CHAPTER 08

1639 Words
CHAPTER 08 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Not bad lolo! Nagustuhan ko ang place, place pa lang lolo ha. I don't know about the students na makilala ko sa araw ng pasukan.” Kausap ko kay lolo sa kabilang linya. Kakauwi lang namin galing sa university na tinutukoy ni lolo sa akin kung saan ako mag-aaral and so far maganda ang school nila, ang Navarra University. It's all about business ang mga kurso na binibigay doon, meron naman like education, flight attendant and more pero sa ibang city naman iyon at Navarra pa rin ang nagmamay-ari. “That's okay, naniniwala ako na may mga students ka rin na makikilala at maging ka close mo, apo." Wika ni lolo. Napabuntonghininga ako. “Sana nga lolo, though hindi ko naman pinangarap na magkaroon ng kaibigan na marami agad-agad, pero ang sa akin lang kasi na sana walang umaaway sa akin sa bagong university na lilipatan ko dahil baka panay lipat na naman ako sa ibang school.” Reklamo ko kahit hindi pa naman nagsisimula ang klase ay parang uurong na ako. "Kung iyan man ang kinakatakutan mo then let me know so I'll be the one who kick them out in your university. Just make sure na hindi ikaw ang nagsisimula ng away, Sunny.” "Ako? Nagsisimula ng away, hindi naman lolo. Iyong mga nakaaway ko rati, sila po iyon, sila po ang unang umatake sa akin kaya dahil siguro hindi ko na nakayanan at parang sinaniban ako ng kademonyohan kaya ayon ang naging resulta, lumaban lang ako ng patas.” Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Yeah, alam namin iyan apo, kaya always take your medicine, lagi mo dapat na iniinom iyan pagkatapos mong kumain. Malaki ang tulong niyan sa'yo.” Aniya kahit hindi ko maintindihan kung bakit may sakit ako na hindi nacocontrol ang sarili ko lalo kapag nagagalit ako. “Okay lolo, noted po iyan, lagi ko na po iyang ginagawa, lagi ko na pong iniinom ang gamot ko and thank you for always there for me lolo. Anyway, how about you? Saan ka ba ngayon? Iniinom mo rin ba ang mga gamot mo? Matanda na tayo lolo, huwag na pong uminom ng alak at bawal na mambabae." Wika ko na ikinatuwa ng lolo ko. “Ikaw talagang bata ka, ikaw lang at mga tao sa posisyon ko ang binibigyan ko ng pansin at hindi na kasama ang iba pang bagay.” "Wee … lolo, bakit panay tingin mo sa mga chicks noong may handaan tayo sa bahay?" Sabi ko. Wala lang para may pag-usapan lamang kaming dalawa. Nasa terrace ako ngayon at nagbabasa ng libro hanggang tumawag si lolo at medyo ito yata ang matagal na usapan naming dalawa. “Ikaw ha, gumagawa ka ng isyu, hindi ko gawain iyan." Agad na kontra niya, takot talaga si lolo sa mga isyu kaya hanggat maaari ay nagagawan niya agad ng paraan ang mga problema lalo sa kanyang trabaho at ako. "Hindi naman lo, may pag-uusapan lang." “Hay nakung bata ka! Don't do that again at baka may makarinig sa iyo and you know social media works nowadays." “Alright lolo, sorry po-" “Hmm, it's okay, handa ka na ba sa school mo? I'll send money in your bank account at ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong bilhin at kung hindi mo nagustuhan ang brand like you always did here in the city, just let me know para ipapadeliver ko na lang.” Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi ng lolo ko, he's always make sure na nabibigay niya sa akin ang mga gusto ko. "Thank you lolo, love na love mo talaga ako and actually meron pa naman ako and I think hindi ko pa yata iyon magagastos dahil nasa province ako pero tingnan natin.” Wika ko. Habang nasa terrace ako ay napadungaw ako sa baba na kung saan, kita sa gawi ko ang bahay-kubo na pinasok ko no'ng isang araw. Dumungaw ako kung may tao ba kahit parang wala naman. Nagkatoon ang tingin ko sa pinto hanggang sa napunta sa bintana at agad akong napaatras na makita siya roon at walang damit habang umiinom ng tubig yata iyon sa bote. Panigurado nakita niya ako dahil nasa terrace ang direction ng mata niya. s**t. Baka akala niya, sinisilip ko siya. “Are you still there, iha?" Nabigla naman ako sa boses ni lolo. “Ay opo lo, sorry, sige po at baka marami po kayong gagawin sa ngayon. I'll call you kapag hindi na kayo busy, alright?" “Sige apo, mag-iingat ka diyan. Ibaba ko na ang tawag, papunta na ako ngayon sa office." “Sige po lo, thank you and I miss you so much, see you soon po.” "I miss you too and see you soon.” Aniya sabay patay ng tawag. Pagkatapos kung ibaba ang phone ko ay muli akong dumungaw sa baba at laking pasalamat ko na wala ng tao roon. Pumasok na ako sa loob dahil mamayang hapon ay susubukan ko ulit kumuha ng prutas at sa ngayon avocado naman ang kukunin ko. Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Yaya Bebang. Noong isang araw na naabutan ko ang pervert na iyon ay humingi lang pala ng mainit na tubig ang loko dahil naubos ang mineral water niya na binili. “Nandito kana pala, pupuntahan na sana kita sa taas para kumain ng merienda, baka gusto mo ng mango graham nasa ref lang, Sunny.” Dahil sa sinabi ni Yaya ay lumapad ang ngiti ko. “Talaga po? Wow, kukunin ko na. Na miss ko po yang kainin, you know naman, isa po iyan sa favorite ko. Thank you, Yaya.” Sambit ko at agad nilantakan ang nasa rectangle na pyrex na gawa ni Yaya. “Mabuti naman nagustuhan mo. Favorite din iyan ni Lance kaya gumawa siya at dahil marami ang nagawa niya kaya nagbigay." Nagtaka naman ako kung sino ang tinutukoy ni Yaya. “Lance? Sinong Lance po?" Tanong habang sunod-sunod ang kain ko ng mango-graham. Hmmm… sarap talaga. “Iyong kapitbahay natin, iyong nasa maliit na bahay- kubo-” "A-what? Bahay-kubo? Lance? Lance ang pangalan n'ya, Yaya?” Ulit ko. Halos nahihirapan ko na tanong dahil sa meron ng laman ang bibig ko. “Oo, ‘yong binata na pumunta no’ng isang araw dito sa bahay.” Wala sa sarili niyang sabi. "At siya ang nagbigay nito at gumawa?” Halos nasa kalahati na ang kinain ko, sinungaling na ako kung sasabihin ko na pangit ang lasa dahil iba ang ginawa at hindi si Yaya and so far hindi naman ako nahihilo. So, wala siyang lason. Hindi kasi kumakain si Yaya at kuya Saimon nito dahil nasawa na rin at isa pa puro mga may diabetes ang dalawa. "Oo, kahit tanungin mo pa siya mamaya.” "No way! I mean huwag na, kung siya man ang gumawa nito, masarap naman siyang gumawa kamo.” "Sige….sabihan ko." “Ha! Huwag Yaya, ako na po…ako na po, ako po ang kumain kaya ako na po ang magsabi at magpasalamat." Sabi ko sabay ngiti. "Sige, ikaw bahala.” Kahit si Yaya, hindi na maintindihan ang kinikilos ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Masarap siya at favorite ko ito kaya uubusin ko na, magtira na lang ako mamaya para sa dessert mamayang gabi or while I'm reading book before ako matulog. Narinig kong may kumatok sa pinto, baka si kuya Saimon ang nasa labas, inutusan kasi siya ni Yaya sa palengke para bumili ng ulam mamaya. At dahil nasa laundry area si Yaya kaya ako na lang ang magbubukas, isa kasi sa habilin na i-lock ang pinto lalo kapag wala si kuya. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin si kapitbahay. Dahil kilala naman siya ni Yaya kaya niluwagan ko ang pagbukas ng pinto at, humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. “Bakit?" Mataray kong tanong sa kanya. Titig na titig ito sa mukha ko at pinigilan na mapangiti. “Bakit nga manong? Ano sa atin? May kailangan ka?" biglang dumilim ang mukha niya dahil siguro sa sunod-sunod ko na tanong pero agad ding nawala. “Nagustuhan mo pala, mabuti naman." “Anong nagustuhan? Wala ka pang tinatanong tapos sasabihin mong nagustuhan ko!" Sabi ko sabay irap. "’Yong mango-graham na ginawa ko, mabuti na lang at nagustuhan mo.” ah iyon pala. "Hindi ko nagustuhan, hindi maganda ang lasa. “Really?" Bigla akong napaatras dahil sa pagdampi ng daliri niya sa ibaba ng labi ko kaya agad ko iyong tinabig dahil sa gulat. “Kung hindi ka nasarapan, bakit may mga naiwan ka pa sa bibig mo?" “Hindi porke't may naiwan ay nasarapan na agad, what if hindi ko lang napansin na–” "Sunny, sino ang kausap mo? Di ba sabi ko sayo na–ay ikaw pala iyan iho, ano sa atin? May kailangan ka? Tsaka pala, salamat pala sa binigay mo kanina, nagustuhan ng alaga ko, muntik na nga maubos ang pyrex na inabot mo sa akin.” Halos nagsisi-akyatan ang lahat na hiya sa mukha ko dahil sa ginawa ni Yaya sa akin. Pilit ko ngang tinatago, siya naman itong– "Ganoon po ba? Sa tingin ko nga po na nagustuhan niya nga ang ginawa ko. Mabuti na lang at bumait ako kanina at iniisip na baka gusto niyo ring kumain. Salamat naman po kung ganoon.” "Iwas muna ako sa mga matatamis iho, pero itong alaga ko, ayon nilantakan na at sarap na sarap.” "Yaya-” "Ayos lang, meron pa ako sa bahay-kubo kahit munti iyon ay may panghimagas pa ako.” Aniya sabay ngisi. Inirapan ko siya at pumasok na sa kusina at itatago ko na lang ang binigay niya kahit gusto ko pang kumain, nawalan na ako ng gana na makita ko si Manong. Who is he again? Lance, right? Si Manong Lance. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD