CHAPTER 06
ANG BILYONARYONG KARGADOR
“Okay na ba yan?" Tanong nito sa akin sa malamig na boses. Kinuha ko ang nakalagay sa isang supot ang hinog na mangga sa kamay niya, ang lapad ng ngiti ko na makita itong hawak ko na ngayon, kapag titigan mo kasi ay madali lang sungkitin pero nakakangalay pala ng leeg, sinubukan ko kasi kanina manungkit kaya panay reklamo niya dahil iba naman ang nahihila ko, sanga o di kaya dahon instead na bunga.
“Thank you manong!"
“Tang'na-"
“Ha?"
“Wala,” problema nito. Hindi ko na siya pinansin at agad naglakad paalis sa kanya at baka ano pa masabi niya, bawiin niya pa itong mangga na kinuha niya ay baka iiyak na ako.
“Pagkatapos ng lahat, iiwan mo na agad ako rito?” Tanong nito sa akin? Malamang Sunny. Tse.
Hindi ko siya pinansin at kumaway lang ako sa kanya habang nakatalikod at patuloy na naglakad para makauwi.
“Nakakuha ka na?" Napangiti ako na nakasalubong ko si kuya Oliver. Tama naman siguro na kuya o manong ang tawag ko dahil di ba, mga matatanda naman sila sa akin.
“Opo, meron ako, mga lima na nasa supot, okay na ito, bukas naman ulit.” Saad ko at ngumiti sa kanya at nakita ko naman ang pagpula ng tenga at mukha niya, hindi ko lang alam kung bakit at hinayaan na lang, marahil sa pagtatrabaho nila lalo at medyo kanina pa mainit ang panahon kahit nakasando naman siya ng suot.
"Ganoon ba? Magsabi ka lang kung kulang pa at ako na mismo ang kukuha sa puno para sayo, aakyat ako para hindi ka na mahirapan pa na manungkit dahil mas nakakapagod iyon.” Aniya.
"Sige ba, masakit nga ang leeg ko dahil sinubukan ko at totoo nga, nakakangalay kumuha, buti na kaya niyo iyon.” Sabi ko habang binabagtas ang daan, ako ay pauwi sa mansion at siya ay di ko pa alam.
"Nasanay lang po ma’am, ganoon din naman ako, hindi agad nakuha noong unang subok ko pero nasanay na rin po.” aniya sabay kamot sa kanyang batok.
"Same tayo… appear!" Ani ko sabay appear naming dalawa pero kamuntikan na akong ma out of balance sa paglalakad dahil sa pagsulpot ng lalaki kanina sa gitna namin ni kuya Oliver.
“Nakipag-kwentuhan ka pa riyan, malalagot na tayo sa may-ari, ang bagal mong kumilos." Bulong ng lalaki at iniwan kami. Loko iyon.
“Ay sorry boss, sige ma’am alis na kami." Paalam ni kuya Oliver dahil nasa sasakyan na pick-up si manong masungit. Sumakay na rin ang ibang kasamahan nila at pinaharurot ang sinasakyan paalis. Nanatili naan akong nakatayo sa gilid ng kalsada.
Napailing na lang ako na ang sungit naman no'ng isa, umismid ako at binalewala na lamang ang imahe niya sa utak ko.
Bitbit ang kinuha niya na mangga ay nagtungo na ako papunta sa mansion. Mahina lang ang lakad ko at ninamnam ang bawat haplos ng hangin sa katawan ko. Feeling ko nasa ibang mundo ako, ang mga nakapaligid sa akin ay wala sa lugar na matao, wala sa maingay na sasakyan o kahit anong maingay. Dito sa probinsya tanging huni ng ibon at hampas ng hangin sa mga puno ang tangi ko lang maririnig at mga yapak ko.
“Nandito ka na pala iha, pasok ka na sa loob at kanina pa naghihintay si Yaya mo, baka gusto mo ng kumain." Wika ni manong Saimon habang nasa labas ito at nagdidilig ng mga halaman.
"Okay po, thank you kuya.” Sambit ko at agad umalis sa harapan niya para puntahan si Yaya Bebang na nasa kusina raw.
"Yaya Bebang!” Tawag ko sa kanya. "Yaya!”
"Ano iyon, Sunny? May nangyari ba?” Agad namang nagmamadali na lumapit si Yaya sa akin galing sa kusina, nginitian ko siya at pinakita ang supot na dala ko.
“May mangga na po ako na bagong kuha galing mismo sa puno ya. Hinog na po siya kaya pwede na pong kainin ngayon." Masigla kong wika sa kanya na ikatuwa naman niya.
“Akala ko kung ano na nangyari sa yo, ikaw talagang bata ka, buti naman at nakahingi ka, halika ka na sa kusina at para kumain ng merienda, may niluto ako na kamote cue na hilig mo rin kainin sa syudad, pwede rin na muna ang prutas kung saan mo gusto." Sabi ni Yaya sa akin habang nakasunod ako papasok sa kusina.
“Iyong camote po muna then later na po ang mangga habang nagbabasa po ako ng libro.” sabi ko sabay lagay sa ibabaw ng sink ang mangga at umupo sa pang-isahang silya para kumain.
“Kumusta naman ang paghatid mo kanina kay Lola Remediosa?" Dahil sa tanong ni Yaya ay lumapad ang ngiti ko na binalingan siya.
“Masaya po ya kasi nakilala ko po ang apo niya po na sobrang cute. Welcome raw ako sa kanila bumisita kaya baka dadalo po ako roon kapag wala ng pasok kapag pasukan ko na po, pero dahil wala pang pasok ay baka doon ako every Sunday po, ayos lang po ba?” Tanong ko kay Yaya dahil siya lang naman ang nakakaalam. Sa kanilang dalawa ni kuya Saimon ako binilin ni lolo, ayoko silang mapahamak kaya kung ayaw nila ay ayos lang kaysa mapagalitan sila ni lolo.
"Ikaw ang bahala anak, basta umuwi lang kayo ng maaga dahil nakakahiya naman na roon ka matutulog unless kung okay sa kanila.” Ngumiti ako.
"Oo naman po, dito ako matutulog kapag gabi po, ayoko pong iwan kayo lalo na kapag gabi at nag-iisa lang kayong natutulog sa bahay na ito, hindi po pwede iyon.” Ani ko kaya nakita ko rin na napapangiti si Yaya sa sinabi ko.
Tinapos ko ang kinain ko na merienda habang may orange juice sa tabi ko. Sinabayan ako na kumain ni Yaya at nagkwentuhan pa kami na kung ano-ano especially sa papalapit ko na pasukan.
Magpapasama na rin ako sa kanya sa school para hindi ako kabahan. Bahala na kung ano ang magiging kapalaran ko sa probinsya na kung saan napili ni lolo na mamalagi muna ako. Ang tanging pangako na lang siguro sa sarili ko ay pagbutihan ko lahat para makabalik na kami ni Yaya sa Maynila.
Gabi na at hindi man lang ako dinaluhan ng antok. Natapos ko na ang kalahating libro na binasa ko pero hanggang ngayon parang gusto ko na lang itong tapusin sa isang upuan lang.
Alam kong natutulog na sina Yaya at manong Saimon sa kani-kanilang kwarto. Samantalang ako, ito at nihikab ay di man lang ako natapunan ng antok talaga. Uminom na rin ako ng gatas pero wala pa rin.
Bumangon ako sa kama at sinuot ang tsinelas ko. Pumunta ako sa banyo para manghilamos kahit kakatapos ko lang maligo, iinom siguro ulit ako ng gatas at para antukin ako. Baka ngayon lang ako tinablan sa tinatawag nila na namamahay kaya hindi agad nakatulog.
Pagbaba ko ng hagdan ay agad akong pumanhik sa kusina. Wala pa palang alas niebe ang oras kaya hindi pa ako inaantok, usually kasi sa city ay ang tulog ko ay ten to eleven ng gabi kapag may pasok then twelve naman o one kapag galing sa night club.
Pagkatapos kong inumin ang gatas na tinimpla ko at hugasan ang baso na ginamit ko ay hindi na muna ako pumanhik sa itaas, naisipan ko na lumabas na muna ng bahay. Hindi naman nakakatakot para sa akin ang paligid dahil may ilaw naman sa labas ng bahay.
May nakita ako na bahay-kubo sa likod na minsan hindi ko pa iyon napuntahan kahapon dahil nauna kaming pumunta sa bahay ni Lola Remediosa at pagsungkit ng mangga. Hanggang hindi ko na rin naalala noong dumating ako.
Pagkarating sa tapat ng pinto na gawa sa kawayan ay may kaunting hagdan ito na nasa pang-apat na step. Umakyat ako at kumatok kahit alam ko naman na walang nakatira rito at baka tambayan ito ng mga nagmamay-ari sa bahay na ito o tambayan ng mga naghaharvest, I don't know between the two.
Dahil wala namang sumagot kaya tama siguro ang hula ko. Pinihit ko ang siradora at napangiti ako at sigurado na walang nakatira dahil bukas lang ang pinto. Walang paalam akong pumasok at tumambad sa akin ang isang lamp na naroon sa ibabaw na maliit na table. Gamit ang flashlight ng aking phone ay inikot ko ang paningin ko kung ano pa ang meron sa loob.
May nakita akong maliit na lababo at may baso, kutsara at plato? Anong klaseng kubo ba ito? Diba ang tawag nito ay bahay-kubo kung saan pahingahan kapag pagod o gusto tumambay lang, meron kasi kami na ganito pero iyon sa amin sa city ay medyo maliit kumpara rito na tamang laki naman. May nakita pa akong toothbrush at toothpaste sa maliit na lalagyan.
May nakatira ba rito?
Imbes na lumabas na lang ay mas nilibot ko pa ang tingin sa loob ng maliit na kubo habang nakabukas ang pinto at sa dulo ay napansin ko na may upuan na gawa rin sa kahoy, so… hindi ito bahay at walang natutulog dito dahil wala namang kama. Unless sa sahig sila pero parang wala namang walk-in closet katulad sa kwarto ko o kahit drawer man lang na makikita ko para ilagay ang mga damit. As in walang maraming gamit at tanging gamit lang na nasa lababo ang naroon.
“Ano ba itong ginagawa ko?” Bulong ko sa sarili ko. Para naman akong magnanakaw nito dahil every yapak ko ay dahan-dahan para hindi ako makagawa ng ingay at may hinahanap sa loob para nakawin o naghahanap ng ebidensya. Hays makalabas na nga lang.
Tatalikod na sana ako na may nahagip ako na something sa may silya na nakalagay sa uluhan na nakapatong. Wala sa sarili na kinuha ko iyon at napasinghap ako na tumambad sa akin ang maliit na tela…
“brief?"
“Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"
“Haaaa?" Bitbit ang brief ay agad akong tumalikod dahil sa malamig na boses na nagsalita sa likuran ko at dahil sa gulat kaya naitapon ko ang brief na hawak ko sa kung sino man siya.… sa mismong mukha niya.
Holy cow!