CHAPTER 10

1576 Words
CHAPTER 10 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Ahh, nariyan na sila, oh my goodness, Manong Lance!" mas lalo akong lumambitin kay Lance at ayaw kong magpababa dahil sumusunod talaga ang dalawang Mee sa akin kahit anong iwas niya sa akin. Kanina pa siya nagmumura pero hindi ko na iyon pinansin baka tulad ko, takot din siya. “Sinabi kong huwag kang tumuloy, ayaw mong makinig.” Talagang ididiin niya sa akin na kasalanan ko. Inangat ko ang katawan ko at napamura ulit siya, nakapulot kasi sa bewang niya ang mga paa ko at ayokong bumaba hanggang nariyan pa sila, tinitingala ako habang may nginunguya sa kanilang bibig. “Eh di pasensya na at hindi ko naman alam na may haharang sa akin at sila iyon. Eh kung sinabi mo agad sa akin, hindi sana ako kumakapit sa'yo at sumisigaw sa takot!" Singhal ko sa kanya, wala ng pakialam kung tumatalsik na ang laway ko sa mukha niya. “Saan ka ba galing sa mundo at hindi mo iyan kilala?” “Eh, sa absent ako noong naglelecture siguro ang teacher. Don't ask a lot of question and please, paki-alis muna sila sa harapan ko. “Meee-" “Ahhh, Lance! Ask them, what do they want? Pakibigay nga at ng makaalis!" Tukoy sa dalawang hayop. “Ikaw ang gusto nila!” "What? Hindi ko pinapakialaman ang properties nila, so, bakit ako ang gusto nila and what they want from me, ha?” "Hindi ko alam, tanungin mo!” "Ano? No way! Ikaw na.” "Tumahimik ka lang, at yumakap ka ng mahigpit.” aniya at hinawakan ang likod ko ng kanyang braso para hindi ako mahulog. "Huh?” Nalilito ako pero sinunod ko naman. "Nandyan pa ba?” "Shhh, huwag ka sabing maingay habang naglalakad ang mga kambing palayo.” Oh, iyan pala ang kambing, nakalimutan ko. That's why tinatawag ko silang Mee. “Wala na." Dahil sa sinabi niya kaya nilingon ko ang direction ng mga kambing na bumalik sa kanilang dinadaanan. Tatandaan ko ang area na ito na hindi na dadaan kailanman. Bababa na sana ako pero ayaw niya akong pababain. “Bitawan mo na at bababa na ako." Saad ko at saka niya pa sinunod. Inayos ko ang damit ko na tumaas na dahil sa kalikutan ko habang karga ako ni Manong. “Kapag sinabi na huwag kang pumunta o huminto ay agad tumigil ha. Paano kung sa iba ka lumambitin!” "Ano?” Tanong kong nalilito sa kanya. "Wala, ang sabi ko, baka gusto mong bumili ng kabayo, mura lang ang benta ko niyan.” Aba! Pinipilit talaga ang gusto niya na bentahan ko. "No thanks na lang, okay, hindi interesado at baka mahulog pa ako,” ani ko. "Eh, di tuturuan kita para hindi ka mahulog. Okay na ba yon?" “Kahit na. Ayoko pa rin," saad ko dahil kukutungan lang talaga ako nito, panigurado. Mukha pa lang nito ay alam mo na hindi mapagkakatiwalaan. Tinalikuran ko na siya dahil wala na akong sasabihin. Doon na lang ako sa kabila pupunta at sana wala ng kambing doon. “Pagkatapos kitang tulungan, agad-agad mo akong tatalikuran!" Narinig kong sabi kaya huminto ako at hinarap siya. “Thank you." sabi ko sabay talikod. “Whoa, iyon lang?" The heck. Ano ba gusto nito? “Of course iyan lang! what do you want pa ba?” Tanong ko habang inaayos ang cap ko dahil saan-saan na pumupunta ang aking buhok. "Kiss and thank you dapat, prinsesa. Sa sobrang bigat mo hindi kaya ang thank you lang.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Walang gano'n Manong. Nagpasalamat na ako at enough na iyon. Buong buhay ko, ikaw lang ang humihingi ng kiss, bahala ka riyan.” wika ko sabay lakad at hindi na naman siya pinakinggan. Kahit kailan talaga isa siyang pervert, bastos na nilalang. Panakot niya na gawan sa akin iyon? Kiss mo yang kamay mo. Damn you! Huwag ka ng humingi ng tulong sa akin ha! Hindi na kita tutulungan.” Sus, as if naman kung magpapatulong pa ako. “Hindi na, salamat kanina." sagot ko na hindi na siya binalingan pa at patuloy lang sa paglalakad. Nakarating ako sa bahay at nakita ko si Kuya Saimon na papasok sa loob. “Saan ka galing iha?" Tanong nito sa akin kaya ngumiti ako. “Diyan lang po sa hacienda at dito naman ako sa kabila pupunta. Nababagot ako sa bahay kaya nag-iikot muna.” ani ko. "Ganoon ba, huwag kang lalayo para mahanap pa rin kita lalo at hindi mo pa familiar ang lugar dito sa probinsya.” Paalala niya ulit sa akin. Ngumiti ako. "Ok po kuya, salamat. Babalik din ako agad.” Paalam ko at pumasok na siya sa loob at ako naman ay pumunta sa kabilang side na maraming