Margareth POV. Kahit walang maayos na tulog ay maaga pa rin akong gumising kinaumagahan. Kailangan ko ng pumunta sa clearing bago mag-alas diyes ng umaga para sa magaganap na funeral ng mga nasawing lobo sa laban kagabi. Pansamantalang iniwan ko si Marco kasama nina Mommy Helen at Daddy Marc. Tiwala akong umalis dahil alam ko na hindi nila ito pababayaan. "Good morning Luna," bati ng beta ni Marco ng naabutan ko ito sa sala na naghihintay sa akin. "Good morning," ang tanging nasabi ko dahil hanggang ngayon ay sobrang nalulungkot pa rin ako sa mga nangyari. Alam ko na hindi lang ako ang ganito ang nararamdaman dahil kahit ngayon pa pa lang ramdam ko ang pagbabago sa paligid. Napaka tahimik ng buong kabahayan, halos wala akong makitang ibang tao sa loob maliban sa iilang Omega na nag