Veronica's POV
"How's your flight, Hija?"
Agad na tanong sa akin ng tiyuhin kong si Matthias nang makalabas ako ng airport.
May kasama siyang isang lalaking maskulado at ito na rin ang nagdala ng mga bagahe ko upang isakay sa loob ng kotse.
"Okay lang, Uncle. I want to see my Dad and Mom," malungkot na sagot ko.
Tumango lang si uncle. Inalalayan niya akong makasakay sa kotse at sumunod siya sa akin saka pinaandar na ng maskuladong lalaki ang sasakyan.
Dumiretso na kami sa Mansyon kung saan nakaburol ang aking mga magulang. Mas pinili kong dito sila ilagak kaysa sa chapel.
Pagkababa ko sa sasakyan ay agad akong pumasok sa loob. At para akong na-estatuwa sa aking nakita.
Nanginginig ang mga paa ko nang inihakbang ko papunta sa kabaong ng aking magulangl. Akala ko ay wala na akong mailuluha pa ngunit muling bumulusok ang tubig sa aking mga mata, kasabay ng pagpalahaw ko nang iyak.
"Papa! Mama!" sigaw ko nang makalapit ako sa kabaong ng mga ito. "Why did you leave me alone? At sinoʼng may gawa nito sa inyo? Sino!" sigaw ko.
Niyakap ko isa-isa ang kabaong nila. At lumapit sa akin si Uncle Matthias para aluhin ako. Ngunit patuloy pa rin ako sa pagpalahaw ng iyak.
Isang lalaking nakasalamin ang napansin ko sa may di-ka layuan at tantiya ko'y nakatitig ito sa akin ngunit wala akong pakialam kahit sabihin pang na ang pangit kong umiyak. Ngunit iba na ang pakiramdam ko, hanggang nahimatay na ako at napansin ko pa ang paglapit ni Attorney Salazar sa amin ni Uncle Matthias. Subalit hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
SiNAPO ko ang aking noo at pakiramdam ko'y nahihilo pa rin ako dahil siguro iyon sa pagod.
"Are you okay, Hija?" bungad na tanong sa akin ni Attorney Salazar.
"Y-Yes, Attorney. Where am I?" untag ko na iginiya ang paningin ko sa loob.
"Narito tayo sa 'yong kuwarto. Nahimatay ka kanina kaya dinala kita, rito. Uminom ka muna," anito na inabot sa akin ang isang basong tubig. Kinuha ko iyon at ininom saka ipinatong sa katabing mesa.
Bumuntong-hininga ako. Muli kong iginiya ang paningin ko sa loob ng aking kuwarto at hanggang ngayon ay gano'n pa rin ang hitsura nito.
"Where's my Uncle, Attorney?" tanong ko. Dahil kanina lang ay inaalo niya ako.
"He's outside, Hija and he takes care of the guests," tipid na sagot ni attorney.
"I want to know kung sino ang suspek sa pagkamatay ng mga magulang ko, Attorney. Tutal, kayo ang attorney ni Papa kaya alam n'yo siguro kung sino-sino ang mga kaaway niya," diin na sambit ko.
"Wala pang nakapagtuturo kung sino ang suspek, Veron. But your dad left a letter before he died," pahayag ni attorney dahilan upang magsalubong ang kilay ko.
"A letter?" takang tanong ko.
Tumango si attorney at may kinuha ito sa attache case. Isang kulay rosas na sobre.
Ibinigay iyon sa akin at nanginginig ang mga kamay ko. Binuksan ko ang sobre at binasa ko ang nilalaman ng sulat.
Pagkatapos kong basahin 'yon ay naikuyom ko ang aking mga kamay.
"Nakasaad riyan na nakatakda ka ng ikasal kay Storm Salvador," pagpaliliwanag nito sa akin.
"I don't know that man, Attorney! So, why would I marry him?" matigas kong sambit.
Dahil totoo naman, eh! Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman kilala! Ni sa hitsura ay hindi ko pa nakita! At lalong-lalo na hindi ko alam ang pangalan ng lalaking ito. Kaya papaano ako papayag na magpakasal dito?
"Because that's what your dad wants."
Isang baritonong boses ang narinig ko at pumasok siya sa kanyang kuwarto kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama.
Ang lalaking ito ang nakita ko kanina habang pumapalahaw ako nang iyak.
"And who are you? Why did you enter my room!" galit kong wika sa kanya.
"Attorney, ipaliwanag n'yo kay Ms. Mondragon ang nakasaad sa sulat ni Don Ysmael para hindi na siya magtaka," pahayag niya sa akin. "Damn! She's spokening dollar,"narinig ko pa na bulong niya.
"No need! I've read it all! But, I don't know you!" bulalas ko sa kanya.
"I'm Storm Salvador. And I am the only one who bought your company. And it can only be returned to you if you can marry me," pahayag pa niya. "Attorney, lumabas ka muna. At iwanan mo muna kami ni Ms. Mondragon," baling niya kay Attorney Salazar kaya nagpaalam sa amin si attorney.
"How dare you!" singhal ko. Kulang na lang ay kalmutin ko siya sa mukha.
"That's true, Ms. Mondragon, so think carefully. Don Ysmael worked hard for your company. But now? Pag-aari ko na ang kompanya ninyo," maawtoridad na saad niya sa akin. At Ngumisi pa siya sa akin ng nakaloloko.
"Hindi ako magpakakasal sa ʼyo, gurang!" protresta ko para alam niya kung sino'ng babae ang kaharap niya.
Kulang na lang ay bumuga ako ng apoy dahil sa hitsura kong galit. Pero, hindi nagpadala si Storm sa ipinakita ko sa kanya.
Subalit alam kong nagpanting ang dalawang tainga niya dahil sa sinambit ko na siya ay gurang dahilan upang lapitan niya ako, kaya ako napaatras. .
"Tanging ikaw lang ang nakapagsabi sa akin ng gano'n, Ms. Veronica, soon to be my wife," bulong ni Storm sa akin sabay ngisi nang nakaloloko. Tinanggal niya ang suot na shades at lalo niya pang inilapit ang mukha sa akin dahilan upang mapapikit ako. Ngunit tumawa si Storm. "Huwag kang assuming na hahalikan kita, Ms. Mondragon dahil wala sa bokabularyo ko ang manghalik ng supladang babae," mariing sambit niya sa akin kaya nagsalubong ang kilay ko..
Iniwan na ako ni Storm kaya nagngingingit ako sa inis dahil anong akala niya sa sarili niya? Guwapo siya?
TFvck him!
"Ang yabang mo!" sigaw ko nang mawala siya sa paningin ko. "Iyon ang pakakasalan ko? Gosh, I can't believe I'm going to marry that arrogant man! He's annoying! Feeling guwapo!" sunod-sunod kong sambit.
Huminga ako nang malalim. Inayos ko ang nagusot-gusot na damit, sanhi ng pagkahihiga ko kanina.
At bago ako umalis sa aking kuwarto ay sinuri ko muna ang hitsura ko sa salamin dahil baka kumalat ang inilagay kong liquid eyeliner.
Pero, hindi naman. Kaya lipstick na lang ang ipinahid ko sa aking labi upang maganda pa rin ako kahit galing siya sa pag-iyak.
Baka, makita o makaharap ko na naman ang lalaking Storm na 'yon at masampal ko na!
Tuluyan na akong lumabas sa kuwarto. At hindi nga ako nagkamali na makikita ko ang lalaking ubod ng yabang.
Kinabahan pa ako, dahil kahit nakasuot ito ng shades ay alam kong nakatingin ito sa akin.
"Sh*t! I know, he's staring at me. Kainis!" bulong ko. Subalit nakita kong ngumisi si Storm, dahilan upang lalo akong magngitngit sa inis. "Nananadya ba siya, ha?" inis na sambit ko.
Naglakad na ako upang maupo sa harapan ng dalawang kabaong. Heto na naman. Iiyak na naman ako dahil hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko.
"I'm sorry, dad. I'm sorry, mom dahil hindi ko mapigilan na hindi umiyak sa harapan ninyo. But you told me that I should be brave, lalo na at wala na kayo," humihikbi na sambit ko. "And I will promise to you that I will do everything for your justice," mariin na saad ko, sabay kuyom ng dalawang kamay ko.
LUMIPAS ang tatlong araw at ngayon ang libing ng aking mga magulang sa Memorial Park.
Ipinangako ko sa aking sarili na hindi na ako iiyak. At iyon nga ang ginawa ko hanggang sa huling hantungan ng mga magulang ko.
Isa-isang nag-alisan ang mga taong nakipaglibing, ang mga kamag-anak ko, kabilang na si Uncle Matthias, si Attorney Salazar, si Storm, at ang mga empleyado namin sa Mondragon Building.
Lumuhod ako sa damuhan kaharap ang pansiyon ng dalawa kong minamahal. At wala akong pakialam kung marumihan ang suot kong puting slacks.
"D-Dad, Mom," sambit ko na hinaplos ang basa pang semento ng libingan nila. "I thought, I wouldn't cry anymore, but here I am again, crying in front of your grave," umiiyak na sambit ko. "Ito ang pinakamasakit sa lahat, Dad; Ang makita kayong nakalibing ni Mommy dahil hinding-hindi ko na kayo makikita pang muli. I love you so much, dad, mom. And you're forever in my heart," humagulgol na sambit ko.
"Akala ko, ang tapang mo?" untag sa akin ng baritonong boses.
Nagulat pa ako dahil ang alam ko ay wala na akong kasama roon, maliban sa mga paru-parong umaaligid sa akin.
Nilingon ko ang may-ari ng boses. At si Storm ang nasa likuran ko, dahilan upang taasan ko ng isang kilay.
"What are you doing here?" gagad ko. At muli kong ibinaling ang pansin sa libingan ng mga magulang. "I thought, you're leaving," sambit ko pa.
"Umalis ako kanina dahil ihing-ihi na ako, dahil hindi naman ako puwedeng umihi rito," maawtoridad na wika ni Storm sa akin.
Pati ba naman iyon sasabihin niya sa akin!
"Tssk!" inis kong sambit. "I'm just asking you, pero ang dami mo nang sinabi," ismid ko.
"Para hindi ka na magtanong pa kaya kinumpleto ko na ang sagot ko. Ikaw, ba't umiiyak ka? Kanina, ni isang butil ng luha mo ay hindi lumabas. Pero, ngayon ay halos bumaha na rito dahil sa pag-iyak mo," sawata niya sa akin dahilan upang mapatayo ako sa aking kinaluluhuran.
"You don't care! At sa akin ba nakatutok iyang dalawa mong mata, ha? Ano ka, magnifying glass! At sa rami ba naman ng tao rito kanina ay hinihintay mo talaga ang pagluha ko!" asik ko.
"Yeah! At kahit iyang pinakatatago-tago mong kayamanan sa ilalim ng pants mo ay makikita ko," saad niya sa akin sabay ngisi niya nang nakaloloko.
"Bastos!" singhal ko. "At wala kang pakialam kung umiiyak ako, okay! This is my life, not yours!" gagad ko.
Ngunit napatda ako nang bigla akong halikan ni Storm sa labi. Dampi lang iyon pero hundred thousand ang boltahe ng kuryente ang naramdaman ko.
Itinulak ko siya at sinampal, subalit muli na naman niya akong hinalikan, at agad rin niyang pinakawalan ang labi ko.
"You said, I'm rude, kaya pinangatawanan ko na ang pag-aakusa mo sa akin. But I'm telling you na hindi masarap iyang labi mo," gagad niya sa akin dahilan upang umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niyang hindi masarap ang labi ko.
"Comment oses-tu! " singhal ko tuloy sa kanya na ang ibig sabihin ay walang hiya siya.
Put*k! First kiss ko ang lalaking ito, tapos sasabihin na hindi masarap ang labi ko? At napaka-demanding ng Storm na ito.
"Nasa Pilipinas ka lang, Ms. Mondragon kaya huwag kang magsalita ng French, dahil baka sagutin kita ng intsik!" saad niya sa akin.
Pinanliitan ko ng dalawang mata si Storm dahil talagang iniinis niya ako.
"Maghanap ka ng kausap mo, okay! At iwanan mo na 'kong mag-isa rito!" maawtoridad na sambit ko.
"Magiging asawa na kita, Ms. Mondragon kaya umayos ka kung gusto mong bumalik sa 'yo ang kompanya ninyo!" banta niya sa akin.
Ako? Aayos? Bakit, mukha ba sakong sira para umayos ako?
"Hindi mo 'ko puppet, Mr. Salvador. At lalong-lalong hindi ako magpakakasal sa lalaking ubod ng yabang!" sigaw ko.
Ngunit hindi ko na naman inaasahan ang ginawa ni Storm dahil hinalikan na naman ako.
Subalit, hindi 'yon simpleng halik lang dahil naipasok na niya ang dila sa loob ng aking bunganga.