CHAPTER 04

1545 Words
CHAPTER 04 Paggising ko ay nanibago ako sa paligid. Usually kapag ganito na gigising ako ay ang maririnig ko ay ingay ng sasakyan o mga tao na nag-uusap, pero ngayon ay tahimik. Hindi ko alam kung babangon na ba ako o mananatili muna na nakatihaya sa higaan ko. Wala pa akong pasok kaya hindi pa ako pinuntahan o ginigising ni Yaya. Ganito ako eh, kapag walang pasok ay maaga akong nagigising pero kapag meron, asahan na lang talaga na matagal akong bumangon, saka na ako susunod kapag si lolo na ang gigising sa akin, tatakutin ba naman ako na babawasan ang baon ko na pera. Sinilip ko muna ang cellphone ko at alas otso pa lang ng umaga. Mabuti na lang at may wifi pa rito at hindi ako maboboring kapag nanonood ako ng movie o di kaya magbasa ng novel stories. Mamaya ko na tatawagan si lolo dahil baka busy pa siya ngayon, nagtetext naman siya sa akin kapag hindi na siya busy at pwede ko ng kausapin. Narinig kong may nagbukas ng kwarto ko at naghintay ako ng sandali kung sino iyon kahit may idea na ako. “Gising ka na pala, iha. Good morning sa'yo. Ano? Gusto mo na bang mag-almusal? Ihahanda ko na? Kukunin ko lang ang mga damit mo na lalabhan ko, para maisampay ko na mamaya.” Ani ni Yaya. Ngumiti ako sa kanya. "Tapos na po ba kayong kumain? Mamaya na po, nanibago pa kasi ako ngayon sa bahay. Kaya tinatamad akong bumangon.” Sabi ko at umunat muna ng katawan at pinikit ang mga mata. Maybe 15 minutes bago bumangon. “Sa bagay, ganoon din ang nangyari sa akin kanina, naninibago ako, sa bahay niyo kasi sa Maynila ay sobrang malapad, dito naman ay simple lang pero maganda naman.” Aniya. "True po, nariyan na po ba ang mga trabahador po? Gusto ko pong kumain ng prutas na galing mismo sa puno, yung nakikita ko mismo kung paano siya pinipitas po.” “Hindi ko lang alam iha, ha, itanong natin mamaya kay kuya Saimon mo. Hindi pa kasi ako lumabas ng bahay paggising ko, nagtungo na agad ako sa kusina at nagluto na ng almusal para hindi na magluluto si nanay. Mamaya pala uuwi muna siya sa isa pa niyang bahay dito para bantayan muna ang apo niya sa tuhod. Malapit lang naman dito ang bahay nila kaya tayo lang tatlo ang narito.” Bigla naman akong na lungkot na aalis pala si Lola, akala ko pa naman na magstay muna siya rito ng matagal. Mukhang mabait at magandang kausap si Lola Remediosa. Di bale, kung alam ko na ang pasikot-sikot na daan dito ay pupuntahan ko na rin kung saan ang tinutukoy ni Yaya na bahay ni Lola. Tamad mang bumangon pero kailangan, natatakam ako sa mga prutas na nakita ko sa labas ng bahay kahapon kaya gusto kong pumitas. “Yaya, okay lang ba na pumunta sa farm malapit sa atin? Gusto ko kasing kumuha ng prutas na galing mismo sa puno niya." “Gusto mo iyon? Meron sa lamesa at bagong pitas daw iyon kanina, sabi ni kuya Saimon mo." Umiling ako kay Yaya. “Gusto ko po sana iyong galing mismo sa puno Yaya, please. Hindi naman ako mawawala dahil malapit lang din naman po, para na rin masanay ako sa lugar dito sa probinsya, you know." Lambing ko. “Sige, ikaw ang bahala basta huwag lang lalayo tulad ng habilin ng Lola mo iha at ako ang malilintikan. Ayoko naman na laging nakabuntot sa iyo, dahil ayaw mo iyon dahil malaki ka na kaya iyan na lang ang tanging masasabi ko sa'yo na mag-iingat ka. Huwag lumayo at baka saan-saan ka na makakapunta at baguhan ka pa lamang dito. Naiintindihan?” Mas lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi ni Yaya Bebang na parang nanay ko na. Hmm, baka nanay ko talaga siya pero ayaw lang sabihin? Charr. “Thank you Yaya for always reminding me regarding that matter, don't worry good girl po ako dito sa probinsya. Pangako.” Sabi ko sabay sumpa at napailing na lang si Yaya sa akin. Agad akong naligo at dahil mainit ang panahon ngayon kaya kailangan ng balat ko ng maraming sunscreen for protection, maputi ang balat ko at ‘pag nakatapat na sa araw ay sobrang namumula na pagkatapos. “Kumain ka muna bago ka lumabas ng bahay iha, and don't forget your medicine." Paalala ni Yaya sa akin kaya agad ko namang kinuha ang medicine ko sa bag at bumaba na sa hagdanan, pero bago pa ako tuluyan na bumaba ay nahagip ko ang kulay pinto na black na malapit lang sa kwarto ko. Sino kaya ang may-ari niyan? Mag-asawa yata sa bahay na