LUCIFER
NAGISING ako na walang katabi sa kama. Napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan ko na natatakpan lang ng manipis na kumot. Hindi ko naramdaman ang pagbangon ni Jade. Siguro nga’y sobrang himbing ng tulog ko.
Nag-unat ako ng braso at napahikab bago bumaba sa kama ko. Pinulot ko ang short at brief kong nasa ibabaw ng upuan.
Pagkatapos magbihis lumabas na ako sa silid ko. Napansin kong wala ng tao sa silid ng mga kasama ko. Nakabukas ang mga pinto. Baka nag-aalmusal na sila.
Nang makapasok sa maliit nilang kusina nakita ko ang mga kasama kong nag-aalmusal na. Hinanap ko si Sergio. Nakita ko siya na nakatayo sa isang sulok at may hawak na tasa, at humihigop. Nang mapansin niya ang presensya ko ay napasulyap siya sa akin. Tiim ang pagkakatingin niya sa akin at kita ko ang pag-igting ng panga nito.
“Halika na Lucifer, mag-almusal ka na.” Pag-anyaya ni Hubert. Ang iba ay walang pakialam kung dumating ako. Alam kong may galit sila sa akin dahil mas kinakampihan nila si Sergio. Naiintindihan ko naman iyon dahil mas matagal nilang nakasama ito kaysa sa akin na bago lang sa grupo.
Tango lang ang naisagot ko kay Hubert. Tumabi ako nang upo sa kanya. Siya lang kasi ang nagbigay ng space para upuan ko.
“Salamat,” pasasalamat na sabi ko. Kinuha ko ang tasa na wala pang mainit na tubig. Inabot ko ang thermos, binuksan ko iyon at nilagyan ang tasa ko. Ibinigay sa akin ni Hubert ang kape at asukal. Tahimik akong nagtimpla ng kape ko. Napansin ko ang pagsulyap ni Jade sa akin. Napapangiti ito. Gusto kong ngitian siya pabalik ngunit hindi ko magawa dahil nagmamasid sa akin si Sergio. Tila bantay na bantay nito ang bawat kilos ko.
“Maghanda kayo pagkatapos niyong mag-almusal pumunta kayo sa opisina ni Boss. May sasabihin siyang importante,” sabi ng tauhan ni Boss nang makapasok sa kusina.
Nagtanguan lang kaming lahat maliban kay Sergio na parang hindi nito inintindi ang sinabi ng lalaking pumasok.
Ano kayang importanteng sasabihin ng Boss namin?
“Ang aga naman yatang meeting iyan. Gaano kaya ka-importante ang pag-uusapan?” Basag ni Hubert sa katahimikang namamayani sa amin.
“Baka naman bagong trabaho,” sabi ni Ellen. Napatingin pa ito kay Sergio. Nagkatinginan ang dalawa. Ilang segundo rin iyon at nagbawi nang tingin si Sergio. Pakiramdam ko ay may kahulugan ang tinginan nilang iyon. Ano naman kung may bago silang trabaho?
“Madaliin na natin ang pagkain. Baka mainip si Boss sa paghihintay sa atin.” Biglang nagsalita si Sergio.
Ibinaba na nito ang tasa na walang laman sa lamesa at saka lumabas ng kusina. Tumayo na rin ang iba naming kasama at sumunod kay Sergio. Naiwan kami nila Hubert at Jade.
Narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga ni Jade.
“May galit ba sa iyo ang mga kasama mong babae?” Tanong ni Hubert kay Jade. Napatingin ito sa kanya. Nagkibit balikat lang ito.
“Wala naman akong pakialam kung may galit sila sa akin. Basta wala akong ginagawang masama sa kanila. Baka na-impluwensyahan ng kakampi ni Sergio. Wala naman akong magagawa sa kung ano’ng ipinaglalaban nila. Sa sarili ko masasabi kong masaya ako at kuntento sa kung ano’ng meron ako ngayon,” sabi ni Jade at napasulyap sa akin. May mapaglarong ngiti sa labi nito.
“Ano’ng nagpapasaya sa iyo?” Tanong ni Hubert kay Jade. May mapaglarong ngiti rin dito at napasulyap sa akin. “O baka may taong nagpapasaya sa iyo?” Dagdag pa nito. Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nito. Mukhang ako ang pinatutukuyan nito. Siniko ko si Hubert na natatawa lang.
“Tama na iyan. Tayo na at baka magalit sa atin si Boss.” Pag-iiba ko ng usapan. Para hindi na ako mabiro ni Hubert tumayo na ako. Natatawa lang itong sumunod sa akin. Si Jade naman ay ganoon din.
Tahimik kaming nakaupo habang hinihintay ang Boss namin. Ang apat na bodyguard ni Boss ay parang binabantayan ang mga kilos namin. Tila may gagawin kaming masama kung makabantay sa amin ay sobrang higpit. Iniisip nila siguro na may kukunin kaming gamit sa loob ng opisina ni Boss. Napansin ko ang larawan na nakalagay sa frame. Naka-display iyon sa ibabaw ng lamesa. Napatitig ako roon. Isang magandang babae, maputi at may itim na itim na kulay ng buhok. Mahaba ang buhok ng babae.
Nawala ang tingin ko sa larawan nang pumasok ang Boss namin. Umupo ito sa magara nitong upuan. Tumabi sa kanya ang dalawang bodyguard at ang dalawa naman ay nanatili lang sa pintuan.
“Pinatawag ko kayo dahil magkakaroon tayo nang transaksyon ngayong linggo. Alam naman ninyo siguro ang ibig kong sabihin.” Napatingin ang Boss namin kila Sergio. “Ikaw Sergio ang mamumuno sa South area. Alam kong gamay mo ang lugar na iyon at kaya mong gayumahin ang mga tao roon.” Napangisi si Boss at maging si Sergio.
“At ikaw Lucifer dahil bago ka palang sa grupong ito sumama ka sa grupo ni Sergio upang obserbahan ang gagawin nila upang malaman ang mga dapat gawin sa susunod.” Nawala ang ngisi ni Sergio sa labi nito, napalitan iyon ng seryosong titig sa akin at pag-igting ng panga. Bumaling sa iba ang tingin ko.
Nagkatinginan kami ni Hubert na mukhang nag-aalala. Ramdam kong may gagawing masama sa akin ang grupo ni Sergio. Napatingin silang lahat sa akin. Kita ko ang pagtaas ng sulok ng kanilang mga labi. Ngayon palang kinakabahan na ako. Hindi dahil sa gagawin namin kundi sa gagawin nila sa akin. Alam kong may pinaplano sila laban sa akin.
“Ayokong may malalaman akong nag-aaway kayo dahil sa posisyon. Ako ang Boss dito at hindi kayo. Kung si Lucifer ang pinili ko dahil may dahilan ako. Nagkakaintindihan ba tayo?” Tanong nito sa amin. Nagtanguan lang kami ngunit si Sergio ay walang reaksyon.
Mukhang kailangan kong ihanda ang sarili ko. Hindi lang basta inis lang ang nararamdaman ni Sergio sa akin kundi galit na hanggang langit. Sino ba naman kasing hindi magagalit kung sinulot ko sa kanya ang babaeng mahal nito at kinuha ko pa ang posisyon nito na inalagaan nito ng matagal.
Bumalik kami sa quarters namin para magpahinga at ihanda ang sarili namin sa trabaho mamayang gabi. Nang makapasok na ang lahat sa kani-kanila mga silid nagpasya muna akong lumabas upang uminom ng tubig.
Malapit na ako sa pintuan patungong kusina nang may humigit sa braso ko. Sisigaw sana ako nang takpan ng taong iyon ang bibig ko. Napaharap ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Jade lang pala. Inalis nito ang kamay na nakatakip sa bibig ko.
Hindi ako nakahuma nang hilahin niya ako patungo sa silid nito. Isinara niya agad ang pinto at ni-lock nang makapasok sa loob.
“Bakit mo ako hinila dito?” tanong ko at nangamot sa ulo ko. Napangiti si Jade. Niyakap niya ako. Naramdaman ko na naman ang lambot ng kanyang mayayamang mga dibdib. Nagsisimula na namang uminit ang buo kong katawan. Bago pa ako maapektuhan sa pang-aakit niya inalis ko agad ang kamay nitong nakayakap sa katawan ko.
“Jade, pakiusap huwag na nating gawin ang ginawa natin kagabi. Una maling may mangyari sa atin dahil may masasaktan tayo. Saka ayokong haluan ng kung ano ang trabaho natin ng kung anong makamundong bagay. Sana maintindihan mo.” Pakiusap na sabi ko.
Itinulak niya ako. “Bakit ka ba natatakot kay Sergio? Sino ba siya para katakutan natin? Saka ’di ba malakas ka naman kay Boss? Isumbong natin ang lalaking iyon para mawala na siya dito at nang malaya na tayo, Luci.”
Napailing ako sa sinabi niya. Paano niya naaatim na gawin iyon kay Sergio? May pinagsamahan rin naman sila. Wala man lang ba siyang natitirang concern sa tao?
“Itinuring mo bang kaibigan si Sergio? Kahit paano naging mabuti siya sa atin. Kaya lang naman siguro galit na galit siya dahil pakiramdam niya niloko mo siya. Ayokong tanungin ito sa iyo, pero mukhang kailangan kong tanungin. Pinaasa mo ba si Sergio?”
Tinitigan ko siya at hinintay ang sagot niya. Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon.
“Pinag-iisipan mo ba ako ng masama? Sa tingin mo kaya kong gawin iyon?” anito habang nakabaling sa iba ang tingin nito.
“Hindi naman sa pinag-iisipan kita ng masama. Hindi ko alam kung saan ba nagmula ang galit niya sa akin. Kung simpleng sama ng loob lang iyon dahil sa nalaman niyang ako ang gusto mo at hindi siya. Madali lang niyang matatanggap iyon kung wala siyang pinanghahawakan,” sabi ko.
Natahimik si Jade. “Meron nga,” basag ko sa katahimikan niya.
“Oo na! Binigyan ko siya ng pagkakataon. Hindi ko namang akalaing seryoso siya,” sabi niya at napabuntonghininga.
“Bakit pinagtutulakan mo ako kay Sergio. Sinabi ko naman sa iyo na mahal kita, Luci. Kaya kong ibigay ang buong katawan ko para lang malaman mong seryoso ako. Naibigay ko na nga ’di ba? Ano pa ba ang gusto kong patunayan para maniwala ka sa akin?”
Hindi ko inaasahang mapaiyak si Jade. Lumamlam ang mga mata ko. Kinabig ko siya at niyakap.
“Sorry. Hindi naman sa ipinagtutulakan kita kay Sergio. Ang sa akin kaibigan natin siya. Tama naman siguro na maging tapat tayo sa kanya. Ang ginagawa natin ay lihim natin siyang tinatraydor.”
Napaangat ng tingin si Jade. Pinahid ko ang luha niya sa pisngi.
“Hindi ko siya tin-raydor. Siya lang ang nag-iisip nun.” Inis na sabi niya. Inirapan niya ako. Mahina akong natawa.
“Okay, naniniwala na ako sa iyo.” Napanguso siya.
“Sorry kung pinag-iisipan kita ng masama.” Paghingi ko ng paumanhin.
Hinila ako ni Jade at naupo sa kama nito. Magkaharapan kami habang nakatitig sa isa’t isa.
“May tanong lang ako sa iyo, Luci. Sana sagutin mo ng totoo. Di ba sinabi ko naman sa iyo ang totoong damdamin ko sa iyo? Sana ganoon ka rin.” Sa tanong niyang iyon napalunok ako ng laway ko.
“B-Bakit ba natin kailangang pag-usapan ang bagay na iyan?” nauutal kong tanong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at mahipit na hinawakan iyon. Titig na titig siya sa aking mga mata. Sa pagkakataong ito gusto kong tumakbo palayo upang makatakas sa tanong niya. Sa ngayon hindi ko pa kayang sabihin sa kanya na may nararamdaman na rin naman ako sa kanya. Ayokong ito ang mas lalong makakapagpaalab sa galit ni Sergio sa akin.
Mas okay nang magsinungaling kaysa magkagulo kami.
“Bilang kaibigan lang ang turing ko sa iyo, Jade. Paumanhin kung nadala ako sa nangyari sa atin. L-Lalaki lang ako kaya hindi ko mapigilan ang init ng katawan ko.”
Kita ang malaking pagkadismaya sa mukha ni Jade. Ang akala ko ay paalisin niya ako sa silid nito ngunit nagkamali ako. Kinabig niya ang leeg ko, hinalikan niya ang aking labi. Marahas na tila gusto niyang lamunin ng buo ang labi ko. Sa una hindi ko tinugon ang halik niya. Nang maglumikot ang kanyang mga kamay ay nakaramdam na naman ako ng init na gustong kumawala sa sistema ko, partikular sa aking p*********i.
Nadarang ako sa mga haplos niyang nakadadala at ang mahinang pag-ungol. Tinugon ko ang kanyang maiinit na mga halik. Ibinaba ko ang strap ng kanyang damit at sinimulang haplusin ang kanyang dibdib. Nabitawan niya ang labi ko nang tumingala ito at napaungol. Pinisil ko nang may panggigil ang kanyang dibdib. Napahawak sa leeg ko si Jade at malamlam ang matang napatitig sa mga mata ko.
Akmang huhubarin ko na ang damit ni Jade nakarinig kami ng yabag papalayo sa labas. Sabay kaming napalingon ni Jade sa nakasaradong pinto. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Ang tanging nakita ko ang pagsara ng pinto sa isang silid.
Napahilamos ako ng mukha nang makitang silid iyon ni Sergio. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nagpadala na naman ako sa init ng katawan.