CHAPTER TWENTY

1381 Words

"NAIINIS na talaga ako dito kay Agapito, pudpod na ang daliri ko pero hindi pa rin sinasagot ang tawag ko!" reklamo ni Richel. Paano ba naman kasi ay wala pa ang mga ito. Kabilin-bilinan pa naman ni Agapito na wag silang umalis hanggat wala ang mga ito. Heto sila ngayon at dalawang oras nang nang naghihintay sa dalawa. "Bakit hindi na lang si Camillo ang tawagan mo?" tanong niya kay Richel. "Nababaliw ka ba? Alam mo bang walang pwedeng tumawag sa kanya? Gusto yata talagang malintikan ako!" irap pa ni Richel sa kanya. "Bakit hindi na lang kaya ikaw ang tumawag sa kanya?" "Wala akong cellphone pero pwede ko naman siyang tawagan. Pahiram ng cellphone mo." "Ayoko pa rin!" tanggi ulit ni Richel sabay tago ng cellphone. "Bawal pa rin yun. Isa pa baka magalit sa akin si Agapito. Baka sabihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD