MARGARETH Tahimik na sumama ako sa bahay ni Marco. Iginala ko ang paningin ko sa napakalaking lawn nang bumaba ako sa sasakyan. Mukha itong malaking building na may pitong palapag. Napakalaki nito para masabing bahay at napakalawak pa. Pumasok kami sa front door at nakita ko sa receiving area ang isang malawak at malaking sala na may ilang taong mukhang naghihintay sa amin. Dala ng kagandahang asal ay binati ko ang lahat at ngumiti na ginantihan naman nila ng matamis na ngiti. "Magandang araw po," kiming bati ko. Tumayo ang isang babae at agad na niyakap ako na ikinabigla ko. "I'm happy to see you, hija. We’re all happy to have you here. Please call me Mommy Helen," malambing na sabi sa akin ng sa tingin ko ay ina ni Marco. Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa awkward na pakiramdam ko