Margareth POV. "Sinong Elise?" halos pigil hininga na tanong ko kahit na may ideya na ako kung sino ang tinutukoy nito. Gusto ko na marinig mismo mula rito ang katotohanan na gusto kong malaman namin ng lahat ng naririto. Hindi ito agad nagsalita kaya idiniin ko pa ang patalim na hawak ko. "Sagot!" Nanlilisik ang mga matang sigaw ko. "Si Elise, ang kaibigan ni Marco. Gusto ka niya na ipapatay dahil gusto niya si Marco at gusto niyang maging Luna," paliwanag nito habang nanginginig. Nasa mga mata nito ang hindi maitago ang takot sa akin. "That b***h!" galit na sabi ni Prouspur. "Matagal ng may gusto kay Marco iyon pero hindi ko alam na aabot sa ganito. Lalo na at naging kababata namin ni Marco si Elise. Sinasabi ko na nga ba at may kakaiba sa kabutihang pinakita niya." gigil na sa