EPISODE 22

1217 Words
LUCIFER “IKAW ang hahawak nitong cell phone at tawagan mo ang kasama natin kapag okay na ang transaksyon natin.” Bilin ni Sergio sa akin. Nagtaka nga ako dahil parang wala akong nakikitang ano mang galit sa kanya. Ni hindi niya ako kinompronta. Alam kong narinig niya ang mga ungol namin ni Jade. Tumango ako. Ibinulsa ko ang cell phone at saka sumunod kay Sergio na naglakad patungo sa sasakyan naming Van. Katabi ko si Hubert. Ang iba naman ay umupo sa bandang likod. Katapat naman namin si Sergio na katabi si Jade. Pansin kong hindi ito komportable. Panay ang sulyap niya sa akin. Napangingiti. Habang papalayo kami nagiging parang probinsya na ang hitsura ng paligid. Maraming puno at kaunti na lang ang bahayan. Wala siyang ideya kung anon’ng mangyayari ngayong araw. “Kapag narating natin ang lugar tawagan mo ang naka-save na pangalan diyan sa cell phone.” Bilin na sabi ni Sergio. “Anong pangalan ang tatawagan ko?” tanong ko sa kanya. Napangisi muna si Sergio bago nagsalita. “ Commander.” Sa pagngiti niyang iyon nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko iyon. O dahil nakakatakot nga naman ang ngiti niyang nakakapanindig ng balahibo. Tumango na lang ako at hindi na nagkomento. Ibinulsa ko sa bulsa ng pantalon ang cellphone. Nang marating namin ang lugar, nagmasid muna kami. Tinapik ni Sergio ang balikat ko. Napalingon ako sa kanya. “Kailangan nating mag-ingat sa mga kilos natin. Tayo na.” Utos nito sa akin. Sumenyas si Sergio sa iba naming kasama. May lumapit na mga lalaki sa amin na nakaunipormado. Mukhang mga kontrabida sa pelikula ang mga hitsura nila. May nakasukbit na mga mahahabang baril sa kanilang mga balikat. Hindi ko maiwasang matakot dahil sa dala nilang mga armas. Napansin ko ang dala ni Sergio na maleta. “Nandiyan ba ang produktong ibebenta mo sa Boss namin?” sabi ng lalaki na may malaking tiyan. “Nandito,” sabi ni Sergio at saka ngumisi. Napasulyap siya sa akin. “Pumasok na kayo sa loob at hinihintay na kayo ni Boss.” Tinginan lang ang nagawa namin at sumunod kay Sergio. Nasa likuran ako nito. Habang naglalakad kami napapalingon ito sa akin. Pansin ko ang bahagyang pagngisi nito. Siniko ako ni Hubert. Napalingon ako sa kanya. “Alam mo pansin ko kay Sergio may hindi magandang gagawin, eh.” Napatingin ako kay Hubert kunot ang noo. “Ramdam ko lang kaya mag-ingat ka Luci,” Paalala nito. “ Salamat. Napansin mo rin pala ang kakaibang kinikilos ni Sergio.” Napangiti ako sa kanya. Nagpapasalamat ako dahil meron pang isang taong may pagmamalasakit sa kanya at itinuring na kaibigan. Nagpatuloy kami sa pagsunod kay Sergio. Pinapasok kami sa isang silid. Isang lalaking matangkad ang sumalubong sa amin. Tingin ko isang banyaga ang lalaki dahil iba ang kulay ng mga mata nito at may matangos na ilong. “Where is the gift from your boss?” Kausap nito kay Sergio. Ibinigay ni Sergio ang hawak nitong maleta. Binuksan ng lalaki ang maleta. Tumambad ang mga nakasupot na kulay puti. Parang tawas. Tawas kaya iyon? Bakit kailangan pang sa tago pa magkita para lang magbenta ng tawas? Pwede naman sa palengke na lang. May ibinigay naman ang lalaking isang karton. Kinuha ni Sergio iyon at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang puro pera ang laman niyon. Grabe namang dami ng pera para lang sa tawas? “Thank you, Mr. Cheng,” sabi ni Sergio sa lalaki na may malaking ngisi sa labi. Sumenyas ang lalaking pinalalabas na kami. Tumango lang si Sergio. Sumunod kami sa kanya. Nang makalabas. Humarap ito sa akin. “Tawagan