CHAPTER 03
Ang Bilyonaryong Kargador
Agad akong lumabas sa sasakyan pagkarating sa bahay na tinutukoy nina Yaya Bebang at kuya Saimon. Malawak na garden at ayon sa nakikita ko ay maraming pananim o mga puno na naroon, meron pa akong nakita na malapit ng ma hinog na prutas, kagaya na lang ng mga papaya, mangga at strawberries. Meron din akong nakikita na ibang bunga ng puno o prutas na bago lang sa paningin ko.
“Wow!" Tanging nasabi ko. Malawak na garden at fresh na hangin, pasado na ito sa akin. Marami rin akong nakikitang mga bulaklak.
“Nagustuhan mo ba, iha?" Tanong ni Yaya sa akin. Ngumiti ako para hindi sila mag-alala sa akin. Hindi naman ako mapili, depende lamang.
“Hmmm, hindi na masama dahil may mga ganito dito sa probinsya Yaya Bebang, pero yung tanong mo kung nagustuhan ko? I don't know, ngayon palang tayo dumating kaya hindi pa ako sure kung oo o hindi ba ang sagot ko but, let's see po sa mga susunod na araw at sana tama nga kayo ni kuya na magugustuhan ko rito, sana lang." Saad ko.
Binaba na ni kuya Saimon at Yaya Bebang ang mga kagamitan namin, tumulong na rin ako at ang dinala ko ay ang backpack ko na kulay black at ang malaking teddy bear ko, hindi kasi ako makakatulog sa gabi kapag walang kayakap na malaking teddy bear kaya dinala ko na kaysa bumili pa ako ng bago.
Naglakad pa kami patungo sa hindi naman mala mansion na bahay, walang gate at talagang nag-iisa lang ang bahay na narito.
“Hindi po ba nakakatakot dito? Kasi po parang ito lang po ang bahay, nasaan ang iba?" Wala sa sarili ko na tanong habang binabagtas namin ang daan.
“Medyo malayo ang mga kabahayan dito ma’am dahil itong lupa na sakop dito ay isa lang ang nagmamay-ari, kaya bawal po na may ibang magpapatayo ng bahay na malapit dito." Paliwanag ni kuya Saimon sa akin.
"Ganoon po ba? Boring naman kung wala talagang mga bahay dito po, paano kung busy kayo at gusto ko na may kausap? Alangan naman pong kakausapin ko ang mga puno at halaman na narito po,” sabi ko kaya narinig ko silang tumawa kaya ngumuso ako.
Funny ha.
“Ayos lang iyan ma’am, ganito talaga kapag nasa probinsya, may mga bawal din na dapat sinusunod ang mga tao rito. May hectare din naman dito na libre lang na tinitirhan ng mga tao, lalo na iyong mga magsasaka at kargador na dito na rin nagkaroon ng pamilya ay may libreng tahanan. Malay niyo po ma’am, magkakaroon din po kayo ng mga kaibigan sa bagong school niyo na malalapitan.”
"Sana tama kayo Yaya Bebang, sana hindi sila katulad na mga naging kaklase ko sa Maynila na parang masamang tao ako sa paningin nila.” Sabi ko at agad nagkatinginan sina Yaya at kuya.
"Huwag kang mag-alala iha, hindi naman lahat ng tao sa mundo ay masama, kaya naniniwala ako na may lalapit din sayo para maging kaibigan mo. Malay mo, baka dito pala sa probinsya mo siya makikita.”
"Salamat po kuya.” nakangiti kong saad kay kuya Saimon. Lagi nilang pinapagaan ang loob ko. Tinuturing ko na rin kasi silang kapamilya.
May nakita akong maliit na kubo malapit sa likuran ng bahay kung hindi ako nagkakamali, titingnan ko iyan bukas kung may oras na ako, parang ang sarap tumambay doon eh, sa susunod na buwan pa naman ako pupunta sa bago kong lilipatan na school kaya pwede pa na magtour muna ako rito sa bahay para masanay ako sa lugar na kagaya nito.
Napapansin ko lang na magkaiba ang ihip ng hangin, pakiramdam ko naka aircon ako at hindi siya nakakasuffocate sa ilong ko.
Pagkarating sa harap ng pinto ay kumatok muna kami sa bahay at may nagbukas sa amin na matandang babae. Ngumiti si Lola sa amin at ako naman ay nakamasid lang sa kanya pero dahil lagi ko naman itong ginagawa kay lolo kaya lumapit ako sa kanya at nagmano.
“Kaawaan ka ng Panginoon apo. Saimon! Sila na ba ang tinutukoy ng amo mo na apo ng governor?” Tanong ni Lola kay kuya.
Lumapit rin sina kuya at Yaya kay Lola para magmano.
“Opo, Lola, ito po ang apo ni Don Vicente na rito muna titira sa probinsya natin.” Ani ni kuya. Mas lalong lumapad ah ngiti ni Lola.
"Ganoon ba, sige kayo, pasok…pasok kayong lahat, ang gandang bata naman nito, kahawig niya talaga si-’"
“La, saan po ang kwarto ng alaga ko?" Putol ni Yaya sa sasabihin sana ni Lola Remediosa sa akin. Bumaling ang matanda kay Yaya at nangungusap ang kanilang mga mata. Ngumiti si Lola at binalik ang attention sa akin.
