CHAPTER 02

1303 Words
CHAPTER 02 ANG BILYONARYONG KARGADOR Simoy ng hangin ang sumalubong sa akin pagkarating ng Cagayan de Oro, Misamis Oriental. Hindi ko akalain na magkaiba ang simoy ng hangin kapag nasa Manila ka kaysa dito sa probinsya it feels like home, kumakalma agad ako sa simoy ng hangin kahit ngayon pa lang ako nakarating dito. Kasama ko si Yaya Bebang at kuya Saimon. Matagal na siyang bodyguard ni lolo at sa pamilya niya ako gustong tumira, meron daw bahay doon at tanging tagapag-alaga lang din ang nakatira. Nasa Manila raw ang may-ari, minsan pumupunta ng ibang bansa. Sa tingin ko hindi ako magtatagal sa pamamahay na yan lalo at mga katulong lang din pala ang kasama ko, sana may makakasundo man lang ako doon. Wala na akong problema sa lilipatan ko na school dahil agad si lolo na ang gumawa ng paraan para wala na akong poproblemahin, dahil may kilala siya at isa pa isa si lolo sa may share ng paaralan kung saan ako mag-aaral. Ang tanong lang ngayon kung may makasundo ako o talagang the same sa dating paaralan ko, mas lamang ang maraming inggitera kaysa ang kaibiganin ako, hindi naman ako masama na tao basta ikaw yung tipong na hindi nagtatanim ng galit sa akin. Maybe I'm fragile pero hindi ko hahayaan ang sarili ko na maging isang basag na baso. “Nakapunta ka na ba sa lugar na ito Yaya?” Tanong ko kay Yaya Bebang. Nasa sasakyan na kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi na ako nagtanong at makakalimutin ko rin naman. Tinawagan ko na si lolo na safe naman kaming nakarating sa airport. “Hindi pa nga iha eh pero excited ako kung anong meron sa lugar na ito.” aniya. “Buti pa kayo manang excited, ako kasi parang gusto ko na agad umuwi ng Manila lalo at hindi ako sanay sa mga ganitong lugar at isa pa namimiss ko na si lolo, hindi ko man sinasabi sa kanya pero sobra-sobra ko na talaga siyang namimiss.” Sabi ko at hindi ko mapigilan na umiyak kaya agad akong dinaluhan ni Yaya. " Alam ko iha, pero wala tayong magagawa dahil mahal ka ng lolo mo at ayaw niya na may mangyari sayo na masama kaya n'ya ginagawa ang mga bagay na ito. Hayaan mo, isang taon lang naman tayo dito, di ba? Kung maging okay na ay pwede ka ng bumalik sa dati at gawin kung ano ang kasanayan na ginagawa mo, basta ngayon, pakinggan mo muna si lolo mo na ang lahat na ito ay para sa'yo. Okay?” "May alam po ba kayo kung bakit o sino ang may atraso sa amin at bakit pati ako ay kailangan pang madamay?” napansin ko na nagkatinginan si manang at ang bodyguard bago binalik sa akin ang atensyon. “Wala iha eh, basta ang alam ko lang kapag usapang pulitika ay maraming one sided story. May mababait, meron hindi tumatanggap ng patas na laban kaya gumagawa ng hindi mabuti sa kapwa at dahil sobrang mahal ka ng lolo mo kaya niya ginawa ang mga bagay na ito. Bata ka pa lang. Balang araw malalaman at maiintindihan mo rin ang lahat. Kung may nalalaman man ako ay wala akong karapatan para sabihin iyon sa iyo. Patawad,” mahabang paliwanag ni Yaya. Napapikit na lang ako ng mga mata, hindi ko maisip na maging miserable pala ang buhay ko na ito. Sana sa pupuntahan ko ay maging maayos din ako, maging normal din na kaya kung kumilos. “Gusto mo na bang kumain, iha? May baon tayo dito.” Alok ni manang sa akin, dinilat ko ang mga mata ko at nag-isip kung ano ang gusto kong kainin ngayon. "May chichirya ba?” "Meron naman pero kailangan mong kumain ng tamang pagkain iha,” nginitian ko lang si Yaya. “Mamaya na po pagkarating natin doon sa kung saan man tayo dadalhin ni kuya, manang, baka mamaya