Chapter 1

1243 Words
Raena Caddel’s Pov “Raena!!” Agad akong tumakbo papunta sa kusina kung saan nanggagaling ang boses ng tumatawag sa pangalan ko. “Nasaan ba ang batang iyan at mukhang nakalimutan na naman ang ipinpagawa ko sa kanya!” “Ma!” sigaw ko nang tuluyang makarating sa kusina. “Nandito na ako!” Inis siyang tumingin sa akin ngunit agad nawala iyon nang makita ako. “Ano ka ba naman, Raena!” Lumapit siya sa akin at pinunasan ang noo ko. “Tumakbo ka na naman ba?” Tumango ako. “Ang lakas kaya ng boses mo. Abot hanggang garden kaya tumakbo na ako at baka lalo ka pang magalit sa akin.” Bumuntong hininga siya. “At bakit naman kasi hindi mo pa ginagawa ang mga iniutos ko sayo kanina?” tanong niya. “Hindi ba’t sinabihan kita na asikasuhin na ang mga sangkap na gagamitin ko para sa lulutuin ko ngayong tanghalian?” Napakamot ako ng ulo. “Pasensya na, Ma,” sabi ko. “Inutusan pa kasi ako ni Ate Lyza na ilabas ang lahat ng labahin. Tapos sinabihan din ako ni Kaji na diligan ang mga halaman dahil isinama siya ni Mam Avi sa labas.” Naningkit ang kanyang mga mata. “Ano?” “Binabatayan ko naman ang oras kaya may ilang minuto pa ako bago ka magsimulang magluto ng tanghalian natin,” dagdag ko. “Patapos na din naman ako sa pagdidilig ko eh.” Tinitigan niya ako tsaka muling bumuntong hininga tsaka tinapik ang balikat ko. “Oh siya, ako na ang bahala sa tinatapos mo. Gawin mo na lang ang pinapagawa ko para makapagluto na ako, okay?” Nakangiti akong tumango at mabilis nang pumunta sa pantry para kunin ang mga sangkap para sa lulutuin ni Mama. I am Raena Caddel, isa sa mga naninilbihan sa mansyon na ito limang buwan na ang nakakalipas. Wala akong alaala sa nakaraan ko dahil sa insidente na kinasangkutan ko sa dati kong pinagtatrabahuhan ngunit sa tulong ng naglitas sa akin ay mayroon akong nalalaman tungkol sa pagkatao ko kahit paano. Namatay na ang mga magulang ko noong bata pa lamang ako at lumaki lamang ako sa isang ampunan. Nang umedad ako ng labing walong taong gulang, kinailangan ko ding umalis at tumayo sa sarili kong mga paa. Maliit na ampunan lang ang pinanggalingan ko at wala itong kakayahan na pag-aralin ako kaya tanging paninilbihan lamang sa mga mayayaman ang alam kong trabaho. Pero kahit paano naman ay marunong akong magsulat at magbasa. At para kahit paano ay makabayad ako ng utang na loob sa taong nagligtas sa akin ay hiniling ko na manilbihan sa mansyon na ito. Sa totoo lang, wala din naman akong ibang mapupuntahan lalo pa’t wala akong maalala sa nakaraan kaya masaya ako dahil pinagbigyan nila ang hiling ko na manatili dito. Kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para makatulong sa mga gawain dito sa mansyon. Lahat ng inuutos sa akin ng mga naunang kasamahan ko dito ay hindi ko tinatanggihan dahil talagang malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila ay siguradong pagala-gala ako sa lansangan. Walang trabaho, walang masisilungan, walang alaala. “Raena?” Bumaling ako sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko at ngumiti. “Yes, Sir Levi? Siya si Sir Levi Apollo Shiraishi, ang taong nagligtas sa akin at siya ding may-ari ng mansyon na siyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. “I heard Mama Tanya,” sabi niya. “Hindi ba’t sinabihan kita na huwag tatakbo kahit gaano pa nagmamadali ang mga tumatawag sayo?” Napakamot ako ng ulo. “Pasensya na, Sir. Baka kasi magalit pa sa akin si Mama kung hindi niya agad ako makita.” Si