CHAPTER 47 ANG BILYONARYONG KARGADOR “Talaga lolo? Sasama po ako. Papayag ka man o hindi ay sasama pa rin po ako." Masayang sabi ko sa aking lolo habang kumakain kami ng almusal. Pupunta raw siya sa bahay ng Mayor mamayang hapon kaya sasama ako sa kanya para personal na magpasalamat kay Mayor about doon sa binigay niya na mga regalo sa akin noong birthday ko. “Sige, wala namang problema sa akin iyan hija. Mabuti na rin para makilala mo ang pamilya nila." "Hala si lolo! Nirereto mo ba ako kay Mayor?” singit ko kahit nagbibiro lang naman ako. “Kung type mo at gusto ka rin ay walang problema sa akin, mabuting tao naman ang anak ng kaibigan ko kaya magkakasundo kayong dalawa.” Napangiwi na lang ako sa sinabi ni lolo. Never in my entire life na nagkagusto sa kanya. Gwapo siya pero