Chapter 1
MARGARETH MONTENEGRO
Tanay Rizal
"Kill her!"
Matigas na boses ng lalaki ang narinig ko bago ko naramdaman ang malalakas na sipa at suntok sa katawan ko. Napaluhod at napa-ubo ako dulot ng sakit na nanuot sa kalamnan ko, pero kailangan kong maging matatag para maka-survive.
Isang sipa pa sa sikmura ang sumunod na naramdaman ko, bago ako tuluyang bumagsak sa lupa.
Nakapiring man ang mga mata ko, kilala ko ang matigas na boses ni Gustavo, ang russian national at pinuno ngayon ng isang branch ng isang international terrorist group dito sa bansa.
Ang Hamas ang isa sa pinaka-kinatatakutang grupo sa bansa. Walang awa kung pumatay ang mga ito, nasaksihan ko kung gaano karumi ang mundong tinatahak ng grupong ito. Grupo ng mga teroristang nagpapagulo sa buong bansa.
Kailangan nilang mawala sa mundo at iyon ang isa sa dahilan kaya ako nandito.
Si Gustavo Slovak, ang russian national na labas pasok dito sa Pilipinas ang nagma-manage ng operasyon sa bansa, katuwang ang mga teroristang pilipinong pumasok sa grupo. Mga kapwa ko pilipinong nabulag ng maling paniniwala na mas pinili ang ligaw na landas.
"b***h tell us, who sent you here? What agency are you belong? Are you working with the police or army? Maybe you're working in Interpol. Tell us, bìtch!" magkakasunod na tanong ng isang lalaki sa akin.
Hawak niya ng mahigpit ang panga ko at pilit itinataas ang mukha ko, habang nakatali ang mga kamay ko sa likod at nakaluhod sa semento.
"L-listen... L-listen carefully. I... I don't know what are you talking about," mariin at nauutal kong tanggi.
Mag-kamatayan na, pero hinding-hindi ako aamin. Kahit pa mauwi ito sa pambubugbog sa akin. Kaya ko, kung sakit lang naman ng katawan, dahil bago ako pumasok sa serbisyo ay handa na ako.
I'm fully trained with this kind of situation and for my survival I need to control myself. I could kill him with my bare hands. I'm not a civil secret agent for nothing. I can easily twist his neck and break his back bone but still killing him now is not my best option.
"Woman, won't you tell us so we can end your suffering? Why are you holding yourself? Speak up," mahinahon na ulit na tanong ng lalaking nagpapahirap sa akin.
If I hadn't known, tactical interrogation ito, baka pagbigyan ko pa siya. But knowing the situation, alam kong hindi rin nila ako bubuhayin.
"Are you protecting something or perhaps someone? You know, you're going to die any moment. So, save yourself," pang-uuto pa niya sa akin na ikinangisi ko.
In my mind, I need to buy some time to survive. Think Margareth. Think...
My team will come to rescue me. Alam kong magpapadala ang agency ng reinforcement. Maybe by this time, on the way na sila. Kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa at pinapalakas ko ang sarili ko para hindi ako mawalan ng pag-asa.
"Look Gustavo, I already told you the truth, the whole truth. I'm not a traitor, nor working with that bastard government organization. I'm one of you, and I belong to this group. I'm not engaged with any government group or agency. I pledge my loyalty till my last breath and I meant that. Please believe me," seryosong sagot ko sa kanya at ipinakita kong matatag ako, habang nakaluhod sa harap nila.
Walang mababakas na takot sa mukha ko kahit dumudugo na ang labi at ilong ko sa lakas ng impact ng kamay ng hayop na nanakit sa akin. Nakita niyang seryoso ako at walang pag-aalinlangan at kaya ko makipagsabayan ng titig sa matalim niyang mga mata.
Binitawan ni Gustavo ang mukha ko at saka huminga ng malalim.
"Why would I believe you? Tell me Margareth!" pasigaw na tanong ni Gustavo, habang nakatitig ng mariin sa mga mata ko.
Nagtaas ako ng mukha at pinakita ang determination ko. "Because we are family here. You are my only family. I respect and value this group," mabilis kong sagot dahil mukhang humihina ang depensa niya.
That's right, a little act and he will be convinced.
"I'll do my own investigation. If I find out that you are lying, consider yourself dead, Margareth." Nakahinga ako ng maluwag sa naring ko. That's great, I still have some time. I hope dumating sila on time at sana hindi ako mabigo.
"Allan," tawag ni Gustavo sa demonyong right hand niya. "Put Margareth inside the cell. Make sure she won't escape, lock her up and have no food and water for two days," utos nito.
"Yes sir," sagot agad ni Allan, habang hatak ako sa braso. Para akong sako ng bigas na inihagis sa loob ng madilim, makipot at napaka-duming selda. Tanging liwanag mula sa dulo ng pasilyo ang makikitang kakarampot na liwanag.
"Mabuti naman at nahuli ka na. Lumabas rin ang totoo, kaya pala laging sunog ang mga operation na hawak ko, dahil may hudas pala dito sa organisasyon. Ako mismo ang papatay sa 'yo, oras na bigyan ako ng go signal ni Gustavo, kaya magbilang ka na ng oras mo. Sisiguraduhin kong mawawalan ka ng hininga sa mga kamay ko!" gigil sa galit na pahayag ng kaharap ko habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Alam ko sa sarili kong nagsasabi ang ng totoo ang lalaking kaharap ko. He is vicious. Noon pa man ay mainit na ang dugo ng animal na iyo sa akin, lalo na at mas may tiwala sa kakayahan ko si Gustavo. Tamang hinala kahit totoo naman, hindi nga lang talaga ako mahuli-huli sa loob ng siyam na buwan kong pagmamanman sa grupo.
Naging maingat ako. Wala akong iniwang bakas sa bawat galaw ko, kaya labis akong nagtataka kung bakit nagkaroon sila ng hinala sa akin at hinuli ako.
Tanging kami lang ng commanding officer ko ang nakakaalam ng misyong ito. Hindi kaya siya mismo ang naghudas sa akin?
No! Hindi gagawin iyon ni Sir Conor.
Malaki ang tiwala ko sa kanya at sa agency, kaya hindi ko siya pwedeng pag-isipan ng masama. Kung gano'n, ay sino at paanong na pinpoint ako ng grupo ni Gustavo?
No, this time, wala akong p'wedeng pagkatiwalaan. P'wedeng maging posible ang imposible sa sitwasyon ko ngayon.
"Ano, handa ka na bang mamatay, Margareth?" pang-aasar ng kumag na si Allan.
Eh, kung pilipitin ko kaya ang leeg ng animal na ito? Inis na bumubulong-bulong ko habang umiikot ang mga mata ko.
"In your dreams, keep dreaming you f*****g idiot." naka-ngising pang-aasar ko pabalik.
"Puro ka kasi hinala, kaya ang laman ng utak mo walang sense. Ano pa ba namang aasahan ko sa gaya mong utak kuneho at mukhang daga. Umalis ka nga sa harapan ko at naaalibadbaran ako sa pangit na pagmumukha mo," inis na sabi ko, dahil talaga namang nakakapang-gigil ang pagmumukha nito.
Alam kong aalis ito pag pinintasan ko ang appearance niya. Masyadong self-conscious si Allan na akala mo naman gwapo. Mukha namang patay na kuko sa paa ko.
"Bìtch! Magbilang ka na ng oras mo," nakangisi rin na sabi ng kaharap ko sa akin.
"Hindi ka na makakaligtas ngayon. Alam kong ikaw ang nag-tip sa mga sundalo ng operasyon ko sa Quezon Province. I always have my eyes on you and it's set only for you, bìtch," pikon na sabi ni Allan na akala mo ay inagawan ko ng candy.
"Bobo ka kasi, kaya naharang ang mga kargamento. Imbes sana iyon ang inaasikaso mo, nasa akin pala ang mga mata mo. Ayos, bullseye! Nasabat tuloy ang kargamento mo, pera na naging bato pa. Kaninong kasalanan?" nakangising pang-iinsulto ko.
Masyadong mapapel ang gago, kaya tama lang sa kanya iyon. Naputulan tuloy siya ng isang daliri sa kamay ni Gustavo dahil sa galit nito ng nasabat ang mga baril na kargamento.
Galit na galit si Gustavo dahil malaking lugi sa kanila ang pagkaka-harang ng mga bagong supply at naging tampulan ng sisi si Allan, kaya heto nag-iinit ang bunbunan ng animal na ito sa akin.
Hindi ako nakokonsensya sa nangyari. Tama lang ang ginawa ko. Kaming mga alagad ng batas ay nagsasakripisyo para sa bayan. Kagagawan ng mga taong halang ang kaluluwa gaya nila, kaya magulo ang bansa. How I wish I could kill them, but my order is to find out who is the person behind this group. Who is the big hand who keeps helping them to penetrate and continue harming the citizens and my country.
Involved sila sa kidnappings, human traffickings, mga pagpapasabog sa mga public schools at establishments at kung hindi nasabat ng otoridad ang mga baril, mas marami pang inosenteng tao ang mawawalan ng buhay. Maraming mga kabataang kagaya ko ang mawawalan ng mga magulang.
Nasubaybayan ko ang kalakaran ng grupo at aaminin ko, gaano man ako ka-handa ay nanlulumo pa rin ako. Kailangan kong makipag-barilan kasama sila. Nakita ko kung paano sila pumapatay ng mga inosenteng sundalo na ang tanging kasalanan ay mag-serbisyo sa bayan.
Nakakapanghina, pero hindi ako pwedeng ma low-moral. My mission is my top priority and I need to achieve it at all costs.
Kung kailan na nagtagumpay ako sa aking misyon, na nahuli na si Gen. Chavez bilang supplier ng mga baril ng grupo, heto nahuli ako. Nakakulong sa makipot madilim at mabahong selda na kahit aso hindi gugustuhing tumapak man lang dito.
Tinalikuran ako ni Allan matapos kong makatanggap ng sapak at sabunot at may kasabay pang suntok sa sikmura. Walang-hiya talaga ang gagong iyon, gigil na gigil na masaktan ako.
Alam ko ito na ang nakikita ni Allan na pagkakataon, kaya sigurado akong hindi na nito palalampasin. Any moment, maaari niyang kitilin ang buhay ko. Ito na ang pagkakataon niyang makaganti sa akin.
Proven or not, alam ko sa sarili ko na hindi na ni Allan palalampasin ang pagkakataong ito. Marumi siya kung maglaro. Alam ko kung gaano kawalang-hiya ang mga tulad nya.
"Guys, I have faith to all of you. Please come and get me," bulong ko habang pinipilit kong makatayo. Masama ang pagkaka bagsak ng likod ko sa sahig kanina.
"Let me survive, let me live," pikit-matang usal ko habang sa isip ko, inaalala ko ang kapatid ko.
Dahil oras na bumalik si Gustavo at nalaman ang totoo, kahit dulo ng buhok ko posibleng hindi na makita ni Kuya Mateo. Siya ang kaisa-isang pamilyang meron ako, at ako ang lakas ng kapatid ko, kaya hangga't kaya ko, lalaban ako at pipiliting makalabas ng buhay sa kulungang ito.