Prologue
"She is in a stable condition," iyan ang bungad sa akin ni Ace, ang doctor na siyang nagta-trabaho sa akin. "But there is a lot of damage in her body and we can't say anything for sure without talking to her first."
Well, hindi ko din naman inaasahan na mabubuhay pa ito sa kabila ng mga natamo niyang pinsala nang iligtas ko ito. Magaling talagang doctor itong kaibigan ko at hindi pa huli ang lahat ng madala ko ito dito sa mansyon ko.
"So?" Hinubad na niya ang kanyang coat at ginulo ang kanyang buhok. "Pwede mo na bang ipaliwanag sa akin kung saan mo nakita ang babaeng iyon? Hindi ikaw ang tipo ng taong basta na lamang magliligtas ng mga taong walang kinalaman sayo."
Bumuntong hininga ako. "Hindi ba pwedeng minsan sa buhay ko ay gumawa ako ng isang mabuting bagay para sa kapwa ko?"
Tinaasan niya ako ng kilay na muli kong ikinabuntong hininga.
Hindi nga naman talaga kapani-paniwala. "Look, dude…" Bumaling ako sa kanya. "You know that I was out hunting for the thieves, right?"
Tumango siya.
"Nakarating ang mga iyon sa kabilang state kaya naman naging maingat ang pagkilos ko," pagpapatuloy ko. "Pero bigo na akong mahanap sila dahil nagkakagulo na sa lugar na iyon. At nakita ko ang isang mansyon na nasusunog kaya naman bago pa ako madamay sa sitwasyon doon ay agad na akong umalis."
"At doon mo siya nakita?"
Tumango ako. "Siguro ay isa siya sa mga katulong na naipit sa gulo doon. Akala ko nga ay patay na kaya wala na sana akong planong pakialaman pa kaso gumalaw siya. At hindi naman ako lubusang masama para ipagwalang bahala ang buhay ng isang taong may kakayahan naman akong iligtas."
"Eh bakit dito mo siya dinala, imbes na sa mismong ospital?"
Napakamot ako ng ulo. "Ang totoo niyan ay hindi ko din alam."
Napasapo siya ng noo dahil sa naging sagot ko. "Seriously?"
Tumango ako. "I just had this feeling na mas maililigtas mo siya kaysa sa ospital. Isa pa, tingin ko din kasi ay kaya sinunog ang bahay na iyon ay para mabura ang lahat ng ebidensya sa kung anumang nangyari sa loob nito. At kung malalaman nila na nakaligtas ang babaeng ito ay hindi imposible na balikan nila ito."
"At ayaw mong nasasayang ang effort mo sa pagliligtas sa kanya kung muli lang din siyang mamamatay."
Tumango akong muli. "She looks harmless so we don't have anything to worry about. Kapag nagising siya, tsaka natin alamin ang pagkatao niya."
Bumuntong hininga siya. "Fine. If that is what you want," aniya. "But I don't want to be too careless just because she looks harmless so I will let Avi guard her while she is still unconscious."
"Okay."
Hinayaan ko na siyang gawin ang trabaho niya habang ako naman ay bumalik sa opisina ko kung saan naghihintay ang ilan sa ma tauhan ko.
"Did you find them?" tanong ko.
"They got caught up with the fire when they hid inside that mansion," sagot ni Avin. "We only recovered three of them. Liam is conducting DNA testing to make sure that it was them."
"What about the last one?"
Umiling si Alhaim. "There was a comotion happening in front of that state when we got sight of him but he managed to blend in the crowd so we lost him,” he explained. “And we didn’t pursue our search because there are a lot of palace knights and police officers around the area.”
"I assume you didn't stop looking for him."
"We got Alanna to still track him," sagot ni Avi. "She will inform us as soon as she learns something about the whereabouts of that man."
Mukhang wala na din naman akong magagawa kundi ipaubaya sa kanila ang tungkol sa bagay na iyon. Dahil kung hindi din naman sa kapabayaan ko na asikasuhin agad ang mga taong iyon ay hindi sana sila nakahanap pa ng pagkakataon para makatakas.
“What about the woman?” I asked. “Did you get any information about who she is and why she is in that state?”
Umiling sila.
“The only thing that we learned is that the crown prince, Hector, rented that state for his vacation in the area but some men suddenly broke inside the place and tried to kill him,” kwento ni Alhaim.
“There is a possibility that she is one of the maid that got hired to serve the crown prince while he was in that mansion,” I said
“That is one of the possibilities,” ani Avin. “You said it yourself that she is wearing a maid uniform when you saw her.”
Yeah, iyon nga ang suot ng babaeng iyon nang makita ko siya sa ilalim ng mga nagbagsakang debri ng nasusunog na mansyon.
Kaya nga hindi na din ako nagdalawang-isip na tulungan ang babaeng dahil nasisiguro kong walang mag-aabala na iligtas siya. Tuluyan lang siyang mamamatay kung hihintayin ko pa ang mga rescuer na sigurado namang ipa-prioritize ang mga matataas na taong naninirahan sa mansyon na iyon.
“Is it safe to assume that she has no other relation to the people in that estate aside from working with them as a maid?”
“If you are thinking that she might be one of the people that tha palace tried to send here to take some evidence against you, I think you are wrong about that,” sabi ni Avi na kakapasok lang ng opisina ko kaya napalingon kami sa kanya.
“And what makes you so sure about that?”
Iniharap niya sa akin ang screen ng kanyang cellphone at mula doon ay isang balita ang pinapalabas.
“I don’t really know what is true but according to that news, nais lang na magbakasyon ni Prince Hector sa siyudad na ito upang kahit paano ay mabawasan ang stress na nararamdaman nito. At nagkataon naman na nasa syudad din si Raena Cassiela kaya inimbitahan niya ito na makapagmiryenda.”
“At doon dumating si Caspian Jyn na nag-aakala na mayroong relasyon ang dalawa dahil napabalita ang plano ni Prince Hector na hingin sa mga Cassiela ang kamay ng nag-iisa nilang anak,” singit ni Avin na nanonood na din ng balita. “Pero hindi naging maganda ang nangyari sa loob. Nagkagulo hanggang sa nagsimula ang sunog na siyang tumapos sa buhay ng mga nagta-trabaho doon. Kasama na din si Raena Cassiela.”
Ito pala ang nangyari sa loob ng mansyon na iyon.
Pero sa totoo lang ay hindi naman kami nakakasiguro kung totoo ba ito o cover up lang ng palasyo upang hindi madungisan ang pangalan ng kanilang pamilya.
Kilala ko si Caspian Jyn. Nasa isang industriya kami dahil alam kong isa din siyang mafia boss.
Hindi kami magkaibigan pero alam kong hindi siya iyong tipo ng tao na magdadamay ng mga inosenteng tao dahil sa personal niyang problema.
Hindi lang pagiging mafia boss ang pinangangalagaan niya. Maging ang legalidad ng kanyang kumpanya at ang angkan na pinanggalingan ng ina niya lalo pa’t itinuturing din siyang royal blood sa bansang Avenir.
Hindi niya iyon basta isasakripisyo kung siya talaga ang may mali dito.
On the other hand, kilala ko din naman ang mga Azaria at kung paano sila kumilos upang masiguro na hindi kailanman masisira ang kanilang pangalan sa bansang kanilang pinamumunuan.
Alam ng lahat kung paano nila dispatsahin ang mga taong nagiging hadlang sa kanilang pamamahala, tulad na lamang ng dating pinuno ng Axia Region na kabilang sa angkan ng mga Dahlia.
“They made a list of everyone who got caught in the fire and they are conducting a DNA process to know each of them but Raena Cassiela was already confirmed dead,” dagdag ni Avi. “Kinilala ang nasunog niyang katawan dahil sa bracelet at singsing na ibinigay ni Jyn sa kanya.”
“Ibig sabihin ay ang mga natira na lamang sa listahan ay mga empleyado na kanilang tinanggap para magtrabaho doon?” tanong ni Alhaim.
Tumango si Avi. “Pinaimbestigahan ko na kay Azure ang mga taong iyon at ibibigay niya ang resulta sa lalong madaling panahon.”
“Levi!”
Muli kaming lumingon sa pinto ng bumukas iyon at bumungad sa amin ang naghahabol-hiningang si Ace.
“Gising na siya,” sambit nito. “Gising na ang babaeng dinala mo dito.”
Agad akong napatayo at mabilis na lumabas ng opisina para puntahan ang babaeng iyon. Gusto kong malaman kung maayos na ba talaga ang kanyang kalagayan at kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya.
Nang makarating kami sa silid na pinaglipatan dito para makapagpahinga ay nakita ko siyang nakaupo na habang sapo ang kanyang noo.
“You don’t have to force yourself to get up, Miss.” Hinawakan ko ang kanyang balikat at dahan-dahan siyang inihiga. “Hindi maganda ang naging lagay mo nang makita kita kaya huwag ka munang kumilos.”
Tumingin siya sa akin. “S-sino ka?” tanong niya. Halos nakapikit ang isa niyang mata habang nakahawak sa kanyang sentido. “Na-nasaan ako?”
“I am Levi,” sambit ko. “Ako ang may-ari ng bahay na ito. At nandito ka dahil iniligtas kita sa nasusunog na bahay sa kabilang estate.”
“Levi?” Saglit siyang pumikit ng mariin pagkuwa’y muling dumilat at tumitig sa kisame. “Nasusunog na bahay?”
Bumaling ako kay Ace na agad umiling. Marahil ay hindi pa niya ito nae-eksamina kaya wala pa itong masyadong nalalaman kung ano na ang tunay nitong lagay.
Lumapit si Ace sa gilid ng kamay. “Miss,” tawag nito sa babae na agad tumingin sa kanya. “Pwede mo bang sabihin sa amin ang pangalan mo?”
“Pa-pangalan ko?” Muli siyang tumitig sa kisame at ilang sandali pa ay unti-unti na siyang lumuluha kaya agad kaming nataranta.
“Oh s**t!” mura ni Ace. “Please calm down, Miss. Hindi makakabuti sa lagay mo kung masyado kang magiging emosyonal.”
Hinawakan ko ang kamay nito kaya bumaling siya sa akin. “Calm down. It will only hurt you if you don't calm down.”
Tumango siya at pinunasan ang kanyang luha. “H-hindi ko maalala ang pangalan ko. Wala… wala akong maalala.”
Muli akong tumingin kay Ace na ngayon ay napapaisip na. “Do you have any idea about what happened to her?”
Bumuntong hininga siya tsaka tumingin sa akin. “Like what I said earlier, hindi pa natin alam kung gaano nga ba kalaki ang damage na naganap sa kanya dahil sa insidente na iyon,” sabi niya. “Aside from the metal that stabbed her abdomen, mayroon din siyang head trauma na posible niyang natamo nang bagsakan siya ng mga debri ng gumuhong bahay na pinanggalingan niya.”
“So, what do you need to do to make sure about her condition?”
“I will call the Pharma so they can send the necessary equipment that I need for her,” sabi niya at agad na inilabas ang kanyang cellphone. “Hindi pa natin siya pwedeng ibyahe kaya mas mabuting dito na natin i-conduct ang check up niya.”
“Do what you think is necessary.” Ibinalik ko ang tingin sa babae na ngayon ay muli nang nakatulog.
“Boss…” Bumaling ako kay Avi na kakalapit lang sa akin. “Sabi ni Maria, ito daw ang mga gamit ng babaeng iyan.” Ipinakita nito sa akin ang nakatuping maid uniform at sa ibabaw nito ay isang kwintas na mayroong nakaukit na pangalan.
Kinuha ko iyon at pinagmasdan. “Raena…”
“Is that her name?” tanong ni Avin.
“Possible,” sagot ni Avi. “Sa nakuha kong listahan ng mga taong nasa loob ng mansyon na iyon, mayroong tatlong babae na nagngangalang Raena. Isa ay ang Raena Rumia Casiella na siyang kinilala na ng kanyang asawa. Ang isa ay kababata ng prinsipe na kinilala na din ng kanyang mga magulang at ang isa ay ang maid na halos kakaumpisa lang sa trabaho ilang araw pa lang ang nakakalipas.”
“Get every information that you can get about her,” sabi ko. “We need to confirm if she is that Raena. Make this one the priority.”
“Yes, sir.” Agad umalis ang mga tauhan ko at naiwan lang si Ace na nakatitig sa akin kaya tinaasan ko siya ng noo.
“May problema ba?”
Umiling siya. “I am not really against you if you were attracted to that woman,” aniya. “But like what I always told you before, you have to be careful. Maraming tao ang handang hanapin ang kahinaan mo para mapabagsak ka lang.”
Nanlaki ang mga mata ko. “What the hell are you talking about?”
Umiling siyang muli pagkuwa’y itinuro na ang pinto. “Kung mag-iingay ka lang ay doon ka na sa labas. Kailangan ng pasyente ko ng pahinga.”
Gusto ko pa sanang liwanagin kay Ace na walang kahit anong atraksyon akong nararamdaman para sa babaeng ito pero hindi ko na nagawa dahil pinagpipilitan na niya akong lumabas.
Bakit ba iyon agad ang iniisip niya? Tumulong lang naman ako sa isang taong nangangailangan.
Tsk. Malisyoso talaga ang gagong iyon.