Saan ba ang gusto mo, iha? Sa taas o sa baba ka matutulog? May balcony sa may kwarto mo kaya maganda rin doon, huwag kang mag-alala dahil malinis na ang lahat ng kwarto kung saan ang balak mong matulog, ikaw na lang ang pipili kung saan kayo matutulog, basta malinis na iyon.
Dahil tama nga si Lola na may kwarto sa taas kaya napagdesisyonan ko na sa pangalawang palapag ang kwarto ko tulad sa kwarto ko sa Manila.
“Mas gusto ko po sa taas Lola, gusto ko po ng fresh air kaya iyon po ang napili ko,” sabi ko.
“Sige apo, tatlong kwarto meron doon at ‘yong dalawa na may kulay white lang ang pagpipilian mo kasi yang makikita mo roon na kulay black na pinto sa gitna, pag-akyat mo ay may-ari na iyan.” Sabi ni Lola kaya hindi na ako nagtanong kung kanino dahil hindi naman siya ka interesado kung sa baga. Nandito ako para sa sarili ko at hindi na kabilang doon kung kanino ba talaga ang bahay na ito, sino ang nagmamay-ari ng mga kwarto at itsitera sa kung anong meron dito sa probinsya.
Focus ako ngayon sa sarili ko at sa pag-aaral.
Hindi na ako hinayaan ni kuya Saimon na tulungan ko sila sa pag-akyat ng mga gamit ko. Isa kasi sa dahilan ay hindi ako pwede sa mga mabibigat na bagay, may naalala kasi ako pero hindi ko man lang matukoy kung ano iyon. Basta ang alam ko lang, nagwawala na ako at doon pa lang mawalan ng malay kapag hindi ko na kaya.
Pagkatapos mailagay ni kuya Saimon ang mga gamit ko sa sariling kwarto ay agad akong umakyat para maligo bago kumain. Si Yaya naman ay yung ibang mga gamit ay nilagay niya na sa aking closet at iyong iba ay pwede namang bukas pa.
Maraming kinikwento si Lola sa amin habang nasa hapag-kainan kami, matagal na raw siyang naninilbihan sa bahay na ito, magkakamag-anak naman sila pero hindi talaga sila ang maituturing na may kaya noon, dahil simple lang ang gusto ni lola na pamumuhay kaya imbes na ipakilala niya ang sarili sa buong hacienda na parte rin siya sa pamilya na ito ay tahimik lang siyang naninilbihan, hanggang nakaalis na sa ibang bansa ang totoong may-ari ng bahay at malaki na ang anak na mga binabantayan niya, kaya parang sa kanila na rin itong bahay, si Lola at ang apo niya ay si kuya Saimon, may mga kapatid naman si kuya pero nasa ibang probinsya rin nakatira, habang nag-uusap sila ay ito naman ako at nakikinig lang. Hindi ko akalain na may tao pala na sobrang humble sa usapang kayamanan, iyong mas gugustuhin pa na tumira sa simpleng pamumuhay kaysa ipaalam sa mundo pero ako?
No comment muna. Hays.
Isa pa sa nalaman ko na may mga pumupunta naman daw dito sa hacienda lalo ngayon na tagpitas na ng mga prutas na nakikita ko kanina sa labas at iyong iba ay hinog na hinog na, kaya kailangan na rin nilang ma harvest kaysa mauna pa ang mga insekto. Dahil sa naisip na mangyayari bukas ay tila na eexcite na nga ako na may makilala ako na bagong kaibigan kinabukasan, sa tingin ko ay mababait lahat ng mga tao rito sa probinsya.
Isa na sa halimbawa ay si Lola Remediosa at apo nitong si kuya Samuel. Sana may makilala pa ako na iba lalo sa katulad ko na edad.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ko habang bitbit ang baso na may gatas, pinapunta ko na si Yaya sa kanyang kwarto para makapagpahinga na rin at bukas na tatapusin ang pagliligpit ng mga gamit ko. Medyo, marami pa naman iyon.
Kinuha ko ang cellphone ko at magbabasa na muna ako ng nobel story, isa kasi ito sa pampaantok ko. Lumapit ako sa balcony para doon ko ipagpatuloy ang pag-inom ng gatas habang nagbabasa, tinawagan ko na si lolo at nasa maayos naman siya ngayon na kalagayan at tulad ko, namimiss niya rin ako pero kailangan naming magtiis muna.
Habang nasa balcony ako at nakaupo sa recliner ay may naamoy akong shower gel, hindi ito ang amoy ng shower gel ko, panlalaki ang naamoy ko ngayon, nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan at baka kay kuya Saimon lang iyon. Nasa baba kasi natutulog si Lola, Yaya at kuya, may mga sariling kwarto rin sila at ako lang ang nasa itaas.
Hindi naman ako natatakot at mas lalong nagustuhan ko pa na ako lang mag-isa, dahil walang disturbo kung sa baga.
Kapag nasa City ako ay ganitong oras na alas-otso pa lang ay hindi pa ako nakakatulog, pero ng dahil yata sa mahabang biyahe kaya ramdam no na agad ang antok.
Pagkatapos maubos ang gatas ko ay pumasok muna ako sa banyo at maya-maya ay saka pa nahiga sa kama. Hindi pa umabot ng ilang minuto ay agad naman akong nakatulog ng mahimbing at hindi na dinadalaw ng masamang panaginip.