CHAPTER TWENTY-ONE

1700 Words

GUSTUHIN man lumabas ng sasakyan ni Camillo upang sunduin si Aria sa loob ng university ay hindi niya magawa. Inutusan niya na lamang sa Agapito na sunduin ang dalawa. Isa pa ay marami siyang kakilala sa university. Halos lahat ng mga nandun ay associates ng organisasyon. Isa rin siya sa founder ng eskwelahan na ngayon ay kilala sa Pilipinas. Naghintay na lamang siya sa loob ng sasakyan. Maging ang kanyang sasakyan ay hindi niya na pinasok sa loob kahit pa pinipilit iyon ng security guard. Ang dalawang bantay na bodyguard ni Aria ay sinenyasan niyang umuwi na muna. Napangiti siya nang makita niyang lumabas ng gate si Aria. Hindi niya maintindihan ang malakas na pagtibok ng puso niya. Nakasimangot na naman ito. Sigurado siyang galit ito sa kanya dahil apat na oras lang naman siyang late.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD