Veronica's Pov
"How dare you!"
Muling sigaw ko at sinampal ko nang malakas si Storm dahilan upang haplusin niya ang kanyang pisngi saka siya ngumisi nang nakaloloko sa akin.
"Hindi uubra iyang pagkasuplada mo sa akin, Ms. Mondragon. Baka, kapag nasa kama na tayo ay mawawala na 'yang pagkamataray mo at mapapalitan na ng ungol," segunda niya sa akin.
"Napakabastos mo!" bulalas ko.
Kinuyom ko ang mga kamay ko upang sapakin siya ngunit binantahan ako ni Storm.
"Sige! Sapakin mo mukha ko kung ayaw mong ipahiga kita rito sa damuhan, at tiyak na magsisilabasan ang mga patay rito. At mauuna ang ating honeymoon kaysa sa kasal," saad niya sa akin na muling ngumisi nang nakaloloko sa pangalawang pagkakataon.
"Listen to me, Mr. Salvador that I will not marry you! Never! I never dreamed of marrying a man with such self-esteem! And I think you are almost ten years older than me !" I screamed.
"Aba't! Baka, gusto mong ipakita ko, sa 'yo ang birth certificate ko, ha?" gagad niya sa akin.
"No need!" gagad ko rin. "Mom, Dad, I'm leaving," saad ko pa.
I left in front of my parent's grave then I walked to my car but Storm followed me.
"Didiretso tayo sa bahay ninyo, Ms. Mondragon dahil marami tayong pag-uusapan at pag-uusapan na rin natin ang ating kasal," maawtoridad na wika ni Storm sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad. Huminga ako nang malalim, saka ako humarap kay Storm.
"What did I tell you, huh! I said, I will not marry you! Kung gusto mo ay kayong dalawa na lang ni Attorney Salazar ang magpakasal!" muling sigaw ko. "At wala rin akong pakialam kung marami tayong pag-uusapan!" bulalas ko pa sa kanya.
Binuksan ko ang pinto ng kotse, saka ako pumasok at pabagsak kongisinarado iyon.
"Sige, Veron! Umalis ka kung makakaalis ka rito!" sigaw rin ni Storm sa akin na naglakad papuntang harapan ng kotse ko.
"Magpapakamatay ka ba, ha! Hindi ka mukhang bayani para gawin 'yan kaya umalis ka sa harapan ng daraanan ng kotse ko kung ayaw mong sagasahan kita!" utos ko sa kanya. Akala ba niya ay uurungan ko siya?
"Sagasahan mo lang ako, kung kaya mong gawin!" pananakot niya sa akin.
"Don't try me, Mr. Salvador, because I will do exactly what I said!" I said authoritatively.
Ngunit hindi umalis si Storm sa harapan ko, kaya binuhay ko na ang makina ng kotse at pinaandar iyon.
Ngunit biglang umalis si Storm kaya tinawanan ko na lang siya dahil talagang hindi ako nagbibiro. At nakita ko kung paano siya kabahan.
"Damn, you!" sigaw ni Storm sa akin.
Inihinto ko ang kotse niya. Saka, ako dumungaw sa bintana.
"Same to you, Mr. Salvador! At takot ka naman pa lang mamatay! Pero, kung uulitin mo pa 'yon, hindi na kita paalalahanan pa! Kaya ngayon pa lang ay pumili ka na ng paglilibingan mo rito!" asik ko. Saka ko na pinaharurot ang sasakyan, at alam kong nagngingit sa inis ang lalaking iyon." Hindi mo 'ko kaya Storm!" ngisi ko pa.
"Kakainin mo rin 'yang sinasabi mo, Ms. Mondragon!" narinig ko pang sigaw ni Storm.
"Sino ba siya para utusan akong pakasalan siya, ha! Porke, nag-iwan ng sulat si papa na kailangan ko siyang pakasalan upang ibalik niya ang kompanya namin ay ang lakas ng loob niya! Pati ang paghalik niya sa akin ay sinulit din niya! Fvck you, Mr. Salvador!" impit na sigaw ko.
I touched my lip because it must have been injured.
I let out a deep breath.
But he reminded me of my parents again, causing my tears to well up again.
I really wanted to get revenge on the person who did that to my parents.
But, how do I start? Not even Attorney Salazar could identify any suspects in the death of my parents .
"Sh*t!" sambit ko. "Talagang planado nila ang pagkamatay ninyo, Mom, Dad," impit kong sigaw.
Nagsilaglagan na naman ang mga luha ko dahilan upang mainis ako sa aking sarili.
I shouldn't cry. What I need is courage and strength to face this alone.
I wiped my wet eyes and took another deep breath
Nasa kalagitnaan ako ng Edsa nang tumunog ang cellphone ko.
Si Uncle Matthias ang tumatawag sa akin kaya kinuha ko ang earphone at kinabit iyon sa aking tainga.
"Yes, Uncle," sagot ko.
"Nasaan ka, Veron?" tanong niya sa akin.
"I'm on my way, Uncle."
"Dumiretso ka rito sa aking mansyon dahil may mahalaga tayong pag-uusapan," pahayag niya.
"Sabihin n'yo na ngayon, Uncle dahil ayaw ko muna nang may kausap ngayon," saad ko. Iyon naman talaga ang totoo.
"This is important, Veron. It's about the death of your parents so come right here to my mansion," maawtoridad na sambit niya sa akin.
"Okay. Wait me there. Basta tungkol kina mama't papa, ay go ako. Siguraduhin n'yo lang na maganda at matutuwa ako sa ibabalita ninyo sa akin," wika ko.
"Talagang matutuwa ka sa ibabalita ko, sa 'yo, Veron. Kaya bilisan mo na dahil sayang ang oras," pahayag pa niya sa akin.
Pinatayan ko nang tawag ni Uncle Matthias at binilisan ko na ang pagpatatakbo ng kotse dahil hindi na ako makapaghintay pang malaman kung ano ang aming pag-uusapan ng tiyuhin.
Halos isang oras ang biniyahe ko nang makarating ako sa mansyon ni Uncle Matthias.
Pinapasok ako ng mga guwardiya. Saka, sinalubong ako ng dalawang lalaking naglalakihan ang katawan.
Nagtataka pa ako dahil lalo yatang lumaki ang mansyon ng tiyuhin ko. Samahan pa na dumami rin ang mga tauhan nito.
Pero hindi na 'yon bago sa akin dahil alam kong marami siyang negosyo.
Papasok na sana ako sa pinto ng bakal nang muli na namang tumunog ang cellphone ko.
Nagpaalam ako saglit sa mga lalaking si big one at si big two. At sinagot ko ang cellphone ko dahil si Attorney Salazar ang tumatawag.
"Hello, Attorney. Napatawag ho ba kayo para ipaalala sa akin ang kasal namin ng mayabang na Storm na 'yon, ha? Well, hindi ako uuwi sa bahay ngayon dahil ayaw kong magpakasal sa kanya," matigas na saad ko, sabay baba nang tawag kay Attorney Salazar.
Pumasok na ako sa loob. At hindi pa man din ako nakapapasok ay sinalubong na ako ni uncle.
"My niece!" sambit niya na niyakap ako.
Kanina lang ay magkasama kami pero parang ilang taon niya akong hindi nakita.
Kumalas ako sa pagkayayakap kay uncle at hindi ko na hinintay pang paupuhin niya ako. Wala rin akong pakialam kung marami siyang tauhan dito.
May masagwa ang pagmumukha, may guwapo rin naman. Pero mas lamang pa rin ang mga panget dahilan upang matawa ako sa sarili ko.
"Tell me now, Uncle kung ano'ng pag-uusapan natin?" agad na tanong ko.
Ngunit kumuha muna ng wine at baso si Uncle Matthias at ibinigay iyon sa akin
Ayaw ko rin naman siyang pahiyain Kaya kinuha ko iyon. Nagsalin ako sa baso at nilagok ko ang wine.
"Hindi na ako magpaliliguy-liguy pa, Veron. About your mom and dad's case ay alam ko, kung sino ang may kagagawan ng aksidente," seryosong pahayag niya sa akin.
Napatingin ako kay Uncle Matthias. Halatang hindi siyang nagbibiro.
"At sino ho ang may kagagawan niyon?" matigas kong sambit.
"Si Storm Salvador. Siya ang may plano sa pagkamatay ng papa't mama mo," pahayag niya sa akin. Hindi ko alam kung nagsasabi ba si uncle ng totoo. "Look at this," saad pa niya sa akin.
Inilabas ni Uncle Matthias ang video at mga larawan na nag-uusap si Storm at sina daddy.
Kuhang-kuha rin ang pagpapapirma ni Storm sa aking papa at kay mama sa mga dokumento. At iyon siguro ang pagbili nito ng kanilang kumpanya.
Nakita ko rin na may baril na nakasuksok sa baywang ni Storm.
Pinanood kong mabuti ang video at hindi nakaligtas sa akin ang pag-aayos ni Storm ng brake sa kotse ng magulang ko na tila may inalis doon dahilan upang maikuyom ko ang aking mga kamay.
Pagkatapos ng pangyayari na iyon ay namatay na ang video. At isa-isa kong tiningnan ang mga larawan, hanggang sa pagsunod ni Storm sa magulang ko.
"Kung pagbabasehan mo ang video at ang mga larawan ay talagang planado ni Storm ang lahat," pahayag ni Uncle Matthias sa akin.
"Pero, ba't binenta ni papa sa kanya ang kompanya?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi binenta ni Kuya Ysmael ang kompanya dahil alam mong isa ako sa shareholder. Kung hindi ay ni-black mail ni Storm ang papa mo. At pati na rin ang mama mo ay idinamay rin niya. Tinakot niya ang mga ito. At para mapunta sa kanya ang lahat, kasama ka na ay pinapirma niya ang mga magulang mo kahit labag iyon sa kalooban nila. You're dad told me that before he died. At gusto niyang protektahan kita kay Storm, " mahabang wika ni uncle sa akin.
"Pero may iniwan na sulat si papa kay attorney na pakasalan ko si Storm upang ibalik sa akin ang kompanya," sambit ko.
Tumayo si Uncle Matthias. Sumimsim siya ng alak. "Alam ko ang bagay na 'yan, Veron. Dahil plano namin 'yan ng iyong papa. Magpakakasal ka kay Storm upang maghiganti dahil siya ang tinik at kalaban natin. Lahat ng pupuntahan niya ay mag-i-ispiya ka at i-report mo lahat sa akin ang bawat kilos niya. So, think carefully dahil hawak mo na ang alas para makapaghiganti," saad pa ni uncle.
"Puwede naman akong maghiganti kay Storm nang hindi nagpakakasal sa kanya 'di ba?" untag ko.
"Oo. Pero, hindi mo malalaman ang mga plano niya. Kaya, nga pag-isipan mong mabuti, Veron," paliwanag ni uncle sa akin.
Huminga ako nang malalim. May punto naman ang aking tiyuhin.
Kung hindi ako magpakakasal kay Storm ay hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya.
Baka sa susunod ay pasabugin na ni Storm ang aming kompanya. At kuhanin nito lahat ng aming kayamanan.
Pero hindi ko masikmura na makasasama niya si Storm sa isang bubong lalo na at siya ang dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang.
"Okay, Uncle. Pumapayag na ho, ako. Pero, ba't hindi nabanggit sa akin ni Attorney Salazar ang totoong dahilan ng pagkamatay ni mama't papa?" nagtatakang sambit ko.
"I don't know. Baka, isa rin siyang kalaban na hindi alam ng iyong papa," kibit balikat na aniya sa akin.
"Baka nga ho, Uncle. At baka may porsiyento si Attorney Salazar," komento ko pa.
"Pero, huwag mong ipagsasabi kahit kanino ang pinag-usapan natin, Veron. Para hindi mabulyaso ang ating plano. Kaya, bukas na bukas din ay maghanda ka na para sa training mo sa boxing," pahayag ni uncle sa akin.
Ngumiti ako. "Okay, Uncle. Salamat sa concern ninyo sa akin. Mabuti na lang at may uncle pa ako."
"Sino pa ba ang magtutulungan, kung hindi ay tayo-tayo lang. Hustisya para sa kapatid ko na papa mo ang hangad ko, kasama na rin ang iyong mama. Kaya gawin natin ang lahat upang makaganti kay Storm," maawtoridad na saad niya.
"Iyan ho talaga ang balak ko sa taong dahilan ng pagkamatay ng magulang ko. Pero, alam ko na ngayon ang lahat na si Storm ang may plano niyon kaya humanda siya. Dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin siya!" nanggigigil na sambit ko dahil gigil na gigil ko nang umpisahan ang laban sa aming pagitan.