Chapter 4

2512 Words
ALPHA MARCO Isang buong linggo na ang lumipas, ngunit wala pa rin malay ang babaeng natagpuan ko sa pusod ng gubat. Halos maubusan siya ng dugo na naging dahilan para mauwi sa pagka-coma at naging maselan ang condition niya. Ayon sa nalaman ko, base sa ginawang investigation na ginawa ng pinadala kong grupo na nag-imbestiga sa nangyari, ordinaryong human ang mga taong nakita kong papalayo sa lugar, kung saan ko natagpuan ko ang mate ko. Walang kahit anong trace ng wolfsbane o anumang bagay na mag-lead sa mga hunter na pumapatay sa mga lobong gaya namin. Ang ipinagtataka ko ay paanong nakarating sa lugar na iyon ang mga tao, lalo na ang mate ko? Anong kaugnayan niya sa mga iyon at pinagtangkaang patayin ang isang walang laban na babaeng katulad niya? Napakaliit ng katawan ng mate ko at dahil matangkad siya ay nagmumukhang payat. Wala pa akong makuhang identity niya. Gumamit na ako ng connection ko sa human world, pero hindi namin malaman kung sino talaga siya. Para bang hindi siya nag-eexist. Kahit ang fingerprints niya ay wala sa goverment database, which is napaka-imposible sa isang taong katulad niya. Naisip ko na baka kaya hindi kami nagtatagpo ay dahil baka nakakulong pala sa loob ng mahabang panahon ang mate ko at inaabuso. Maaaring tumakas siya dahil sa pang-aabuso sa kanya, kaya puro pasa at bugbog sa katawan at mukha ng natagpuan ko. Maraming posibleng rason kung bakit siya nagkaganito, pero isa lang ang alam ko at sigurado ako. May mga demonyong nagtangka sa buhay ng Luna ko at muntik ko na siyang hindi makita pa kung nahuli ako kahit ilang minuto. Aalamin ko ang puno't dulo ng pangyayaring ito. Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay niya. Hindi pwedeng walang managot sa nangyari sa mate ko, lalo na at ang nanganib ang buhay niya. I'm very sure na hanggang sa mga oras na ito ay may banta pa rin sa buhay ng mate ko. Hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan ay hindi ako matatahimik. Hindi ko siya kayang iwan kahit saglit. Pakiramdam ko, anytime ay may hindi magandang mangyayari oras na mawala siya sa paningin ko. Upon my investigation, parang may makapangyarihang tao ang humaharang para malaman namin ang katauhan niya, something is off. May taong nagko-kontrol sa impormasyong pwede naming ma-access. Lahat ay pawang black dot sa akin, at tanging ang mate ko ang makakasagot sa oras na magising siya. "Who are you, mate?" mahinang tanong ko sa walang malay na babaeng pinagmamasdan ko. Sa tagal ko sa human land, ngayon lang ako nakatagpo ng taong walang identity, not unless na nakakulong siya or itinago simula pagkabata kaya wala siyang kahit anong record man lang. Sa isiping iyon ay parang hinihiwa ang puso ko sa possibility na sobrang nahirapan ang mate ko. Baka inalila siya ng mga taong may hawak sa kanya, kaya siya tumakas at nauwi sa pagtatangka sa buhay niya. Maraming mga haka-hakang nabuo sa isip ko, dahil na rin sa aktwal na sitwasyon ng matagpuan ko siya. Hindi ako mapakali dahil kahit ano pa ang totoo, hindi maalis sa isipan ko na pinag-tangkaan siyang patayin at nanganib ang buhay niya. "Alpha, ako na muna ang magbabantay sa kan'ya," narinig kong sabi ni Celine, ang asawa ng Beta kong si Prospur. "Kamusta siya?" may pag-aalala sa tinig na tanong ni Celine. "Wala pa rin pagbabago," malungkot na sagot ko. Kahit ako, hindi ko alam kung kailan magkaka-malay ang magandang babaeng pinagmamasdan ko. Stable na raw ang kondisyon niya, ayon sa mga doctor na tumitingin sa kanya, pero maging sila ay hindi alam kung kailan pwedeng magising ang mate ko. Lahat kami sa packhouse ay sobrang nalulungkot sa nangyari. Maging ang mga elders ay