Margareth POV. Malungkot na mga mukha ang nakabakas sa bawat mukha ng mga lobo na nakikita ko sa hospital ng makabalik ako. Bakas ang labis na lungkot at pag-aalala para kay Marco bilang Alpha at pinuno ng pack land. Tahimik akong naglakad papunta sa silid kung saan ko iniwan kanina si Marco. Kahit puno ako ng lungkot at abot-abot ang kabang nararamdaman papalapit sa silid kung saan ko ito dinala ay pinili kong maging mas matatag. Ngayon ako mas kailangan ni Marco at ng buong pack. Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Kailangan nilang makita na matatag ako sa ganitong sitwasyon dahil nakikita ko na lahat sila ay nanlulumo sa nangyari. Bakit nga ba hindi? Kahit naman sino ay nag-aalala lalo na at marami ang nanganganib ang buhay kahit pa sabihin na tapos na ang laban sa pagitan ng