Umalis na ako sa mansyon ni uncle at sumakay na ako sa aking kotse.
Hanggang ngayon ay galit na galit ako sa aking nalaman at hindi na rin pala ako mahihirapan dahil malapit lang si Storm sa akin. Hindi ko lubos maisip na palay na ang lumapit, kaya ngayon pa lang ay humanda na si Storm sa akin.
Kaya tinawagan ko si Attorney Salazar.
"Hello, Attorney. Itutuloy natin ang kasal kaya bumalik kayo sa bahay at tawagan n'yo na rin si Storm, ngayon din," saad ko, sabay baba ng tawag dito.
Binilisan ko ang pagpatatakbo ng sasakyan. Halos paliparin ko iyon sa panggigigil dahil sa mga nalaman. Pero, hindi dapat ako magmadali dahil baka mabulyaso ang mga plano naming dalawa ni Uncle Matthias.
Pagdating ko sa aming mansyon ay nadatnan ko na sina Attorney Salazar at Storm doon. Mabuti na rin na maaga ang mga katulong dahil malinis na roon.
"Hello, soon to be My wife," ngiti na sambit ni Storm sa akin.
Ngunit ang pagngiti niya ay may halong nakaloloko. Kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Hihinga muna ako nang malalim, Attorney at babalik agad ako rito," matigas na wika ko.
"Okay, Hija," sagot nito sa akin.
Inirapan ko muna si Storm, bago ako dumiretso sa loob ng aking kuwarto.
Nagshower ako. Nagpalit ako ng lace sleeveless dress dahilan upang tumambad ang maputi at balbunin kong hita.
Kasama ito sa plano ko upang mapalapit si Storm sa akin. Pero, hindi ko alam kung kaya ko siyang sikmurahin.
Naglagay ako ng kaunting make-up sa aking chickbone. Nagpahid rin ako ng pink lipstick upang bumagay iyon sa aking suot.
Nag-spray ako ng pabango. Umikot-iikot muna ako para makita kong mabuti ang aking hitsura saka na ako lumabas.
"Okay, Attorney, umpisahan na natin ang ating agenda," saad ko.
Nilingon ako ni Storm. Tila nakakita siya ng anghel na nakaapak sa lupa. Subalit, napailing siya dahilan upang lihim akong mainis.
"Okay, Hija. Umupo ka na at umpisahan na natin," saad ni Attorney Umupo ako sa harapan ni Storm. Tila nang-iinis naman siya dahil sa pagpasada niya nangg tingin sa akin. "Heto ang mga dokumento, Veron. Basahin mo muna, sambit pa ni Attorney sa akin.
Inilabas nito ang mga ilang dokumento at ibinigay iyon sa akin.
Nakasaad roon na maibabalik lang sa akin ang kompanya kung magpakakasal ako kay Storm.
"Your ballpen, Attorney para matapos na ito," wika ko.
"Nagmamadali ka yata, Ms. Mondragon," ani Storm sa akin. "Mabilis ka pa sa bagyo kung pipirmahan mo agad iyan dahil hindi naman iyan ang contract marriage natin," pahayag niya dahilan upang mapalunok ako.
"Excuse me. Magbabanyo lang ako saglit," saad ni Attorney.
"Sige lang, Attorney. Dahil kanina ko pa napapansin na namumutla kayo. Baka, siguro sa kinain ninyo iyan kaya nag-a-alburuto na naman ang inyong tiyan," saad ni Storm. Ngumiti lang si Attorney Salazar at tumayo na ito upang tunguhin ang banyo. "So, Ms. Veron, ano na?" baling ni Storm sa akin.
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano? Sarap pilipitin ang leeg niya.
"What do you mean na mas mabilis pa ako sa bagyo? Bakit, ano ba'ng gusto mo, ha?" sarkastiko na untag ko sa kanya.
"What if I want to have a child with you?" ani Storm.
Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Storm sa akin
"What if I don't? What will you do?" matapang kong wika sa kanya.
"I will not return your company," seryoso na sambit ni Storm sa akin.
"Tssk!" asik ko. Pinagcross ko ang dalawang hita ko dahilan upang mapatingin si Storm doon. Ngunit agad rin niyang binawi ang tingin. "Bigyan mo 'ko ng ilang buwan, Mr. Salvador at bibigyan kita ng anak, kahit football team pa 'yan. Pero, ang alam ko ay wala iyan sa sulat ng aking papa," maawtoridad na saad ko sa kanya.
"Wala nga, Ms. Mondragon but I want that to happen. Because I am now the owner of the Mondragon Building," ngisi na pahayag niya.
Tumayo si Storm. Naglakad-lakad siya sa aking harapan. Ngunit pinaikutan ko lang siya ng dalawang mata ko.
"Okay. I' ve heard that before kaya huwag mo nang ulitin. And one more thing, Mr. Ceo, pumapayag ako sa gusto mo basta't pirmahan mo kaagad ang papeles na naglalaman na ibinabalik mo na sa akin ang kompanya," wika ko.
Umiling si Storm pagdakay ngumiti siya nang nakaloloko sa akin.