nag-aalala sa kondisyon ng kanilang Luna. Ang tagal namin siyang hinintay, pero sa kasamaang palad, heto siya nakaratay at hindi namin alam kung kailan magigising. Araw-araw ay hindi ko iniiwan ang mate ko. Halos dito na ako matulog sa hospital sa takot na baka kapag iniwan ko siya saglit ay may kung anong mangyari sa kanya. Every minute ay napakahalaga, hindi ko pwedeng ipag-sapalaran ang buhay at seguridad ng mahal ko, kaya mas mabuting ako ang kasama niya. Nagbabakasakali ako na sana, isang araw ay magising na siya at gusto kong ako ang una niyang makita sa pagmulat ng kanyang mga mata. Hinaplos ko ang buhok ng Luna ko saka hinalikan sa noo. "I'll be back luna, please gumising ka na," mahinang bulong ko. Puno ng pag-iingat na hinalikan siya sa noo at tuluyang tumayo at lumabas pansamantala para maligo. MARGARETH MONTENEGRO Luna… Mahinang boses ang naririnig ko na tila gumising sa akin. Gusto kong magmulat ng mga mata, ngunit madilim na paligid lamang ang nakikita ko na para bang ito ang mundo ko. "Patay na ba ako?" pepeng tanong ng isipan ko. Posibleng ito na ang napuntahan ko matapos akong mabaril ng grupo ni Allan. Si Kuya Mateo, paano si kuya? No, hindi pwede, kailangan kong makauwi sa amin at mabuhay, kailangan kong lumaban para sa kanya. Hindi ko siya p'wedeng iwan ng mag-isa, ako na lang ang meron siya. Ilang ulit kong sinubukang bumangon, pero parang kahoy na tuod ang katawan ko. Gusto kong magmulat ng mga mata, pero puro dilim ang nakikita ko. Gusto kong sumigaw, pero walang boses na lumalabas sa lalamunan ko. "My God, nasaan ako? Ito na ba ang sinasabi nilang lugar ng kamatayan? No, no, please. Sana ‘wag muna at kahit kaunting oras pa, makita at makapag-paalam ako kay Kuya Mateo ko. "God please, hindi pa ako pwedeng mawala ng wala man lang nakakaalam kung nasaan ako. Hindi ako susuko, kailangan kong maka-uwi," frustrated na dasal ko. "I'll be back, Luna, please, gumising ka na," nagmamakaawang pakiusap ng kung sino. "Luna, sino siya? Bakit palagi kong naririnig ang pangalan niya? Anong meron sa kan'ya?" "Alpha." Narinig kong tinig ng isang babae. I wonder kung sino sila at bakit naririnig ko ang usapan nila? Naguguluhan ko at lalo lamang nalilito sa mga nangyayari. May mga tinig pa akong naririnig na halos hindi ko na maunawaan. Nawala ang mga ito at naging tahimik ang paligid ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, dahilan para lalo lamang akong makaramdam ng kaba dahil sa bagong karanasan na nararanasan ko. Hindi mawala sa isip ko ang takot na posibleng wala na ako sa mundo, pero sa puso ko, nararamdaman ko naman na safe ako sa kung saan man ako naroroon ngayon. Lalo na kapag naririnig ko ang tinig ng isang lalaki na nagiging dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Nagiging payapa rin ang pakiramdam ko na tila ba isang himala na nararamdaman ko ito sa isang tao na sigurado akong isang estranghero. Ramdam ko ang tila electric current na dumadaloy sa bawat himaymay ng katawan ko everytime na hahawakan ako ng lalaking iyon at nagdidikit ang mga balat namin. May kakaiba sa lalaking iyon. Naramdaman kong iba't-ibang kamay ang humawak sa katawan ko, ngunit tanging siya lamang ang bukod-tanging may ganong impact sa akin sa tuwing magkakadikit kami. "Hindi kaya siya ang angel ko?" wala sa sariling tanong ng kabilang bahagi ng isip ko. Possible kayang kinuha na ako ni San Pedro at mga kaluluwa ang mga naririnig kong mga nag-uusap sa paligid ko. Gusto kong tumayo at tumakbo paalis sa kung nasaan man ako ngayon. Hindi ako dapat naririto dahil marami akong kailangang gawin at balikan sa totoong mundo ko. "Please, Lord Jesus, 'wag muna ngayon please," pagmamakaawa at dasal ko. Naging motivation ko ang mga iniisip ko. Pilit akong gumagalaw at sinubukan ko ang makakaya ko gamit ang power ng isip, plus strong determination. Nagsimula ako sa mga paa at kamay ko. Dahan-dahan at paulit-ulit kong sinubukang igalaw, hanggang sa mapagod ako at nawalan ng lakas. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na naman ang parang electric current na dumadaloy sa buong katawan ko na nagsisimula sa marahang paghaplos sa pisngi ko. "Luna." Narinig kong mahinang sabi ng lalaking pamilyar na ako sa presensya niya, lalo na kapag gaya ngayon na nararamdaman kong hawak niya ang kamay ko at marahang minamasahe. Pilit kong sinusubukang maigalaw ang mga daliri sa kamay ko. Parang nagbibigay ng lakas sa akin ang bawat daloy ng kung ano na nagmula sa haplos ng lalaking nasa tabi ko. Ilang subok ko pa ng magawa kong igalaw ang hintuturo ko at napadiin ang pagtama ng mga kuko sa palad ng lalaking may hawak sa palad ko. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko at tila ba nagbibigay assurance na pwede ko itong gawin, kaya ginawa ko ng ilang ulitin. Narinig kong may sumigaw at may tinawag siya na nasundan ng pagdating ng mga kung sino sa lugar na kinahihigaan ko. Nakakasilaw na liwanag ang sumunod na naranasan ko ng buksan ng kung sino ang talukap ng aking mga mata. Masakit sa mata, parang nagkaroon ng liwanag ang madilim kong paligid. Magaan ang ulo ko at makirot. Hindi ko tuloy mapigilang huwag mapadaing na natigil din agad ng walang boses na lumabas sa bibig ko. Nasilaw ako sa bahagyang pagmulat ng aking mga mata, kaya muling napapikit ako ng mariin. "Anong nangyayari?" Narinig kong tanong ng boses na palaging nagpapabilis ng t***k ng puso ko. "Oh, Goddess, is she really awake now?" tanong pa nito na inalis na ang pagkakahawak sa kamay ko at may pumalit na kung sino para marahil suriin ako. "W-water," mahapdi ang lalamunan na sabi ko ng sa wakas ay nagawa kong makapag-salita. "Water! Fùck! Where is the fùcking water here?" Natataranta na tanong ng lalaking pamilyar sa akin ang tinig. Pasigaw itong nag-utos sa kung sino matapos masiguradong walang nakitang tubig sa paligid. “Where I'm I? Who is that guy? Bakit pakiramdam ko parte siya ng pagkatao ko?" naguguluhan na tanong ko sa sarili ko. "God, naguguluhan na talaga ako. Hindi kaya matapos kong mamatay ay napunta sa ibang katawan ang kaluluwa ko?" maang na tanong ng isip ko. Teka, posible ba talagang mangyari ang gano'n? Magulo pa sa akin ang lahat. Hindi pa rin ako makapagsalita dahil na rin siguro sa natuyo at masakit ang lalamunan ko. "Oh great, here, Luna. Have some." Narinig ko na namang sabi ng lalaking panay ang pagtawag na Luna sa akin. May pumatak na tubig sa bibig ko gamit ang bulak. Ngayon ay tuluyan ng nagliwanag ang paningin ko. Purong puti ang kulay ng buong silid na kinaroroonan ko ng igala ko ang paningin ko. May mga nakaputing doctor at nurses ang nakapaligid sa akin. Ilang pares ng mga mata ang nakita kong pinagmamasdan ako at matamang naghihintay marahil nang results sa pagsusuri ng doctor na nasa paligid ko. "She's fine now, Alpha, she's fully awake and out of danger," sabi ng doctor na nakatingin sa tinawag niyang Alpha. "How are you feeling , Luna? I mean, miss?" baling na tanong sa akin lalaking tinawag na Alpha. So, ako pala talaga ang tinatawag na Luna and that's mean Luna is miss. Now, I fully understand. Pero anong uri ng lenggwahe 'yon? Tagalog naman ang salita nila. "I'm fine now, doctor, thank you," mahinang tinig na sagot ko. "Any pain?" tanong ng doktor na kaharap ko. Nagtataka ako dahil nabaril ako at nag-agaw buhay. Malinaw pa sa isip ko ang nangyari, pero bakit wala akong nararamdaman na kahit anong sakit sa katawan? Nagtataka tuloy ako kung gaano na kaya ako katagal dito? Hindi kaya na coma ako at inabot na ng ilang buwan or worst taon, kaya tuluyan ng naghilom ang mga sugat ko? Umiling ako bilang sagot. "Good, magpalakas ka muna at pwede na kayong maka-uwi after two days," magalang na sabi ng doktor. Matapos akong masuri ay magalang na nagpaalam na ang doktor sa akin at pati na rin sa tinatawag nilang Alpha. Naiwan akong kasama ang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa akin, pero malakas ang epekto sa sistema ko. Kaming dalawa lang dito sa loob ng silid at abot-abot ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing magtatama ang mga mata namin at nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin. May kakaiba sa mga mata ng taong kaharap ko na matamang nakatingin sa akin. Tila ba may kung anong enerhiya na humihigop sa pagkatao ko, palapit sa kanya, pero hindi ko matukoy kung ano. Bumibilis ang t***k ng puso ko tuwing nakatingin siya sa akin. Pakiramdam ko, tila ba may kung anong gustong ipahiwatig ang kanyang mga mata, pero wala akong lakas ng loob na magtanong at piniling mag-iwas ng tingin. Nagtataka ako kung anong meron sa lalaking kaharap ko at bakit kakaiba ang epekto niya sa akin at maging sa katawan ko, lalo na ngayong malapit lamang siya sa akin. Nakangiting umupo ang lalaking kasama ko sa silyang nasa kanang bahagi ng hospital bed ko. "How are you?" tanong ni Alpha gamit ang baritonong boses na nagpapitlag sa tìbok ng puso ko at lalong nagwala sa kaba dahil sa napakalapit niya sa akin. "I'm fine, who are you?" pormal na tanong ko. Kanina ko pa siya gustong tanungin at alam kong ito na ang tamang pagkakataon, dahil kami na lang ang tanging naiwan dito sa loob ng silid. Sa itsura niya, nakikita kong hindi siya basta kung sino lang, lalo na at nasaksihan ko kung paano siya mag-command at sundin ng mga tao sa paligid niya. Para bang batas ang salita ng lalaking kasama ko. May gano'n siyang awra na nagbibigay sa akin ng warning sign na kailangan kong mag-ingat lalo na at hindi ko siya kilala. Pero sa puso ko, alam kong safe ako sa kan'ya. Para bang kilalang-kilala ko siya at pinoprotektahan niya ako anuman ang mangyari. Sa na isip ay napa-iling ako, kailan pa ako umasa sa isang lalaki? Matatag ako, hindi ko kailangan ng distraction, kaya mabuting umiwas ako sa kanya, pero iba ang sinisigaw ng puso ko. Napatingin ako sa lalaking kasama ko ng magsalita siya at bumasag sa katahimikan naming dalawa. "I'm Marco, you're mate." Nabasa ko sa mga mata niya na seryoso siya, pero ang nakapagtataka ay sinabi niyang mate ko raw siya. "Mate?" mahinang ulit ko. Wala akong naalala na naging kaklase ko siya. Sa itsura ng lalaking kausap ko, malabong makalimutan ko ang mukha niya in case na naging kaklase ko nga siya. Hindi ito ang mukha na maaari kong basta balewalain. Napaka-gwapo niya at napakaganda ng mga mata. Perpekto ang hugis ng mukha, na ako mismo ay mahihiyang I-compare ang kutis ko sa kanya na mukhang hindi man lamang tinutubuan ng kahit isang pirasong pimples. Hindi maikakaila na may sinasabi siya sa buhay. The way he talks, and he carries himself. Nasa awra niya ang pagiging dominante. Bilang sundalo at top rank agent, sanay akong mag-analyze ng situation. Hindi excepted doon ang bawat taong nakakaharp ko, based na rin kung ano ang nakikita ng mga mata ko, and the way this man appeared in front of me, I know something I have to be aware of. He is dangerous, not just in my mission and identity but in my heart too, which beats so fast and loudly because of his presence near me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD