Chapter 2

1063 Words
Raena Caddel’s Pov “Sorry, Ate Lyza,” sambit ko. “Baka magalit na naman sa akin si Sir Levi at Mama kapag nakita akong tumutulong sa trabahong hindi naka-assign sa akin. Alam niyo naman na ilang beses na nila akong sinabihan tungkol dito, hindi ba?” “Eh?” Tumangu-tango ako. “Hindi pa kasi ako kini-clear ni Sir Ace na fully recovered kaya naman mahigpit pa din si Sir Levi sa mga ginagawa ko.” “Oh well,” aniya. “Ikaw lang naman itong hindi mapakali kapag walang ginagawa.” Binitbit na niyang muli ang basket na naglalaman ng mga labahin niya. “Tapusin mo na lang ang mga ginagawa mo sa garden dahil hanggang ngayon ay nasa labas pa din si Kaji.” Hindi na niya ako hinintay pang makasagot at agad nang umalis sa harap ko. At napabuntong hininga ako. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang disappointment dahil hindi ko napagbigyan ang pabor na hinihingi nila pero wala naman akong choice ngayon. Kahit gusto kong gawin iyon ay siguradong pareho lang kaming mapaparusahan dahil mahigpit ang bilin ni Sir Levi. Kaya ang tanging magagawa ko lang ngayon ay iyong mga trabahong naiwan ng ibang tauhan na siyang kailangan na lumabas ng mansyon. Pumunta na ako sa garden at sinimulan ang pagtatabas ng mga tuyong dahon sa mga halaman. Ito lang ang pinakamagaan na trabaho dito ngayon kaya ito lang din ang pinayagan ni Sir Levi na gawin ko. After nito, magdidilig lang ako ng halaman. Ito lang ang gagawin ko buong umaga hanggang magtanghalian. Kung may mahahanap akong trabaho mamaya, swerte ako. Pero pakiramdam ko ay magiging boring ang hapon ko. “Raena.” Natigil ako sa pagtabas ng dahon at bumaling sa sliding door ng mansion. Doon, nakatayo si Sir Levi habang kunot noong nakatingin sa akin. Halatang bagong gising dahil magulo pa ang kanyang buhok at nakasuot pa siya ng kanyang pajama. “Why are you still doing that?” he asked. “Is Kaji not here?” I shook my head. “Hindi pa din sila nakakauwi ni Ma’am Avi.” “Oh.” Bumuntong hininga siya at tumangu-tango. “Finish that before lunch, okay?” “That’s the plan, Sir.” “Then, take a break for the rest of the day,” dagdag niya. Bago pa ako makapagsalita ay agad na siyang tumalikod sa akin at naglakad papunta sa direksyon kung nasaan ang kusina. Sabi na eh. Boring ang maghapon ko dahil wala naman akong choice kung hindi gawin ang sinabi niya. Siya kaya ang boss ko. Ibinalik ko ang atensyon sa ginagawa. Sa totoo lang, hindi maintindihan ng mga kasambahay at ilang tauhan sa mansyon na ito kung bakit ganoon na lamang kahigpit si Sir Levi sa akin pagdating sa mga trabaho na ginagawa ko. Naghihinala nga sila na baka daw may gusto sa akin ang boss namin dahil sobra ang pag-iingat nito sa akin. Kung hindi nga lang ako nag-insist na magtrabaho dito sa bahay niya ay handa siyang patirahin ako dito ng libre at walang ginagawa. Kaya laging tumataas ang kilay ng mga kasamahan namin dito kapag nagagalit siya tuwing gumagawa ako ng maraming trabaho dito. But I don’t think that is the case. Sir Levi is way too out of my league. He is so handsome, even when he just woke up and without putting any effort to look good. His body is fit. Tipong alaga sa work out at maayos ang diet niya. Saksakan pa ng yaman. Itong mansyon na tinitirhan namin, ang sabi ni Mama Tanya, isa lang ito sa maraming vacation house ni Sir na nagkalat sa buong mundo. Iba pa daw ang mga bahay nito sa iba’t-ibang bansa at may mga condominium pa. Habang ako? Isang hamak na kasambahay. Wala na ngang pera, wala pang alaala. May itsura naman ako. Masasabing maganda kahit hindi masyadong mag-effort sa pag-aayos pero hindi papasa sa taste ni Sir Levi. Kaya alam kong concern lang siya sa akin dahil nakita niya ang lagay ko. At siguro kaya lang niya sinisiguro na maayos ako ay para hindi masayang ang effort niya sa pagliligtas sa akin. So, I am sure that he is not interested in me on that kind of level. Mabait lang talaga siya at hindi gustong nasasayang ang effort. Natapos kong alisin ang mga tuyong dahon at madiligan ang buong garden ay pumasok na ako ng mansyon. Naabutan ko sa sala si Sir Levi, kasama sina Sir Avin at Ma’am Alanna. May kung ano silang pinag-uusapan tungkol sa business habang nagkakape. “Did you already finish Kaji’s job?” Sir Levi asked without looking at me. “Yes, sir,” I responded. “I don’t have anything else to do for the rest of the day aside from hanging out with Mama Tanya.” He nodded. “Good,” he said and this time, he looked at me. “Ace will drop by later and wants to check on you. Kung iki-clear ka niya ay pwede mong gawin ang mga trabahong gusto mong gawin bukas.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “R-really?” Tumango siya. “Ace said that it is not good for me to restrict your movement around the house. Mas maganda pa din daw na kumikilos ka para ma-exercise ang katawan mo,” sabi niya. “Maliban pa doon, mukha daw hindi ka sanay na walang ginagawa at nakakaapekto sa metal health mo kung pipigilan kita. So if he says that you are good, then I will let you do what you want.” Hindi ko na napigilan na mapangiti. “Thank you, Sir Levi.” Well, I can clearly see in his eyes that he does not agree with what Sir Ace said but he chose to do what my doctor advised because that is for my own good. And that is what I am thankful for. Iyong pagliligtas niya sa akin ay isang malaking bagay na hindi ko alam kung paano mababayaran, Paano pa kaya itong dagdag na konsiderasyon na binibigay niya sa’kin. “Don’t think about that,” he said. “Pagtuunan mo lang ng pansin ang pagpapagaling mo.” Ibinalik niya ang tingin laptop na nasa kanyang harap. “Go to the kitchen and eat. Mama Tanya prepared something for you to eat.” Tumango ako at bahagyang nag-bow tsaka agad nang tumakbo papunta ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD