CHAPTER 51 ANG BILYONARYONG KARGADOR Ano bang nangyari sa'yo Sunny? Wala ka talaga sa sarili kanina?” Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ni Nimfa sa akin. Okay naman ako. "May nangyari ba?” nalilito kong tanong sa kanila. "Hala siya, hindi mo maalala, tulala ka buong klase girl, kamuntikan ka na ngang palabasin ng professor natin dahil akala namin kung napano ka. Hindi mo ba talaga napansin?” Umiling ako sa sinabi ni Cia. Okay naman talaga ako. "Ilang beses na iyan, magpatingin ka kaya sa doctor.” Agad naman akong umiling. Doctor agad? Wala namang masakit sa akin kaya bakit ako magpapatingin sa doctor? Nginitian ko na lang sila to assure na ayos lang ako. Nasa canteen kami at kumakain ng snack. “I'm okay, no need to worry about me, thank you sa concern niyo guys, pero tala