Mama Tanya ang mayordoma sa mansyon na ito at halos lahat kami ay mama ang tawag sa kanya. Anak na din kasi ang turing niya sa amin kaya hindi na mahirap na ituring din siyang nanay. Kahit si Sir Levi at ang mga kaibigan niya ay iyon na din ang nakasanayang itawag sa kanya dahil siya din ang nag-alaga dito noong maliit pa ito. At pinagbabawalan ako ni Sir Levi na tumakbo-takbo dahil halos limang buwan pa lang naman ang nakakalipas nang dumating ako dito. Ang sabi nila ay halos nasa bingit na ako ng kamatayan nang makita ako si Sir sa nasusunog na mansyon ng dati kong amo. At isang himala na lamang na nagawa pa akong iligtas ni Sir Ace., ang kaibigan niyang doctor. Malala ang naging pinsala ng katawan ko kaya hangga’t maaari ay ayaw nila akong masyadong kumikilos. Ako lang itong pasaway dahil para bang hindi sanay ang katawan ko na walang ginagawa. “Hindi ka pa lubusang magaling, Raena,” aniya. “Kung ipagpapatuloy mo iyan ay hindi ako magdadalawang-isip na sisantihin ka bilang kasambahay ko.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Sir! Huwag naman pong ganoon.” “Then, do what I said,” giit niya. “Do minimum work only. At kapag ikaw, nakita ko na naman na ginagawa ang trabaho ng iba, ikukulong pa kita sa kwarto mo hanggang sa tuluyan kang maka-recover.” Napanguso ako. Mabait talaga itong si Sir Levi. Lagi niya akong pinaalalahanan na alagaan ang sarili ko at huwag masyadong pwersahin ang katawan ko lalo na’t hindi pa nga ako lubusang magaling. At hangga’t maaari ay updated siya sa lagay ng katawan ko. Lagi siyang present sa weekly check-up na ginagawa sa akin ni Sir Ace at binibigay niya sa akin ang lahat ng gamot na kailangan para sa pagpapagaling ko. Pero kapag hindi ko siya sinusunod ay lagi niya akong binabantaan na sisisantihin sa trabaho ko o kaya ay ikukulong sa kwarto ko. Alam niya kasi na iyon ang kahinaan ko. Aba, hindi ako maaaring mawalan ng trabaho. Siguradong hindi ako makaka-survive sa labas lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko ding makabayad ng utang na loob ko sa pagliligtas niya sa buhay ko kaya gusto kong manatili dito. At lalong ayaw ko naman na makulong lang din sa kwarto ko. Aba, isang buwan din akong hindi pinayagang lumabas ng kwarto noong unang buwan ko sa mansyon na ito at talaga namang halos mabaliw ako. Hindi yata ako sanay na nakatambay lang sa loob ng kwarto kaya ganoon na lang ang reaksyon ko kapag ibinabanta niya sa akin ito. “Are we clear, Raena?” tanong niya na agad kong tinanguan. “Clear na clear na po, Sir,” sabi ko. “Hindi na ako tatakbo.” “At?” Tinaasan pa niya ako ng kilay kaya nag-iwas ako ng tingin. “H-hindi ko na din gagawin ang trabaho ng iba.” “Look at me while you are saying those word, Raena,” madiin niyang sabi. “Aba’t ganyan din ang ginawa mo noong huli tayong nag-usap tungkol dito, hindi ba?” Napanguso akong muli. Akala ko ay hindi niya mapapansin iyon kaya dahan-dahan akong tumingin sa kanya at umiling. “Hindi, sir.” Ngumiti ako sa kanya. “Promise talaga, sir.” Itinaas ko pa ang kanang kamay ko bilang panunumpa. “Hindi ko na uulitin. Hindi ko na gagawin ang trabaho ng iba.” Tumitig siya sa akin at ilang sandali pa ay bumuntong hininga na lamang siya. “Siguraduhin mo lang.” Inirapan niya ako at tuluyan na akong iniwan dito sa kusina. Napakamot na lang ako ng ulo at ipinagpatuloy ang paghahanda ng mga ingredients para sa magiging tanghalian namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD