bc

STORM: The Secret Agent

book_age18+
2.3K
FOLLOW
14.0K
READ
spy/agent
revenge
possessive
arranged marriage
brave
CEO
drama
bxg
kicking
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Galit at poot ang nararamdaman ni Veronica nang mabalitaan niyang naaksidente ang mga magulang niya dahilan upang mamatay ang mga ito.

Isa pa sa natuklasan niya na planado ang lahat.

Kaya naman agad siyang umuwi ng Pilipinas para maghiganti sa taong gumawa niyon sa mga magulang niya ngunit siya rin ay nakatakdang magpakasal kay Storm Salvador.

Itutuloy pa rin ba niya ang pagpakakasal kung ang lalaking ito ay kanya ring paghihigantihan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Masamang Balita
Veronica's POV "Veron, huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko na namatay sa aksidente iyong mga magulang," imporma ni Uncle Matthias sa akin dahilan upang mapatda ako sa aking kinatatayuhan. "What, Uncle? No! That's not true! Tell me na gawa-gawa n'yo lang 'yan!" sigaw ko sa telepono. Dahil hindi ako makapaniwalang wala na ang dalawang mahal ko sa buhay. "I'm telling you the truth, Veron that your dad and mom died in the car accident. At sinadya nila ang pagkamatay ng magulang mo," pahayag pa ng tiyuhin ko sa kabilang linya. At halos pigil ang aking paghinga dahil sa ibinalita nito sa akin. Hinigpitan ko ang pagkahahawak sa telepono. Kulang na lang ay masira iyon sa sobrang higpit. At samahan pa nanginginig ang aking labi. "No! No! It can't be! Tell me, you're lying, Uncle! Tell me!" muling sigaw ko nang makabawi ako. Napahagulgol ako nang iyak dahil hindi ko matanggap na patay na ang aking ama't ina. "Why would I lie to you? You are my niece and Ysmael is my brother! So, I'm telling you this because you're in Brazil and you are their only daughter!" galit na pahayag ni uncle dahil ayaw kong maniwala sa kanya. Ngunit napabulalas ako. "But, I don't believe you!" "Ano ba'ng mapapala ko kung magsisinungaling ako, sa ʼyo, ha! Kapatid ko ang isa sa mga namatay! And Iʼll tell you this dahil para alam mo!" gagad ni uncle sa akin. Subalit, hindi na ako sumagot, bagkus ay pinatayan ko ng telepono ang tiyuhin ko dahil baka niloloko lang niya ako. Pero, paano kung totoo ang ibinalita niya sa akin? Kaya, humugot muna ako nang malalim na hininga. Tatawagan ko ang aming attorney upang alamin ang totoo. "Hello, Attorney Salazar," sambit ko. Pinipigilang kong pumalahaw ng iyak baka hindi ako makapagsalita. "Hija! Tatawagan sana kita ngayon kaso naunahan mo 'ko," saad nito sa akin sa kabilang linya. "U-Uhm, I w-want to clarify to you if it is true that my parents died in the car accident?" untag ko sa basag na boses. Narinig ko na humugot ng malalim na hininga si Attorney Salazar bago nito sagutin ang tanong ko. At tila, lalong nadagdagan ang aking kaba. "Yes, Hija," sagot nito sa akin. Kaya muli na namang naglaglagan ang mga butil ng luha ko. Humikbi akong sumagot. "So, totoo pala ang ibinalita ni Uncle Mathias, Attorney?" "I'm sorry, Hija. Because I did nothing to save your parents," malungkot na saad ni Attorney Salazar sa akin. "It's not your fault, Attorney. But, why?" tanong ko na nag-agusan na ang aking mga luha. "Why did they do that to my mom and dad!" galit na sambit ko. "I don't know, Hija. But, We both know that Don Ysmael and Donya Margarita are kindhearted persons," saad pa ni Attorney sa akin. Ngunit hindi ko na pinatapos pa na magsalita ang aming attorney dahil binabahan ko na ito nang telepono sa sobrang paninikip ng dibdib ko. At dahil hindi ko matanggap ang balitang iyon ay nagwala ako sa backstage upang ibuhos ang nararamdamang sakit. Buti na lang at agad rumescue ang mga naroong dalawang guard at ang kaibigan kong Half Brazilian-Half Filipina na si Eunice. "Ce qui vous est arrivé?" tanong ni Eunice na kung ano'ng nangyari sa akin. "Mes parents sont partis. Ils m'ont quitté," sagot ko na wala na ang mga magulang ko. Ngunit, tila hindi naniniwala si Eunice sa ipinahayag ko. Dahil kahit siya ay ganoon din. "Qui t'as dit ça?" takang tanong nito sa akin kung sinoʼng nagsabi na wala na ang papa't mama ko. Hinawakan ni Eunice ang isang kamay ko at hinaplos-haplos ang aking likod. At ipinaliwanag ko rito na tumawag ang aking uncle at sinabi kong wala na ang mga magulang ko. "Mon oncle. Il m'a appelé plus tôt et il m'a dit que papa et maman étaient partis. But I talked to them last night," pahayag ko sa nanghihinang boses. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang dalawang tuhod ko, pero hindi dapat ako panghinaan ng loob ngayon. "Peut-être qu'il plaisantait," sambit naman ni Eunice kung sino'ng nagsabi sa akin na patay na ang magulang ko. Umiling-iling lang ako. Pinipilit ko ring pakalmahin ang sarili ko dahil ako na ang susunod na sasalang sa entablado. "I called our attorney and what uncle said was true," ani ko na muling umiyak sa harapan ni Eunice. Kahit isang pitsel na yata ang iniluha ko kanina ay hindi pa rin nauubos ang tubig sa dalawang mata ko. Tila, may gripo doon na nakakabit, dahil patuloy pa rin ito sa pagtulo. "Alors, quel est votre plan maintenant?" seryosong tanong ni Eunice na baka nagbibiro lang ang aking uncle. Ngunit dumaan ang isang modelo sa aming harapan dahilan upang tingnan kami nito nang masamang tingin. "Mag-usap na lang tayo, gamit ng ating lengguwahe. At mahirap na, Veron dahil maraming inggit sa ʼyo, rito. Alam mo naman mga ka-trabaho natin," pagpa-aalala ni Eunice sa akin. "Uuwi na ako, Eunice. At humanda sa akin ang taong gumawa ng pagkamatay ni mama't papa," matigas kong wika. Napabuntong-hininga na lang si Eunice. Wala siyang nagawa kundi'y yakapin ako. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay tinawag na ako ng emcee dahil ako na ang sasalang sa stage. Nawala man ang gana kong rumampa dahil sa nalaman pero pinilit ko pa ring ngumiti sa mga taong nanonood at ipinakita ko ang aking mala-tornado walk. Nang matapos na ang gabing iyon ay nagpaalam na ako kay Eunice. Agad akong umuwi ng condo. Nagpahinga ako ng ilang minuto, naligo sako, at pagkatapos ay tinawagan ko si Uncle Matthias. "Hello, Uncle. . . Uuwi na ho, ako sa Pilipinas sa susunod na araw," pahayag ko. "That's good, Hija. And I'll fetch you up at the airport," sambit niya sa akin. "Okay. But I wanted to know kung sino ang may sala sa pagkamatay ng mga magulang ko. You told me na sinadya iyon," wika ko sa matigas na tinig. "I know who the mastermind is. And I'll tell you when you're here," sambit niya sa akin sa kabilang linya. "I want to know, Uncle. So, tell me now! Tell me kung sinoʼng mastermind! And I'm eager to kill her or him!" nanggigil na sigaw ko. "Pagdating mo na lang dito, Hija dahil marami tayong pag-uusapan," paliwanag ni uncle sa maawtoridad na boses. "But I want now, Uncle. Para mapaghandaan ko," pagpumimilit ko. "Kung sasabihin ko sa ʼyo, ngayon ay baka lalo kang magwala at lalong ma-stress. Magpahinga ka na at dito na lang natin pag-usapan ang lahat pagdating mo," paliwanag niya sa akin. "You're right. Thank you, Uncle. And, see you, soon. Bye," pagpapaalam ko at ibinaba ko na ang telepono dahil tatawagan ko rin ang si attorney para ipaalam na uuwi ako sa susunod na araw. At ngayon pa lang ay dapat na akong mag-isip dahil hindi ko alam kung ako ang isusunod na target ng mga kalaban. Kaya kailangan kong paghandaan ang mga hakbang na gagawin ko. **** Storm's POV MANILA, PHILIPPINES "Kumusta lakad mo? Is it true that Don Ysmael and his wife died in the car accident?" agad na bungad sa akin ni Hilton Thunder nang pumasok ako sa aking opisina. Isa kaming Secret Agent na nagtatrabaho sa Philippine Intelligence Center Agency o PICA. Kami ang bumubuwag o nanghuhuli ng mga masasamang organisasyon sa Pilipinas. At target naming hulihin ang Red Dragon at ang Black Snakes dahil malaki na ang ginagawang purwesyo ng mga ito. Umupo ako sa swivel chair. At hinalupkip ko ang dalawang braso ko. "Yes," seryosong pahayag ko. "But I had promised them before that I would protect their only daughter. Kaso kung kailan ako pumirma sa aming kasunduhan ay saka sila namatay," saad ko pa sabay buntong-hininga. "Pero, hindi ba't nagkita kayo?" tanong pa ni Hilton sa akin habang nag-i-scroll siya sa laptop. "Oo. And after our meeting with Attorney Salazar ay inayos ko pa kotse nila dahil mahirap daw i-preno. Tapos, naghiwa-hiwalay na kami. At wala pang dalawang oras ay tumawag na lang bigla sa akin si Attorney na naaksidente ang mag-asawa. And dead on arrival nga ang mga ito," pahayag ko "Pumunta ako kung saang lugar iyon at talagang sinadya ang nangyari dahil nawalan ng braker ang kanilang sasakyan. Pero wala kasing cctv sa lugar at alam ko, kung sino ang may gawa niyon, dahil may nabanggit na sa akin si Don Ysmael, before. Pero, kailangan ko lang talaga ng matibay na ebidensya," dugtong ko pa. Tumango-tango si Hilton. Tumigil siya sa sa pag-i-scroll. At humarap sa akin. "We know that Don Ysmael has many business opponents, kaya nga may mga death threats silang mag-asawa. Pero, paano ang usapan ninyo? Lalo at patay na sila ngayon?" untag niya sa akin. "Gaya nga nang sabi ko ay tuloy pa rin ang plano," seryosong sagot ko. "So, ready ka na sa misyon mo?" muling tanong ni Hilton sa akin. "Yeah," muling seryosong saad ko sabay buntong-hininga. "Ibinigay na rin sa akin ni Attorney Salazar ang mga dokumento ng kompanya ng mag-asawa kanina lang bago ako, dumiretso rito sa opisina mo. At talagang may anumalya rin na nagaganap sa Mondragon Building," pahayag ko. "Kaya, kailangan ko talagang pag-aralan ang mga papeles dahil wala akong kaalam-alam tungkol sa negosyo. At talagang mapasasabak ako, nito, Dude," napapailing na wika ko pa sa kanya. "Kaya mo ʼyan, Dude. Ilan na ang pinasok mong misyon, at wala namang pumapalya, kaya alam ko na kaya mo 'yan," pagpalalakas ng loob ni Hilton sa akin. Bumuntong-hininga ako. "Salamat, Dude. Pero, alam mo ba na tama ang suspetsa natin na ang matandang pikolo na 'yon ang suspek sa lahat ng transactions na nangyayari dito sa Maynila. Kaya, tama lang din na tinanggap ko ang alok ni Don Ysmael. At sana noon ko pa ito ginawa no'ng buhay pa sila. " "But be careful of that old man, because he is a difficult opponent," muling pahayag ni Hilton sa akin. "I know," sagot ko na muling bumuntong-hininga. "Kaya mahirap siyang hulihin dahil wala nga tayong matibay na ebidensya. But now, I will make sure that wherever he goes, I will follow him at pagbubuhol-buhulin ko ang buhok niya sa ibaba, este ang kanilang organisasyon," nanggigigil na sambit ko. Kung puwede lang talaga na pasukin ko ang organisasyon na iyon ay ginawa ko na! Kaso, kulang pa talaga ako sa ebidensiya. At hindi rin ako p'wedeng basta-basta gagawa nang aksyon. Ngumisi sa akin si Thunder. At pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay kaya humagalpak kami nang tawa. "Ang seryoso nating dalawa, Dude. But I want to ask you this kung paano ang gagawin mong paghahanda sa kasal ninyo ni Ms. Veronica," saad niya sa sa akin. "Kasal?" untag ko. "Wala pa, Dude. Mas excited ka pa kaysa sa akin, ah! Ni hindi ko nga alam kung anoʼng ugali ni Ms. Mondragon. Baka nga, mala-dragon. At bubuga 'yon ng apoy dahil sa apelyido niya," napapailing na sambit ko. "Malay mo, mabait dahil hindi mo pa nakita sa personal. Sabi nga ay to see is to believe," komento naman ni Hilton. "Maybe? Pero, huwag tayong pakasisiguro, Dude. Kaso, kung talagang suplada siya, aba't, dadaanin ko na lang sa matamis na halik, baka sakaling magbago!" natatawang segunda ko. "Ang tanong, kung magpahahalik siya, sa ʼyo!" napapailing na gagad niya sa akin. "Dadaanin ko na lang sa sapilitan, Dude kung ayaw niyang magpahalik sa akin," wika ko, sabay tawa nang malakas. Ngunit tumigil ako sa pagtawa nang batuhin ako ni Hilton ng ballpen. "Loko! Baka, mas matapang pa 'yon, sa 'yo!" muling gagad niya sa akin. "Mabuti na rin 'yong matapang, Dude. . . Lalo na sa kama," sambit ko na muling tumawa, ngunit kalaunay tumigil din ako dahil masama na ang tingin ni Hilton sa akin. "Ehem!" tikhim ko. "V*rg*n pa pala ang isa rʼyan, kaya nagbago ang mood. Pero, alam mo ba, Dude na ang ganda at ang sexy ni Ms. Veron sa larawan. Kaso, baka magtampo sa akin si Mhiles kapag nalaman nʼya na ikakasal na ako dahil alam mo naman na malapit ʼyon sa akin," nag-aalalang pahayag ko dahil alam kong matagal nang may gusto sa akin si Mhiles.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.2K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.3K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
77.9K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.3K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.2K
bc

Dangerous Spy

read
311.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook