magpatingin sa doktor, dahil hindi na normal ang nararamdaman ko. Marahil dulot ito ng pagkakabaril sa akin. Maaaring nagkaroon na ako ng trauma, kaya sa tuwing lalapit siya sa akin ay kinakabahan ako. Pero ako mismo ay natigil sa pag-iisip dahil napagtanto ko na sa ibang tao ay hindi naman ganito ang reaction ko. Napatingin ako sa nakangiting si Marco at napaawang ang labi ko sa isang bagay na pumasok sa isip ko. "Bakit sa kan'ya lang ako may ganitong nararamdaman?" nakakunot ang noo na tanong ko sa sarili ko, habang nakatingin ako sa masaya