CHAPTER 12 ANG BILYONARYONG KARGADOR Agad akong tumalikod at nagmamadaling pumunta kung saan ang mga kaibigan ko bang maituturing sila dahil sa ginawa nila, isa yata sa kanila panigurado ang nagtulak sa akin papunta sa harapan ng field para makaharap ko siya. May nakita pa nga akong umirap sa akin na estudyante at narinig na, ka bago-bago ang landi na. Hindi ko na lang pinansin dahil hindi naman totoo ang pinagsasabi niya. Mag-double check na muna siya at baka tinutukoy niya ang sarili niya. “Ano na… ano na, gwapo di ba? Ang hot niya pa. Saan kaya siya nakatira at ano kayang pangalan niya?" Sunod-sunod na tanong ni Nimfa kaya napanguso ako. Malay ko naman taga saan iyan. Inikot ko ang tingin ko pabalik kay Manong at napasinghap ako na nakatingin pala ito sa…uhmmm… akin ba? O sa kasamah