CHAPTER 07
ANG BILYONARYONG KARGADOR
“Tinatanong kita, anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Ulit niya. Habang ako ay napapikit pa rin ang mga mata. Paano kasi, tanging tuwalya lang ang nakatakip sa kanyang ibabang katawan. Gabi na, nakita ko na naman ang walong abs niya. Okay naman sana kung pwede hawakan. Tse!
“Mag-bihis ka muna sabi eh!" Sambit ko. “Okay na ba? Tapos ka na bang magbihis? Hoy? Okay na ba?" Tanong ko ng paulit-ulit at dahil hindi siya sumagot kaya binuksan ko ng paunti ang kanang mata ko at halos napamura na naman ako na hindi pa pala ito bihis at nakasentro pa ang tingin ko sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita habang nakatapis pa rin ng tuwalya.
“Magbihis ka sabi!" Parang nanay ako habang pinagalitan ang anak dahil sa tigas ng ulo.
“Sagutin mo muna kung anong ang ginagawa mo sa bahay ko?" Gago talaga, kaya napadiin ang pagkagat ko sa labi ko dahil sa inis ko sa kanya.
"Wa-wala lang, akala ko kasi na walang taong nakatira dito kaya ako pumasok para…” hindi ko na alam kong ano ang sasabihin ko dahil sa sobrang kaba lalo at amoy na amoy ko ang kanyang shower gel. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pabango niya pa lang.
Mabuti pa itong kargador na ito at mabango sa kanyang katawan pero ako lalo ngayon na pinagpawisan yata ako ng malapot dahil nahuli ako sa ganitong eksena. Kulong na ba ito? Lord! Patawad sa aking kasalanan.
“Para ano…? “ naririnig ko pa rin ang malamig niya na boses na parang anytime ay huhulihin niya ako at ikulong dahil sa ginawa kong trespassing sa mismong pamamahay niya raw. Paano kaya? Pero huwag naman sana Lord, nakakahiya kay lolo. “Para makapagnakaw ka ng brief? Na gamit na?” Dahil sa sinabi niya ay agad kong minulat ang mata ko at laking pasalamat ko na lang na nakabihis na ito ng gray na pajama at white v-neck t-shirt habang magulo pa ang buhok.
“Kapal naman ng mukha mo, ano? Bakit ko naman nanakawin iyan? Hindi ako interesado sa brief mo, oy," ani ko sa matapang na boses. Iyong brief niya na tinutukoy naming dalawa ay binalik niya sa kung saan ko iyon kinuha kanina. Gamit na pero gusto niya pang ine-expose, paano kung mabaho na iyan, eww.
“Di nga, kung gusto mo, magsabi ka lang at marami ako sa duffel bag, pero kung natipohan mo ang brief na kakagamit ko lang ay pwede mo namang dalhin sa kwarto mo -s**t!" Daing niya dahil bigla ko siyang sinipa sa paa.
“Bastos! Pervert! Loko ka! Ewww, gamit na tapos pinatong mo lang sa ibabaw ng silya!" Mahina pero may diin na pagkasabi sa kanya at baka magising sina Yaya at kuya Saimon.
"Ako pa ngayon ang bastos, baka ikaw dahil nakita ko mismo kung ano ang kinuha mo!”
"Na curious lang ako kung ano iyon kaya ko kinuha pero walang malisya iyon, loko ka!” Sambit ko na ikinatuwa naman ng mukha niya dahil sa nakikita niya sa akin. Kulang na lang na tumawa ito ng malakas dahil tawang-tawa siya sa akin. Anong mali sa rason ko? Nasa tamang katwiran naman ako.
"Wala akong brief na suot ngayon lalo kapag natutulog dahil nasanay na rin na walang ibang suot na panloob ko at naiipon lang sa bag, gusto mo? Bigyan kita.” nakangisi niyang wika habang nagsusuklay ng kanyang buhok.
“What the? Bastos!” Ulit ko at naglakad na papunta sa pinto.
"Welcome ka paring pumasok dito mahal na prinsesa.” Habol niya kaya natigilan ako, binalingan ko siya at tumaas ang kilay.
"Don't worry Manong, dahil ikaw lang naman pala ang nakatira sa Kubo na'to kaya last ko na pala na makapasok dito, pervert!” Sabi ko sabay kumaripas ng takbo papasok ng bahay at baka ano pa ang sasabihin niya sa akin.
Pagkasara ko ng pinto ay agad akong huminto sa hamba ng pintuan at hinawakan ang dibdib ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, kasalanan ito ng lalaki na iyon.
“Ayos ka lang, iha?"
“Yaya?" Mas lalo tuloy akong nagulat dahil si Yaya Bebang naman ang nanggugulat sa akin. “Ya naman nabigla ako. Bigla ka na lang sumusulpot diyan!” Saad ko sabay hawak ng dibdib ko na wala pa rin ang tigil sa pagkabog.
“Anong nangyari sa iyo at parang hinabol ka? Ayos ka lang, saan ka galing? Lumabas ka ba ng bahay?" sunod-sunod na tanong ni Yaya.
"Nagpapahangin lang po ya sa labas. Ayos lang po ako.”
“Ganoon ba? Bakit hindi kapa natutulog, anong oras na?” Tanong nito sa akin habang dinouble check ang pinto kung nasara ko na ba ng maayos.
