CHAPTER 13 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Panay hikab ko, umagang umaga. Inaantok ako dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako makatulog dahil lang sa isang panaginip. Tapos dagdagan pa na sumisingit ang kargador na iyon sa utak ko. Kaya mas lalo akong walang gana na matulog ulit. Talagang ginugulo niya ang mundo ko. Grabe talaga si Manong Lance. Mabuti na lang at wala siyang trabaho sa pagiging hardinero ngayong umaga sa school. Gusto ko sanang makatulong sa kanya like he's going to make mango graham and I'm the one who sell it. Kaso dahil sa sobrang sungit niya at hirap kausap kaya huwag na lang. Pero kung gusto niya, why not. Mamaya kaya, dadaan ako sa grocery para bumili. “Ikaw ha, inaantok ka na at ano-ano, ang ganda mo parin." bungad ni Nimfa sa akin. "Ha? Paano mo naman nasabi na inaa