prutas. Ganoon pa rin ang ginagawa ko, kumukuha ako ng picture at sinesend kay lolo pero ang tangi niya lang reaction sa photo ko ay ang ganda apo, pwede ka maging photographer. Ganoon lang at wala man lang sa kanya na susunod siya agad sa probinsya dahil sa ganda ng lugar to relax and unwind. Nakasimangot akong naglakad at nakayuko na sinisipa ang mga bato na mahagip ng paa ko. Bigla tuloy akong nalungkot dahil parang baliw akong mag-isa na ene-enjoy ang sarili ko. Naiiyak ako sa sitwasyon ko na parang nagtatago. Sumipa ulit ako ng mga maliliit na bato at napalakas ko yata kaya may narinig akong nagmura sa harapan ko. Nakakunot ang noo ko na makita ang halos familiar na tao dahil sa damit niya, bigla kasing nasinagan ng araw ang mukha niya at wala akong salamin sa mata o contact lens. May deperensya kasi ako sa paningin. Nakapamewang akong nakatingin sa kanya na paika-ika na ngayon na maglakad. “Hindi naman siguro ako minumulto, ano?’’ tanong ko sa sarili ko. “Ikaw! Kahit kailan talaga lagi kang may dala na kamalasan sa akin. Binuhat lang kita kanina tapos ngayon, sinasaktan mo ako?" Turo niya sa akin. “What? Hindi kaya! Ang kapal naman ng mukha mo para magbentang sa akin ng ganyan. Bakit kasi nariyan ka eh daanan iyan at paano ka nakapunta diyan na doon ka nanggaling kanina? Nagteleport ka ba?” Bintang ko. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero sana naman kung may galit ka sa mundo huwag mong pakialaman ang mga nanahimik na bato at ngayon nakatama ka pa ng paa, paano na lang kung malaki iyon at tumawa sa itlog ko?” "Itlog mo! Di ba dapat maunang matamaan ang t**i mo kaysa itlog!” Sambit ko at bigla na lang namula ang mukha ko. Parang gusto ko na lang talagang kainin ng mga bato, ngayon na. Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ko pero agad ding nalusaw ang ngiti ni Manong Lance at may pagdududa na nakatitig sa akin. "So, nakakita kana ng ibabang parte ng lalaki? Sino? Kailan? Aha! Nanood ka ng porn video, ano?” namilog ang mata ko sa sinabi niya. "Anong porn video! Baka ikaw ang nanood nyan. Nasa subject namin iyan sa school, hindi ba iyan dinidiscuss sa inyo?" Mataray kong sabi dahil tama naman ang sinabi ko. “Nag-aaral ka pa?" “Yes of course, so let's go back to our topic. Ikaw lang ang nanood ng porn at hindi ako, kaya alam ko ang private parts ng mga lalaki huwag mo akong igaya sa iyo.” "Hindi ako nanonood niyan. I'm innocent.” "Duhh! Whatever. Kausapin mo sarili mo at for sure hindi rin iyan nakikinig.” Sambit ko at tinalikuran na naman siya. Mas mabuti ng umuwi sa bahay kaysa kausapin siya, sinisira niya lang ang hapon ko. Narinig ko siyang nagmura at iniinda ang sakit ng paa niya dahil natamaan daw ang tuhod niya ng bato, pa harang-harang ka kasi sa daan. Bigla na lang sumusulpot sa harapan ko kaya tuloy minamalas ka at isa na ako. Hays. Sa mabibigat na paa ay umuwi ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay busy si Yaya Bebang sa pagluluto. Naamoy ko tuloy ang bango ng niluto niya. “Hi Yaya." “Oh, nandito ka na? Ang bilis naman, hindi ba maganda ang pagpunta mo at bakit parang matamlay ka? Baka na pagod ka, sandali na lang itong niluluto ko para maaga tayong makakain.” Aniya at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng gulay. “Ano po ang lulutuin mo Yaya?" Tanong ko kahit may idea na ako pero hindi ako sure kung iyong fave ko or pork. “Bangus sinigang, isa na ito sa favorite mo, di ba?" Lumapad na naman ang ngiti ko. Basta usapang pagkain at luto ni Yaya ay naging favorite ko na rin. Nagpaalam na muna ako at pumanhik na sa itaas, kailangan kong maligo at magbihis dahil feeling ko nanlalagkit na ako dahil sa init ng panihapon na araw, samantalang si Manong Lance kahit anong dikit sa akin, talagang mabango pa rin. Pagkatapos kung magbihis ng bagong damit na white t-shirt at long black pants ay agad akong bumaba dahil tinatawag na ako ni Yaya Bebang at tulad ng dati, maingay ang mga kubyertos habang may ibang kausap sina Yaya at kuya Saimon. “May bisita?” tanong ko sa sarili, dali-dali akong bumaba para malaman kung sino ang bisita ngayong gabi. Nalusaw ang ngiti ko na makita kung sino ang kumakain ngayon sa hapag. Napabuntong hininga na lamang ako na sa daming bisita ay ito na naman si matandang gurang. Si Manong Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD