CHAPTER 05
ANG BILYONARYONG KARGADOR
Tinulungan ko si lola Remediosa na bumaba ng sasakyan. Dahil may katandaan na kaya meron na siyang hawak na baston.
“Salamat apo, ang bait mo naman na bata." Aniya kaya napangiti ako.
“Hindi po ako mabait Lola, depende po iyon sa nakakasalamuha ko at dahil mabait po kayo kaya mabait din po ako sa inyo at kay Yaya at kuya Saimon,” saad ko sa kanya kaya narinig ko siyang tumawa.
“Good job iyan apo, huwag kang magpapaaapi at mas lalo mong gagalingan kapag may nang-iinsulto sa'yo at nanakit sayo. Nariyan naman si kuya Saimon mo.” Aniya kaya tinandaan ko ang mga habilin ni Lola sa akin.
Pumasok kami sa isang bahay na naroon, may mga bahay din kaming nakikita sa bawat kalye at may nakita nga akong mga bata na panay tingin sa amin at kumakaway pa ang iba, ganito raw kasi sa kanilang lugar, kapag may bagong dating na galing sa ibang bansa o Manila ay akala nila artista ka kahit hindi naman.
Pinakilala ako ni Lola sa mga kamag-anak niya at akala ko saglit lang ako sa lugar nila pero hindi ko napansin na napatagal ako ng uwi dahil nanatili pa ako sa bahay ni Lola Remediosa na kung saan naroon nga ang kanyang apo sa tuhod.
“Hi baby!" Nakita ko kung paano kumukurap ang kanyang maliit na mukha at natutuwang nakatingin sa akin habang gumagalaw ang kanyang mga paa at kamay. “Gusto yatang magpakarga sa akin Manang Che." Tukoy ko sa ina ng bata. Yung asawa ni manang ay nasa prutasan daw sa lupa na tinutuluyan namin at tumutulong sa paghaharvest ng mga prutas ngayong araw para maideliver na sa kabilang bayan.
Kaya mamaya na ako magpaalam na uuwi dahil naaaliw pa ako sa bata. Malakas itong napahagikhik ng tawa dahil sa nilalaro ko pa ng bulagaan.
“Aba! Ang apo ko na iyan, kanina pa tumatawa, aliw na aliw sa kanyang bagong tita." Napangiti ako kay Lola Remediosa habang may dalang gulay para lulutuin.
"Kaya nga Lola, kanina pa itong bata na ito. Naaaliw nga ako na makita siyang ganyan. Kagabi, iyak ng iyak pero ngayon, simula na dumating kayo ay ayaw pang matulog, lalo at nandito si Sunny Flor.”
"Nararamdaman niya siguro na paalis na ang kanyang bisita kaya ayaw na munang matulog, ang baby boy na iyan, ang baby pa, alam ng tumingin ha,” saad ni Lola kaya napangiti na lang kami ni manang Che. “Tingnan mo may pa holding hands pa na parang ayaw bitawan ang kamay ng dalaga namin." Dagdag pa niya.
Dahil naaaliw ako sa bata kaya hindi na muna kami umuwi sa malaking bahay ni kuya Saimon. Doon na rin ako kumain ng tanghalian at sa buong buhay ko ay ngayon lang ako kumakain ng kanilang lutong-bahay at so far nagustuhan ko naman ang lasa, lalo ang malunggay sa may gata. Meron ding isdang prito at porkchop kaya busog na busog ako.
Pagkatapos naming kumain ay balik kulitan na naman kami ng kanilang anak ni manang Che na si Briar ang pangalan, ang sarap kasing dalhin sa bahay para doon na sila manirahan pero ayaw nila, hindi sanay ang bata sa malaking tahanan kundi maliit lamang kaya wala silang magawa kundi ang ibalik na lamang dito at naging maayos naman. Namimili pala ng lugar ang batang ito. Alam niya siguro na hindi nila pagmamay-ari ang tinutulugan niya na kabilang bahay kaya ayaw doon, ang talino naman ng batang ito.
Alas dos ng hapon na bumiyahe kami ni Kuya Saimon, mamayang gabi pa sana balak ko na umuwi pero ayoko namang maiwan ng mag-isa lang si Yaya sa bahay lalo at first niya rin na nakapunta sa probinsya. Baka malungkot iyon. Babalik na lang ako sa bahay ni Lola Remediosa kung namimiss ko sila lalo si baby Briar.
Binaba ko ang bintana ng sasakyan para makalanghap ng sariwang hangin. Hindi naman ito masyadong city na puro usok ng sasakyan ang malalanghap ko.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko at agad ko itong kinuha sa maliit ko na sling bag na dala at sinagot.
“Hi lolo! Kumusta po?" Bungad ko sa kanya. Namimiss ko na naman ang lolo ko. Binuksan ko ang camera para makita siya.
“Apo? Maayos naman ako, huwag kang mag-alala sa akin, ikaw diyan kumusta ang unang araw mo?” Masayang tanong ni lolo habang ka video call ko siya. Nasa library ito at may hawak na naman na ballpen sa kanyang kanang kamay. Sobrang busy naman ng lolo ko.
"Ito lolo, nag-aadjust pa po sa pinagdalhan niyo sa akin. Sana umabot po ako rito ng one week lolo,” ani ko.
"Sa tingin ko aabot ka riyan ng one year.”
"Lolo naman!”
"Tiwala lang apo, tiwala lang, okay? I miss you so much. Kapag wala ng masyadong mga trabaho dito sa Maynila ay baka bibisitahin kita ryan kaya huwag kang mag-alala. Anyway, malapit na ang pasukan niyo, para hindi ka manibago sa lugar, pwede kang magpasama sayong Yaya and kuya Saimon para bisitahin ang bagong university mo.” Wika ni lolo kaya ngumuso ako. I hate school pa naman dahil marami akong bully na classmates o schoolmate man yan dati and I hope wala na ngayon dahil bago na naman ang school ko.
“Sige po lolo, and don't forget to buy me more school supplies po. Okay?”
"Alright, apo. Ikaw pa ba. Just let me know kung ano pa ba ang bibilhin ko para sayo,” aniya kaya mas lumapad lalo ang ngiti ko. Si lolo talaga hinahayaan lang ako lagi na maging spoiled sa kanya.
“Thank you lolo, the best ka talaga. I love you po.”
"I love you din apo, don't forget to take your medicine after your meal, okay?” Paalala niya.
“Always po lolo, dala-dala ko po s'ya lagi, nasa bag ko ngayon po, pauwi pa lang kami ni kuya Saimon, galing kami sa kabilang-bayan, hinatid namin si Lola Remediosa and I'm having fun with their apo lolo, sobrang cute po." Sumbong ko sa kanya.
“Really? That's good to hear apo at nagkaroon ka na ng bagong kaibigan diyan pero habilin lagi ng lolo ha, huwag sumama sa hindi mo pa masyadong ka kilala lalo kapag lalaki. Okay?"
“Yes lolo, thank you po sa paalala." Saad ko at ilang minuto na pag-uusap ay nagpaalam na ito sa akin dahil may asikasuhin.
Malapit na kami sa malaking bahay na natatanaw ko na ang sinasabi nila na tauhan para kumuha ng mga prutas para ibenta sa bayan.
Pagkatapos mag-park ni kuya ang sasakyan sa garage ay bumaba na rin ako. “Punta muna ako roon kuya, hihingi po ako ng prutas." Sambit ko at lumingon si kuya sa tinuro ko.
“Sige, iha. Balik ka agad pagkatapos mo." aniya.
“Okay po. Salamat, pakisabi kay Yaya Bebang na saglit lang po ako.” Ani ko at lumabas na ako ng gate habang binabagtas ang daan patungo sa mahigit sampung tao mapababae man o lalaki yata sila na naroon para tumulong sa pagharvest ng prutas. Marami na nga ang mga hinog sa mga puno kaya marami rin sila rito.
Bigla tuloy akong nagsisisi kung bakit ako lumapit na wala si Yaya na hindi ko kasama bigla akong nahiya dahil napahinto ang iba sa kanilang ginagawa habang nakatingin sa akin. Baka aawayin nila ako?
“Hello po," bati ko sa kanila habang nakangiti at baka sabihin nila masungit ako, kakarating ko lang.
“Hala! Artista ka ineng?" Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ng isang ginang. Umiling ako bago sumagot.
“Hindi po, nagbabakasyon lang po ako rito.” Sabay silang tumango dahil siguro may alam na sila.
“Ang ganda mo naman. Anong ginagawa mo rito?"
“Thank you po, maganda rin po kayo, sabi ni kuya Saimon na pwede raw po makahingi ng prutas dito. Gusto ko po sanang makahingi, yung galing mismo sa puno. Yung bagong pitas po." Sabi ko sa kanila habang naglalagay ng mga mangga sa sako.
“Ang lahat ng bagay ay dapat pinaghirapan at kung gusto mong makuha ang isang bagay ay dapat paghirapan mo itong kunin.” Nagulat ako na may biglang nagsalita sa likuran ko kaya agad akong lumingon para makita kung sino ito at kung ako ba ang sinasabihan ng boses lalaki na narinig ko.
Tumaas ang kilay ko sa isang binata at sa pagtitig sa kanya ay nakilala ko siya sa mukha. Ito ‘yung lalaking nakasakay kaninang umaga sa kanyang kabayo.
Nakatopless ito at may nakalagay lang na damit sa kanyang balikat.
“Well, pasensya ka na, hindi ako marunong umakyat." Katwiran ko.
