CHAPTER 14 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Ako? Ako ang gagawa ng mango float na binili mo sa market? Ano ka, sinuswerte?” reklamo niya habang tinuturo ang dala ko na ingredients para sa pinapagawa ko sa kanya. Nakapamewang akong nakatingala sa gurang na ‘to. Oo or hindi pwede naman sabihin agad ang sagot, dami pang tanong. “Ayaw mo?" Pagalit ko na tanong sa kanya. “Ano ka nga, sinuswerte? Kakainin mo ba yan lahat at masimulan ko na agad bago ako matulog?" Tumaas ang kilay ko at kalaunan ay natawa na dahil sa sinabi niya. Dami pang satsat, papayag naman pala. “Aww…akala ko ba ayaw mo? Doon na lang sana ako magpapagawa kay kuya Oliver.” Nagdilim ang mukha niya dahil sa pagbanggit ko yata kay kuya Oliver kalaunan ay napabuntong hininga na lamang siya habang nakapamewang rin tulad ko. "Ba