kailangan ko pang magcr tapos wala dito, you know.” Palusot ko pa, basta kasi nasa biyahe, maayos na sa akin kapag chichirya lang ang kinakain kaysa mabibigat like kanin o tinapay tapos malayo pa ang pupuntahan namin. Mabilis lang kasi ang metabolism ko lalo na sa heavy food kaya hindi talaga allowed sa akin ang kumain habang nasa biyahe unless kung may stop station. Binigyan ako ni Manang ng dried vegetables and fruits kaya ito na lang ang nilantakan ko habang nakadungaw na ako sa labas ng sasakyan. Marami akong nakikita na mga puno at konti lang ang mga kabahayan, kung meron man ay malayo naman unlike nasa city ka talaga. “May maganda po bang tourist spot dito kuya Saimon?” Tanong ko sa bodyguard. "Opo ma’am, meron po.” "Aside sa tourist spot may mga festival din ba na sinecelebrate dito?” Tanong ko ulit. Minsan kailangan kong mag tanong para mawala ang pagka homesick ko at isa pa para na rin pala ito sa akin, lalo at first time ko lang sa lugar tulad nito, kailangan na may alam ako at kailangan ko palang matutunan ang mga kultura nila. “Yes mam kaya masaya po dito." “Ganun po ba, sana maganda nga ano kung makaabot ako?” "Oo naman po ma’am, makakaabot po kayo.” Malay mo Manong Saimon, baka mamaya ay uuwi na ako ng Maynila. Pero kailangan ko pa ring malaman ang mga magaganda pang lugar na meron sa lugar na ito. Kung kaya kong pumunta mag-isa sa ibang bansa dapat kaya ko rin sa Pilipinas. Kaibahan lang sa Pilipinas dahil may adventure ka na kasama dahil hindi ito cities lang tulad na lang itong gagawin namin na titira ako sa hindi ko kilalang bahay at tanging kilala lang ni lolo. Sana hindi ako maloloka ng maaga at manibago sa probinsya ng Cagayan de Oro,Misamis Oriental. Bahala na talaga ito. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang cellphone number ni lolo. “Iha!" “Lolo, I wanna go back na po," “Hindi ka pa nga nakarating sa bahay, iyan na agad ang sasabihin mo," imbes na sabi niya. “Kasi naman lolo parang hindi ko kaya na mag-isa dito. Bisitahin mo ako lolo minsan ha, lalo na sa birthday ko.” "Sure iha, nakaplano na yan lahat sa akin.” Wow lang ha, Pina paimpress naman ako masyado ng lolo ko. Kaya love na love ko talaga siya eh. “Sige lolo, basta bisitahin mo ako kung may oras ka po dahil kung hindi baka ako ang uuwi diyan sa Maynila." Pagbabanta ko. “I keep my promise iha, sige ibaba ko na itong tawag because I have a client right now." Ngumuso ako. "Aww, sige lolo, I miss you already, please take good care of yourself, okay? And eat your food and take your medicines, okay?” "You too, iha.” Aniya at pinatay na ang tawag. Napanguso ako, gusto ko pa marinig ang boses ng lolo ko eh pero dahil busy siya na tao kaya intindihin ko na lamang. Namimiss ko na talaga ang lolo ko kahit makausap lang namin ngayon, sana maka adjust ako sa. aging tahanan na sinasabi niya at sana pagbalik ko ay malaya na akong makagalaw na hindi ko na kayang magtago dahil inosente ako. Kung may gulo man, kailangan ba na madamay ako? Gusto ko ring mamuhay na normal tulad ng ibang tao, pero lahat iyon hindi ko kayang irequest kay lolo dahil sa tingin ko wala akong karapatan o talagang wala pa akong karapatan sa ngayon. "Malayo pa ba tayo?" "Malapit na po ma'am, baka within thirty minutes nakarating na po tayo sa bahay kung saan po kayo maninirahan pansamantala." sagot ni manong. Binalik ko ulit ang tingin sa kalsada, medyo inaantok na ako kaya wala na akong ginawa kundi ipikit na lamang ang mata ko at bahala na talaga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD