CHAPTER 50 ANG BILYONARYONG KARGADOR Maaga palang ay nasa school na ako at habang naghihintay sa iba kong mga kaklase ay nasa canteen na muna tumambay. Habang kumakain ng mango float na pinagawa ko kay Manong Lance kagabi ay nagbabasa ako ng libro. Wala namang iniwan na gagawin ang professor namin kaya malaya akong magbasa ng mga novel na gawa ni Rosenav91. Yung mga light lang na story ang binasa ko pero hindi ko naman alam na ang nadala ko pala na libro ay nakakaiyak pala sa kalagitnaan dahil ang male lead ay namatay. Pinipigilan ko ang sarili na hindi umiyak pero alam na namumula na ang mga mata ko. “Hi?" Nagulat naman ako ko na may biglang nagsalita sa harapan ko. Nakita ko ulit ang ka schoolmate ko pero hindi ko makilala ang pangalan niya at nahihiya rin ako para magtanong.