“Then gumamit ka panungkit, easy," masama ang ipinukol ko na tingin sa kanya. Malay ko ba naman ano ang ginagamit pagkuha.
“I don't know how to use it either." Pagdadahilan ko pa.
“Eh di magpaturo ka!" Bumuga ako ng hangin, naiinis ako sa lalaking ito. Pwede naman siyang kumuha ng prutas at ibigay sa akin ng kusa or else turuan niya na ako agad kaysa ganyan pa siya nakipag-usap sa kin. Akala mo naman gwapo, nakataas naman ang kanyang kulot na buhok na kulay brown. Tsk.
“Eh, di turuan mo ako!" Pagmamaldita ko habang nakapamewang.
“Lance, bagong dating lang iyan galing sa Maynila at baka walang alam gaya ng ganito kaya intindihin mo na lang at baka mag-aaway pa kayo niyan. Iha, pasensya ka na. Marami naman dito na napitas na, pwede ka namang pumili." Ani ni manang Susa, iyon ang binanggit niya kanina na pangalan.
“Pero gusto ko po ang bagong pitas galing sa tree po."
“Ang arte, pareho lang naman sila." Narinig kong sabi ng lalaki.
“Eh sa gusto ko, paki mo ba!" Galit ko na sagot habang nakapamewang. Mukhang masisira yata ang hapon ko sa lalaking ito, samantalang ang saya-saya ko sa apo ni Lola Remediosa kaninang umaga tapos ngayon… grrr.
“Kakapitas lang iyan, huwag kang mag-alala, nariyan pa ang vitamins kung iyan ang pinoproblema mo."
“Ako na po ang magtuturo sa ‘yo, Miss. Madali lang naman." Sambit ng lalaking kakalapit lang sa gawi namin. Ngumiti ako sa kanya, buti pa ito approaching at wala pang problema. Walang reklamo tulad ng isa riyan kung makatingin sa amin, gusto akong suntukin.
“Thank you ha! Gusto ko rin malaman kung paano gawin o kumuha ng prutas galing sa puno, medyo malayo na kasi sila oh, dahil napitas na itong mga nasa ilalim." Sabi ko at nakita ko kung paano namula ang pisngi niya at napakamot sa kanyang batok.
“A– walang anuman Miss. Ano pala pangalan mo? Ako si Norman.” Pakilala n'ya kaya ngumiti ako.
"Tawagan mo na lang ako sa pangalang Sunny.”
"Wow, ang ganda naman ng pangalan mo.”
" Thank you!”
"Parekoy, pahiram ng panungkit mo. Umuwi na kasi si Oliver kaya wala akong
panungkit.” Paalam niya sa kanyang kaibigan o sa masungit na Kargador.
Kargador kasi may nakalagay na sako sa kanyang balikat na may laman na mangga. Kaya ang tawag ko sa kanya ay masungit na Kargador.
Lumingon siya sa amin, umirap naman ako at agad umiwas ng tingin sa kanya.
“Ten second lang dahil uuwi na ako at dadalhin ko iyan." Aniya.
“Hala! Ang bilis naman parekoy. Pwede ten minutes, kahit isa na prutas okay lang ba sayo, Miss?” Tanong ni Oliver sa akin.
“Okay lang, gusto ko lang malaman kung paano iyan gagamitin at magpapabili na labg ako kay kuya ng ganyang panungkit.” Sabi ko kaya namula na naman ang mukha niyang tumango.
Kukunin na sana ni Oliver ang panungkit sa kamay ng masungit na Kargador na agad naman niyang binigay ang dala nitong sako sa kaibigan at itinuro ang sasakyan. Walang magawa si Oliver kundi sundin ang inutos ng lalaki sa kanya. Ang ibang manggagawa ay parang wala lang sa kanila dahil siguro nasanay na lang sa kanya o dahil malapit ng maggabi.
Dala ang kanyang panungkit na mahaba ay lumapit ang masungit na Kargador at matalim kung makatingin sa akin.
“Ako na ang magtuturo sa'yo at baka masira na naman ng gago na yan ang panungkit ko tulad ng dati," aniya kaya dahan-dahan na lang akong tumango sa kanya para hindi na humaba ang usapan.
Sumunod ako sa kanya na naglakad patungo sa isang puno ng mangga. Nakaantabay lang ako sa susunod niyang ipapagawa o ipapautos.
Baka mamaya, sa akin pa ito magalit, hirap na at pagod na yata ito sa kakabuhat ng sako ng manga. Tapos dumagdag pa ako kahit hindi ko naman sinabi sa kanya na tulungan niya ako. Okay na sana ako kay Oliver magpaturo dahil mas mabait pa iyong kausap kaysa sa lalaking nasa unahan ko at nakatalikod habang walang suot pang itaas. Nakita ko tuloy ang anim niya na abs na naka expose. Tsk.