ito? Bakit kulay black? Dahil gusto lang? Hindi ko na pinansin at alam ko naman na hindi alam ni Yaya iyan dahil ngayon lang siya nakapunta rito sa probinsya. Pagbaba ko ay naabutan ko si kuya Saimon na naglalagay ng bagong prutas sa basket. “Good morning po, kuya!" "Ikaw pala, gusto mo bang kumain nitong avocado l mangga? Magbabalat ako?” "Ako na po, hihingi lang po ako ng isang avocado, gawin kong palaman sa bread. Dadalhin po ba iyan ni Lola sa bahay nila?” Tanong ko kay kuya habang namimili ako ng avocado na hinog na, iyong iba kasi ay hilaw pa. "Oo, uuwi na muna siya sa kabilang bahay.” “Nasaan po si Lola?" “Nasa kwarto niya pa at nagliligpit ng mga dadalhin niya." "Ganoon po ba? Pwede pong sumama paghatid kay Lola sa bahay nila?” Tanong kong nagbabakasakali. “Pwede naman, kumain ka muna bago tayo umalis. Huwag kalimutan ang gamot mo pagkatapos kumain." Lumapad naman muli ang ngiti ko kasi si Yaya at si kuya talaga ang concern palagi sa akin, lagi akong pinapaalala na akala mo isa pa akong puslit, kahit isa na akong ganap na dalaga ay maalaga talaga sila sa akin lalo sa mga kinakain ko at mga gamot. Minsan kasi, nagkaroon ako ng panic attack kaya kailangan ko ng gamot na nakahanda kapag nasa bahay o di kaya ‘pag lumabas. Agad akong kumain habang naghihintay kay Lola. “Oh apo, ang aga mo namang nagising. Nakatulog ka ba ng mahimbing?" Tumayo ako at nagmano kay Lola, ito kasi ang laging tinuturo ni lolo sa akin na maging magalang sa mga matatanda, maybe I'm a brat person pero nakadepende ang ugali ko sa mga taong nakakasalamuha ko and they are okay naman, so I respect them. “Namamahay lang yata Lola or dahil po maaga akong nakatulog kagabi, first time ko kasing nakatulog ng ganon kaaga unlike na nasa Maynila ako.” sabi ko. "Ah kaya pala, sa bagay may pubto ka rin, malamang iyan ang rason iha. Magpapaalam na muna ako, total may magbabantay naman dito sa bahay at kayo iyon iha, kaya sa inyo ko muna ipag-ubaya ang bahay na ito, huwag kang mag-alala apo at baka iyong anak ng may-ari dito ay makadaan o magbakasyon dito sa probinsya, sa kanya iyang kulay itim na kwarto.” Bumaling ako sa pangalawang palapag na itinuro ni Lola na kwarto. Gusto ko sanang itanong kung lalaki ba o babae ang may-ari niyan kasi why not, maraming mga babae na mahilig sa black at isa na ako roon pero ayoko na lang magtanong at gusto kong ma surprise kung kanino ang kwarto na iyan. Malalaman ko rin naman pala sa hindi katagalan dahil bibisita raw, sana hindi siya masungit kagaya ko dahil baka forever ghost hunted ang bahay na ito. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan na tingnan ang mga halaman at puno na madadaanan namin at talagang na aamaze ako. Halos kulay green and brown ang nakikita ko kaya ang gandang pagmasdan ang paligid. Madalang lang din ang mga sasakyan at hindi puro busina ng mga kotse ang maririnig ko. “Ilang taon na po kayo nakatira dito Lola?” Tanong ko, nasa likod si Lola at ako naman ay nasa harapan nakaupo. "Ay simula pagkabata apo, nandito na talaga ko at ewan ko ba kung bakit hindi ko maiwan-iwan ang probinsya namin, ” sambit niya. "You mean hindi ka nakapunta sa ibang lugar sa Pilipinas po?” "Nakapunta naman pero bakasyon lang o di kaya kapag may okasyon na importante sa pamilya saka pa ako lumuwas, pero binabalikan ko pa rin dito.” Paliwanag niya. Napangiti ako, mabuti pa si Lola kayang manatili sa isang lugar, ako kaya? Kailan mangyayari? Gusto ko rin kasing manatili sa isang lugar na hindi ko kailangan magtago kung meron man akong kaaway o pinagtataguhan. Habang nasa biyahe ay nakapikit ang mga mata ni Lola, kaya hinayaan ko na lang habang si kuya Saimon naman ay tahimik lang na nagmamaneho, ayoko ko ring magtanong sa kanya ng kung ano-ano at baka magising si Lola Remediosa. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay ni Lola ay may nahagip ako na lalaking nakasakay ng kabayo. Kanina tumatakbo ito pero dahil magkasalubong kami ng daan kaya naglakad na lang muna ang kabayo habang sakay pa ang lalaki. Mas lalo kong nilapit ang ulo ko sa pintuan ng sasakyan para masilip siya at bago pa kami lumampas sa isa't-isa at dahil hindi naman tinted ang sasakyan namin kaya nagkatinginan kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD