CHAPTER 09
ANG BILYONARYONG KARGADOR
Ilang days na lang pasukan ko na, nasa punto akong excited na pero deep inside ay…hindi, kaya ko naman siguro. Bahala na, ang mahalaga makapagtapos ng pag-aaral. Kaysa naman, ilang beses na papalit-palit ng kurso. Pag-igihan ko na lang ang gagawin ko na hindi na magkamali.
Sunday ngayon at feeling ko maglibot sa buong hacienda na hindi ko pa alam kung kailan uuwi ang may-ari na nasa ibang bansa. I'm allowed to tour kaya susulitin ko. Wala akong makausap kahit kaklase ko dahil after what I did sa isang kaklase ko ay walang natira sa akin na kaibigan dahil siguro ang nasa isip nila ay isa akong masamang tao.
Alam naman nila na hindi ako ang nanguna at pinagtanggol ko lang ang sarili ko, hays. Pagkatapos ko silang tulungan ay ganyan ang gagawin nila sa akin. Makakapal pa naman ang mga mukha nila na humingi sa akin ng pera, ginawa pa akong bangko, tapos sa huli ganoon ay ipapalit nila sa akin.
Ngayon sana na araw ang punta ko kay Lola Remediosa kaso wala raw ngayon ang mga pamilya nila dahil nasa ibang baryo, may pinuntahan lang.
Ilang days na rin na hindi ko nakikita si Manong at mabuti naman dahil kumukulo lamang ang dugo ko kapag nakikita ko s'ya. Parang lahat ng plano ko sa mundo ay against sa kanya, nakakainis ang mukha no’n.
“Kaya mo na ba? Sa bagay walang mga tao ngayon at pwede kang makagala pero huwag masyadong lumayo lalo at may lakad si kuya Saimon mo ulit sa bayan at walang magbabantay sayo.” Paalala ni Yaya Bebang sa akin. "Habang naglilinis ako, sisilipin na lang kita basta huwag lumabas sa gate at pumunta sa pinaka malayo para mahagip ka pa rin ng tingin ko.” Dagdag pa niya kaya mas lumapad ang ngiti ko.
"Sige po, Yaya Bebang. Thank you po sa lahat.” Biglang napaamo ang mukha niya nakatingin sa akin.
"Para na rin kitang anak kaya hindi ako napapagod na paaalahanin ka sa lahat ng bagay na nakakabuti o nakakasama na sa iyo.” ngumiti ako dahil sa sinabi ni Yaya habang tumatango, baby pa raw ako na nasa amin na si Yaya. Anak siya ng dating Yaya ni mommy at naging Yaya ko na rin ang anak niya which is si Yaya Bebang.
Naging loyal ang pamilya nila sa amin kaya siguro isa na rin si Yaya Bebang ang pinagkatiwalaan ni lolo na magbantay sa akin dito sa probinsya kahit may mga katulong naman kami sa bahay.
“Pero Yaya, wala ka ba talagang alam kung paano namatay ang mga magulang ko?" Biglang nahinto sa pagkain si Yaya dahil sa tanong ko.
“Wala iha, kaya patawad kung sa ganyang bagay ay wala akong masabi.” Aniya at nagpatuloy sa pagkain. Ilang beses ko na itong tinanong kaya siguro panahon na para isantabi ko muna ang tungkol sa mga magulang ko. Kung talagang iniwan ba ako at naghanap sila ng iba or ano.
"Bukas Yaya kapag narito si kuya Saimon, let's go to bank office, magwiwithdraw lang ako and then let's go po sa mall near here, may bibilhin lang po ako, school and so,” paalala ko baka makalimutan ko bukas.
"Okay sige, gisingin na lang kita bukas para maaga tayong makaalis.” Sambit ko.
Tumulong ako kay Yaya sa pagligpit ng pinagkainan namin.
It feels like everyday ay naramdaman ko ang lungkot or nasanay na lang ako na ganito ang sitwasyon. Sana tama si lolo na maayos ang pagpunta ko rito sa probinsya. Malapit na mag-one ang pagstay ko rito, malaking achievement na iyon kapag lumampas pa ako.
Manood ng tv o di kaya magbasa ang ginawa ko para mawala ang pagkahomesick ko, kaunti na lang at malapit ko ng matapos basahin ang mga librong isinulat ni Rosenav91.
Busy si lolo kaya hindi na ako tumagal na kumausap sa kanya.
Nagpaalam na muna ako kay Yaya maglibot sa hacienda. Suot ko ang crop top blouse and short pants and black boots. Nakacap din ako na kulay black, dahil medyo mainit pa sa labas. Nagdala ako ng plastic bag dahil baka may makuha ako na prutas.
Masaya akong lumabas ng gate at nagtungo sa kaliwang bahagi. Binaybay ko ang daan patungo sa manggahan. Hindi naman ako mangunguha ng mangga, gusto ko lang maglibot at magpapicture. Baka ibang prutas ang pipitasin ko kapag may nakita ako na gusto kong lantakan mamaya.
At ng makita ko ang magandang view kaya agad naman akong kumuha ng picture. Maraming selfie para isesend ko kay lolo at baka ma-enganyo iyon na puntahan ako para ma experience niya ang magandang kapaligiran kaysa puro na lang siya trabaho.
Ito ang ginagawa ko habang pinagmamasdan ang paligid, tanging mga halaman lang ang nandito at naglalakihang puno na hitik sa bunga. Sa hindi kalayuan ay may napansin ako na
kabayo? Kulay puti ito, iisipin ko na sana na kabayo ito ni Manong pero kulay black ang kanya. Baka iba ang nagmamay-ari at dito na lang naisip na ilagay lalo at masaya itong kumakain ng damo.
Lumapit ako pero hindi sobrang lapit at baka biglang tumakbo papunta sa gawi ko mapatakbo ako sa bigla. Iyon kong makakauwi pa ako ng buhay.
“Hello horse, ang gwapo mo naman. Ang kinis ng kulay mo. Anong pangalan mo?”
"Edzielo!”
"Whoa, nagsasalita ka pala.”
"Of course -”
"s**t!”
Kamuntikan pa akong matumba dahil biglang may sumulpot sa tabi ko.
“Ikaw ang nagsasalita?" Tanong ko.
“Obvious ba? Kailan ka pa nakakakita ng kabayo na nagsasalita?” Umirap ako sa sinabi niya.
"Kung hindi ka dumating, malamang may kabayong nagsasalita.” Pagtataray ko.
"Gusto mong bilhin? Pwede tayong mag negotiate kung magkano ang presyo.”
"Bakit? Ikaw ba ang may-ari, kapal naman ng mukha mo." Napatingin siya sa akin, hindi makapaniwala dahil sa sinabi ko.
“Ang sungit mo, sobra. Nagtatanong lang naman ako kung gusto mo rin ng kabayo. Sabihan mo ako dahil may ka kilala ako." Aniya.
Tumaas ang kilay ko. Nagdududa sa sinabi niya. “No way and thank you na lang, sa hitsura mo pa lang ay nangungutong ka lang kaya, tumahimik ka riyan." Sabi ko sabay iwan sa kanya. Sa dami-rami na nakakasalamuha ko ngayong araw na Kargador sa hacienda na ito ay siya pa talaga. Tapos ngayon? Kukutungan lamang ako? Mukhang pera.
“Sa gwapo kong ito, mukha ba akong nangungutong?!” Narinig kong sabi niya kaya agad akong lumingon sa kanya.
“Oo, mukha kang sanay sa pangungutong and for your information, hindi ka gwapo, mahangin ka lang! Sobrang mahangin!” Balik sigaw ko. Nakita ko kung paano nag-iba ang mukha niya. Magkasalubong ang kilay at kunwari tinuturo ang sarili at may gustong sabihin pero hindi niya masabi kaya tinalikuran ko na naman ang taong nagbubuhat ng sarili niyang bangko.
Manigas ka riyan.
“Kakailanganin mo rin ang kabayo ko, I mean ang serbisyo ko prinsesa, ayaw mo bang matuto sumakay ng kabayo? Para hindi ka na naglalakad sa mahabang hacienda na ito, magaling sila.” Umirap ako. Sumunod pa talaga, buntot ng buntot ang loko. Hindi yata titigil at gagawa ng paraan para papayag ako sa gusto niya na bilhin ang kabayo na iyon, paano na lang kung hindi niya pala kilala ang may-ari ng kabayo na iyan? Tapos nakapaglabas ako ng malaking halaga? Eh di lugi ako, mapabarangay pa ang kagandahan ko kung gagamitin ko ang kabayo na binebenta niya sa akin na hindi naman pala niya kilala ang may-ari. Tsk.
“Gusto ko mang matuto mangabayo pero-”
"Marunong ako, tuturuan kita, marami akong alam na posisyon sa pangangabayo,” aniya pero hindi ako kumbensido. Maraming position…meron bang ganun? Pinagloloko yata ako ng kabayo na ito I mean ng tao na ito.
Umismid ako, “no thanks na lang, sa hitsura mo pa lang na may nakakalokang ngiti, for sure ‘iyang position na sinasabi mo ay tuturuan mo lang akong mangabayo para ibabalibag mo lang.”
"Whoa…Ganyan ang tingin mo sa akin? Pambihirang prinsesa na ito, ano akala mo sa akin, nananakit? Kung ayaw mong matuto bumili ka na lang and for sure kailangan mo talaga ng kabayo, mark my word, prinsesa.” Dagdag niya pa habang nakapamewang. Ayaw talaga tumigil hanggat hindi niya ako mapapayag.
Nanliit ang mga mata kong nakatingala sa kanya dahil matangkad siya at hanggang balikat lang siguro ako. “Sorry Manong ha, bibili ako sa iba, sa tunay na nagmamay-ari ng mga kabayo dito sa hacienda na ito. Excuse me. At huwag na ‘wag kang susunod sa akin, please lang. Ang ganda ng hapon ko na lumabas ako sa gate kanina, nagpakita ka lang, bigla akong tinubuan ng sungay. Pambihira ka!” Nanggigigil kong bintang sa kanya.
Nawala ang focus ko na magpapicture dahil sa kanya, grr nakakainis. Iniwan ko siya at hindi ko na pinatulan ang mga sinasabi niya. “Humanap ka ng makakausap mo.” bulong ko sa sarili ko.
“Huwag kang lumapit diyan may humaharang diyan!" Sigaw niya pero hindi ko pinansin at nagpatuloy lang ako na maglakad, maghahanap ako ng mapaglilibangan na wala siya, na ako lang, pero bigla yatang tumigil ang oras ko kung ano ang nakikita ko.
“Help-" halos pabulong ko na sigaw at alam kung walang nakakarinig. May nakaharang nga sa daan at matalim kung makatingin sa akin habang may nginunguya sa bibig.
May dalawang puting…na may maliit na sungay, what kind of animal ba ang mga ito?
“Meee… .!”
"Ahhh! Manong, help me. May dalawang Meee! Ahhh!” sigaw ko habang patakbo pabalik kay Manong Lance.