"I'm not stupid to do that, Ms. Veron," saad niya sa akin. Naglakad siya palapit sa akin, saka siya bumulong dahilan upang magsitayuhan ang mga balahibo ko. "Alam kong matalino ka, pero mas matalino ako, sa 'yo. And do you think na gusto ko talagang magkaanak, sa 'yo, ha? That will never happen dahil hindi ko pinangarap na ikaw ang maging ina ng mga anak ko, Ms. Mondragon. Sinabi ko lang naman 'yon to see your reaction," pahayag ni Storm sa akin na dahilan upang mainis ako sa kanya.
Umayos ng tayo si Storm. At naglakad na siya pabalik sa kinauupuhan niya at tumitig siya s akin.
Nagngingitngit talaga ako sa inis kaya tumayo ako. Tinungo ko ang kusina upang uminom ng tubig.
Huminga ako nang malalim nang matapos kong inumin ang isang baso ng tubig.
"Napakayabang talaga ng lalaking 'yon!" sigaw ng isipan ko.
"Baka, mabasag 'yang basong hawak mo, Ms. Veron dahil sa higpit ng pagkahahawak mo," sambit ni Storm sa aking likuran.
Nadagdagan na naman tuloy ang pagkainins ko sa kanya.
Nilingon ko siya. "Sinundan mo ba ako, ha?"
"Napaka-assuming mo naman," sarkastiko na ani Storm sa akin. "Hindi kita sinundan, kundi ay gusto ko ring uminom. Kaya, makikiinom ho ako, Mrs. Salvador," pang-iinis pa niya sa akin.
"Masakit sa tainga," segunda ko na tinalikuran na siya.
Bumalik ako sa aking kinauupuhan at pabagsak kong ipinatong ang babasaging baso sa ibabaw ng mesa.
Muli akong huminga nang malalim at lihim na pinukulan ng masamang tingin si Storm.
"I know, you're staring at me," sambit ni Storm, kahit nakatalikod siya sa akin.
"Wala ka naman sigurong mata sa likod, 'no? Saka, huwag ka ring assuming na tinititigan kita, dahil likod mo pa lang, nakasusuka na! Walang-wala ka sa mga lalaking hunks na gusto ko! Tssk!" asik ko.
Humarap si Storm. Pinasadahan niya ako nang tingin saka rin siya bumalik sa kinauupuhan niya kanina.
"Hindi ko rin naman kasi pinangarap maging hunks dahil alam kong iyon ang mga tipo mo. Model ka, natural lang na gano'n mga magugustuhan mo. Alangan namang kasing-payat ng palito ang iyong magugustuhan, right? And I have my own charm na alam kong suwak sa panlasa ng ibang babae," ngisi na aniya sa akin.
Magsasalita pa sana ako nang dumating si Attorney Salazar. Umupo na rin ito sa aming harapan.
"So, umpisahan na natin," saad nito.
"Make sure Attorney na hindi na sagabal ang pag-alburuto ng puw*t mo," natatawang sambit ni Storm.
"Pinagsabihan ko na, Mr. Salvador. So, Punta na tayo sa ating usapin. Heto ang mga dokumento na pipirmahan ninyong dalawa upang kayo ay ganap na mag-asawa," paliwanag nito sa amin.
At nilabas nito lahat ng mga dokumento na pipirmahan namin.
May nilabas din si Storm. Isang kulay asul na maliit na kahon iyon.
"Biglaan man, pero hindi ko pa rin nakalimutan ang magiging simbolo ng ating kasal," pahayag niya sa akin.
"Ang dami mong arte , Mr. Salvador," gagad ko. "Pumirma ka na para matapos na ito at para maaalis ka na rin," dagdag ko pa.
"Mag-asawa na tayo maya-maya kaya sa akin ka na titira, Ms. Mondragon," wika ni Storm dahilan upang magsalubong na naman ang mga kilay ko. "Nakasaad lahat 'yan sa pipirmahan mong dokumento," saad pa niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako. "Akin na lahat ng pipirmahan, Attorney para makauwi na kami ng aking magiging asawa sa bahay niya. Pero, nakasaad rin ba rito na makikipagsxx ako sa kanya?" matigas kong untag kay Attorney Salazar dahilan upang tumawa nang malakas si Storm.
Tumigil siya sa pagtawa. "No need na isama iyon ni Attorney sa dokumento, Ms. Mondragon. Dahil natural lang naman talaga na gagawin iyon ng mag-asawa."
"Malay ko, kung ipinalagay mo, hindi ba?" sarkastiko na saad ko.
Kinuha ko ang mga dokumento kay Attorney Salazar. Binasa ko lahat ng mga iyon. Humugot ako nang malalim na hininga saka ko na pinirmahan ang mga dapat na pipirmahan.
Pagkatapos ay ibinigay ko na iyon kay Storm. Kinindatan pa niya ako dahilan upang lalo akong magngingitngit sa inis.
Matapos pirmahan ni Storm ang mga dokumento ay tumayo siya , saka muling lumapit sa akin.
"Wife," sambit niya. Lihim naman akong napalunok. Binuksan ni Storm ang maliit na kahon. Kinuha niya ang magkaparehang singsing. Isinuot ang isang singsing sa kanang kamay niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko. At isinuot niya sa akin ang kapareha ng kanyang singsing. "Bagay na bagay sa 'yo, Wife," nakangiti na sambit pa niya sa akin.
Akala ko ay iyon lang ang gagawin ni Storm. Ngunit yumukod siya, sabay halik sa aking labi, kaya nagtaasan ang aking mga balahibo.