“Hindi pa kasi ako inaantok Ya kaya naisipan ko muna na lumabas ng bahay after I drank my milk.”
“Nagtimpla ka ulit?"
"Opo at sa tingin ko, makakatulog na po ako ngayon. Sige Ya, aakyat na po ako sa itaas.”
"Sige iha, lumabas lang ako dahil parang may narinig akong ingay sa labas,. Ikaw pala iyon, may kausap ka ba sa phone?”
" Ah, Opo.” Tanging nasabi ko at baka ayaw maniwala ni Yaya na may natutulog sa bahay-kubo… wait. Doon ba natutulog ang bastos na iyon? O doon lang siya nagbibihis ng damit at aalis din. Ang alam ko ay may kabayo iyon na dala eh, dahil siya ang nakita ko kahapon sa daan habang papunta kami sa bahay ni Lola Remediosa. Saan naman siya matutulog kung sa Kubo siya? Sa sahig ba?
Binalewala ko na lang sa isipan ko at sinarado ang pinto at umakyat sa kama at humiga. Pinikit ko ang mga mata ko para makatulog pero mukha naman ng lalaking iyon ang nakikita ko, dumilat ako at ganoon din ang nangyari, kahit sa kisame ay naroon siya at bastos kung makatingin sa akin. “Grrr… what did you do to me?”
Sabi ko sabay lagay ng unan sa mukha ko para mawala lang siya. Iiwasan ko na talaga siya dahil feeling ko maaga akong mabaliw kaysa sa kanya, ayoko pang mapunta sa mental hospital. Nakakainis!
Nagising ako na matamlay ang katawan. Halos wala akong ganang bumangon o kumilos, sobrang nakakastress ang pakiramdam ko ngayon. Madaling araw na akong natulog at ngayon naman hindi ko alam kung bakit maaga akong nagising ngayon, usually sa Maynila ay di naman ganito, minsan umabot pa ako ng tanghali o hapon kapag natutulog, na minsan pa nga akala nila patay na ako dahil ang tagal kong nagising. Lalo kapag walang pasok ay talagang ang haba ng tulog ko.
Nilubog ko pa lalo ang ulo ko sa unan para magising na ang diwa ko pero ayaw talaga. Dahil hindi pa naman pumanhik si Yaya Bebang sa kwarto ko kaya pinikit ko na lang muna ang mga mata ko at baka sakali makabalik pa akong matulog. Buti naman at nakisama ang utak ko at nakatulog naman ako muli.
Dahil nasanay na sina Yaya na hindi ako gigisingin lalo kapag walang pupuntahan ng maaga o pasok sa school kaya hindi niya nga ako ginising lalo ngayon, hindi rin tumawag si lolo para kausapin ako. Tawagan ko na lang mamaya.
Baka mamayang hapon ay magpapasama ako kay Yaya at kuya Saimon sa bagong paaralan ko. Gusto ko lang masanay kung saan ito at hindi ba ito ang rason para bumalik agad ng Maynila.
Agad akong bumangon sa kama at kahit papano, nakabawi naman ng kaunti ng tulog. Nag-ayos muna ako sa banyo, naghilamos at nagsipilyo muna ako bago bababa, nagugutom na ako kaya mamaya na ako maliligo bago pumunta sa paaralan. Hindi ko rin alam kung bakit ako naglagay pa ng pabango at konting make-up sa labi ko na hindi ko naman ginagawa usually as long kung may lakad kami.
Well, kung may tanong sasabihin ko na lang na, sayang naman kapag nakatago lang at hindi ginagamit. Mahal pa naman ang bili ko sa mga make-up kit ko.
Dahil kuntento na sa ayos at hindi naman malaswa ang damit ko na suot na t-shirt at short-short kaya napapangiti na lang ako habang nakatingin sa vanity mirror.
Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay may naririnig na ako ng boses na hindi masyadong familiar sa akin na kausap nina Yaya at kuya Saimon. Sino kaya? Hindi naman si Lola Remediosa dahil lalaki ang naririnig ko, parang familiar na parang hindi naman.
“Yaya?" Tawag ko para malaman nila na gising na ako.
Agad akong nagtungo sa kusina para malaman ko kung sino ang bisita pero nasa hamba pa lang ako papasok ay agad akong napasinghap kung sino ang kausap nila, sabay silang napalingon sa direction ko lalo na ang bisita.
“Halika na Sunny para kumain!” Tawag ni Yaya Bebang sa akin.
Dahil nakatingin pa rin ang lalaking nakaaway ko kagabi ay agad akong ngumiti sa kanila na hindi aabot sa tenga.
“Ahh, ano po, aakyat muna po ako. Ma-may kukunin lang ako, yong phone ko, tama yong phone,” wala sa sarili kong palusot at tinalikuran sila.
Shit naman! Sa daming tao na bibisita sa bahay ay siya pa talaga. Isusumbong niya ba ako kina Yaya na nanloob ako sa bahay niya?
“Naku! Nakakahiya talaga!” bulong ko sa sarili ko. Parang gusto ko pa tuloy matulog buong maghapon kaysa lumabas ng kwarto at makikita ko lang ang Kargador na iyon.