CHAPTER 48 ANG BILYONARYONG KARGADOR Pagpasok sa loob ng bahay ng Mayor ay namamangha pa rin ako sa mga nakikita ko sa loob. Maganda sa labas bago magpasok at sa garden pero mas maganda pa lalo sa loob. Kulang na lang maihahalintulad ko na ito sa isang palasyo. “Balita ko babalik na sa susunod na buwan ang lolo mo sa Maynila,” bungad ni Mayor sa akin habang nakasunod lamang kami sa mga magulang niya at lolo na naglalakad patungo sa dining table. “Yeah, kaya ito kung saan siya pumunta at walang pasok, I spend time with him bago siya umalis dahil mamimiss ko talaga siya. Ilang taon pa ang hihintayin ko bago kami magkasama talaga na hindi na malayo sa isa't-isa,” sumbong ko sa kanya. “The same pala tayo, pero ako naman ang aalis papunta sa Maynila kaya maiiwan muna ang mga magulang ko