CHAPTER 49 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Tama ba? Tama ako, ano?" “Tss…" aniya sabay irap. Ang sarap pagmasdan ang mukha niya na inaasar. “Bakit hindi ka makasagot, hula lang naman ang sinabi ko at nasa iyo na lang iyon kung maniwala ka ba o hindi na sasagutin mo ang mga tanong ko sa'yo. But anyway, wala naman yang problema sa akin kung ano ang papasukin mo na trabaho para bantayan ako. Bakit hindi ka na lang maging bodyguard ko at para naman hindi kana mag-isip isip pa ng kung anong palusot para lamang makatrabaho ka at maging bantay ko 24 hrs? Ayaw mo iyon ako na ang magpapasahod sa'yo kaysa naman ganito na naghahanap ka pa. Game?” "Tss …. may trabaho ako kaya coincidence lang na nagkita tayo rito." coincidence daw. “Talaga lang? Parang hindi eh…." pang-aamin ko pero suntok sa buwa