mo na ang nasa numero at sabihin mong okay na.” Anito sa akin. Inilabas ko sa bulsa ng pantalon ko ang telepono na binigay ni Sergio. Tinawagan ko ang nagngangalang commander. Ilang ring lang ay sinagot ang tawag ko. Wala akong narinig na kahit ano sa linya kundi malalim na paghinga. Sinunod ko ang bilin ni Sergio. “Okay na po,” sabi ko at saka tinapos ang tawag. Inilahad ni Sergio ang isang palad nito sa harap ko. Binigay ko sa kanya ang telepono. Napangisi si Sergio. Nagtaka kami ni Hubert nang maunang umalis sila Sergio. Sinabi nitong hintayin namin ang isa pang sasakyan na maghahatid sa amin sa tinitirhan namin. Ilang sandali lang dumating ang sasakyang susundo sa amin ngunit nagtaka kami dahil may nakalagay na police. Kinabahan ako. Nagkatinginan kami ni Hubert. Walang salitang tumakbo kaming dalawa. Walang tigil hanggang sa makalayo kami. Nakarinig kami ng putukan kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko kahit hingal na hingal na ako. “Lucifer, tigil muna tayo. Mukhang malayo naman na tayo,” sabi ni Hubert na huminto sa pagtakbo. Napahinto na rin ako. Napahawak ako sa tuhod ko habang habol ko ang paghinga ko. “Tanginang Sergio iyon!” pagmumura ni Hubert. Napatingin ako sa kanya. “Bakit?” tanong ko. “Hindi mo ba nahalatang iniwan nila tayo para tayo ang mahuli ng mga pulis. At siguradong nagsumbong ang gagong iyon kay Boss. Tayo ang mapapasama!” anito. Nag-igting ang panga nito. Nanlumo ako sa sinabi niya. Paano nagawa sa amin ito ni Sergio? Mabuti na lang nakatakas kami ni Hubert. Paano kung hindi? Isa kami sa mahuhuli ng mga pulis. “Ano’ng gagawin natin?” tanong ko. Napalatak si Hubert. “Hindi ko alam kung anong dapat nating gawin. Kung babalik tayo doon kay Boss, siguradong nakapagsumbong na si Sergio. Sigurado rin akong iba ang sasabihin niya.” Bagsak ang balikat naming naupo na lang sa semento. Hindi rin ako makapag-isip ng dapat naming gawin. “Bumalik tayo,” bigla ay sabi ko. Napatingin sa akin si Hubert. Kunot na kunot ang noo. “Hindi ka ba nag-iisip, Luci? Kung babalik tayo doon siguradong mananagot tayo kay Boss. Sigurado akong nagsumbong na ang gagong si Sergio. Baka binaliktad na tayo.” “Kung hindi tayo babalik mas lalo niya tayong paghihinalaan. Sasabihin na lang nating nakatakas tayo na totoo naman. Saka wala naman tayong ginawang masama. Baka naman maniwala sa atin si Boss.” Paliwanag ko sa kanya. “Ewan ko. Masama ang kutob kong nakapagsumbong na ang gagong iyon.” Dismayado na sabi nito. “Subukan natin.” Desidido kong sabi. “Natatakot ako.” Sagot naman nito. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Takot rin ang nararamdaman ko ngunit sanay naman na akong masaktan at saktan. Kung parusahan ako alam kon malalagpasan ko kung ano man ang ipataw niya sa akin. Tinapik ko ang balikat ni Hubert. “ Huwag ka ng mag-alala kung sakaling magalit si Boss, aakuin ko ang kasalanan.” “Huwag mong gawin iyon! Magkasama tayo mabuti man iyan o masama. Payag na ako.” “Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ko. Tumango siya. Nang makauwi sa tinitirhan namin. Hindi magkamayaw ang tib*k ng puso ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Nanlamig ang katawan ko nang makita ko ang Boss namin. Naghihintay siya sa amin ni Hubert. Meron siyang seryosong tingin at mukhang galit. Napalunok ako. Nakita ko si Sergio na nasa tabi ng Boss namin. Nakangisi. Na-igting ang panga ko. Mukhang pin-lano ni Sergio na siraan ako sa Boss namin. At mukhang nagtagumpay siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD