EPISODE 27

1622 Words
LUCIFER Nagbago ang isip kong puntahan ang address na binigay ng lalaki. Ayokong samantalahin ang pagtulong ko. Bukal naman sa loob ko iyon at wala akong hininging kapalit sa pagtulong ko sa matanda. “Akala ko ba pupuntahan mo na ang address nung taong tinulungan mo?” tanong ni Hubert nang paalis na kami upang magtrabaho. “Hindi ko naman kailangan ang tulong ng ibang tao upang umangat ako. Sa sarili kong pagsisikap aangat ako. Alam kong mahirap, ngunit naniniwala akong matutupad ko ang pangarap ko.” Napailing si Hubert. “Pagkakataon mo na iyon, Luci. Pinakawalan mo pa,” sabi nito na nanghihinayang sa naging desisyon ko. Napangiti ako at inakbayan siya. “Ayos lang naman sa akin. Ang mahalaga nakatulong ako sa nangangailangan. Iyon ang mas importante.” Napangiti si Hubert. “Kaya magaan ang loob ko sa iyo dahil mabuti kang tao sa kabila nang ginawa nilang masama sa iyo, hindi ka nagtatanim ng galit sa kapwa mo. Samantalang ako puno ng galit ang puso ko. Well, iba-iba naman tayo nang paniniwala sa buhay. Sadya sigurong mabuti ang puso mo.” “Tama na nga ang dramahan natin. Masyadon nang seryoso ang usapana natin. Marunong lang tayong manalig sa diyos at gagabayan niya tayo. Kahit na napagdaanan natin ang hirap pagsubok lang ng diyos sa atin iyon kung hanggang saan ang pananampalataya natin sa kanya.” Napatango si Hubert sa komento ko. ***** Alas onse na ng gabi nasa lansangan pa kami ni Hubert. Naghahanap kami ng kostumer. Mukhang mahina sa araw na ito dahil wala kaming nakikitang sa tingin namin ay mapera. Sa ngayon maingat kami ni Hubert kumuha ng kostumer. Sinisigurado naming maayos ang babae at hindi basta lang. Alam kong kaartehan iyon sa parte namin dahil nagbebenta lang kami ng katawan kaya wala kaming maipagmamalaki ni Hubert, bayaran lang kami sa paningin ng iba. Ganoon pa man may kaunting galang pa rin naman kami para sa sarili namin. “Mukhang mahina ang kostumer ngayon. Uwi na tayo para makapagpahinga. Siguro bukas ay suswertihin tayo,” sabi ni Hubert. Napabuntonghininga na lang ako. Naglakad na kami paalis ng kinapupwestuhan naming parke. Hindi pa kami nakalalayo nang makarinig nang komusyon sa hindi kalayuan. Napahinto kami ni Hubert at napatingin sa kinaroroonan ng mga lalaki. Mukhang mga nag-aaway na grupo. “Naku sa iba tayo dumaan at baka madamay tayo sa away ng mga iyan,” sabi ni Hubert. “Mukhang may rambol ang magkaibang grupo. Doon tayo dumaan.” Turo ko sa kanang side ng kalsada. Tumango si Hubert. May pagmamadali ang paglalakad namin dahil baka maabutan kami. Kahit na sanay kaming nakakakita nang mga nagrarambulan, pero hindi pa namin naranasan ang madamay sa rambulan. Ang nakakatakot ay may mga armas sila. Baka pagdiskitahan kami ng kaibigan ko. Nang makalagpas kami sa kinaroroonan ng mga lalaki ay nakahinga kami ng maluwag. “Akala ko madadamay tayo sa rambol,” sabi ni Hubert. Napahawak pa ito sa ibabaw ng puso niya. “Pasalamat tayo at ginabayan tayo ng diyos.” Nang malapit na kami sa tinitirhan naming maliit na barong-barong ni Hubert, may dalawang nakatayo at mukhang may inaabangang tao. Nagkatinginan kami ni Hubert at napalunok. Sabay pa kaming nagbuntonghininga at ipinagpatuloy ang paglalakad. “Sino po kayo?” tanong ko sa dalawang lalaki. Mukha naman silang matinong tao. Nakasuot nang puting kamiseta ang isang lalaki at medyo may katandaan na rin. Ang suot nitong itim na pantalon ay maayos naman at ang sapatos nito ay balat. Ang isa naman ay mas bata. Nakasuot ng pantalon na kulay maong at itim na polo. “Ikaw ba si Lucifer?” tanong ng matandang lalaki. Tumango ako. Nagtaka ako dahil alam iya ang pangalan ko. “Mawalang galang na po. Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?” tanong ko sa lalaki. Napangiti ang lalaki sa akin. “Hindi na mahalaga kung paano namin nalaman ang pangalan mo. Gusto kang makausap ng boss namin,” sabi ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Hubert. Sa di malamang dahilan kinabahan ako. Hindi kaya nalaman ng dati naming boss ang kinaroroonan namin. At itong dalawang taong ito ang inutusan niya upang kunin kami? “Paano kami nakasisigurong wala kayong masamang balak sa aming dalawa ng kaibigan ko?” sabi ko sa dalawang lalaki. Nagkatinginan ang dalawa. Napangisi lang ang lalaki. May kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito. Nakatupi ang sobre. Ibinigay niya sa akin. Tinitigan ko muna nang ilang segundo bago ko kinuha sa lalaki ang sobre. Kuryusidad ang pumasok sa isip ko kaya ko kinuha ang sobre. Lumapit sa akin si Hubert at bumulong. “Mukhang pera ang laman niyan,” sabi nito. Napalingon ako sa kanya habang kunot ang noo ko. Ibinalik ko ang tingin sa sobre at pagkatapos ay sa lalaki. “A-Ano po ito?” Tanong ko kahit may ideya na ako kung ano'ng laman ng sobre. “Buksan mo at nang malaman mo kung ano'ng laman,” sabi ng lalaki. Pagkabukas ko sa sobre nakita ko agad ang pera. Napatingin ako sa lalaki at ibinalik uli ang tingin sa sobre. “Bakit kailangan niyo po akong bigyan ng pera?” Tanong ko. Wala akong ideya kung ano'ng pakay ng mga lalaki sa akin. “Maraming naririnig na magaganda sa inyo ang Boss namin. Naging interesado siyang makatrabaho kayong dalawa. Huwag kayong mag-alala dahil malaki ang ibibigay na sahod ni Boss kapag malaking pera ang ipapasok niyo sa club niya.” Nagkatinginan kami ni Hubert. “Paunang bayad ni Boss Victor sa inyong dalawa kung papayag kayong magtrabaho sa kanya.” Pagkakataon ko nang makaipon ng pera kung papayag ako sa alok ng lalaki. Makukuha ko na si Jade gaya nang ipinangako ko sa kanya. Nagtinginan kami ni Hubert at nagtanguan. “Pumapayag kami sa alok ng Boss mo,” sabi ko. Napangiti ang lalaki at tinapik ang balikat ko. “Huwag kang mag-alala mabuting amo si Boss basta sumusunod lang sa patakaran niya,” komento ng lalaki. Sumama kami sa opisina raw ng Boss nila. Mataas na building ang pinuntahan namin. Mukhang mayaman ang amo ng lalaki. “Mayaman ba ang Boss niyo?” Tanong ni Hubert na may kuryusidad. Napangisi ang lalaki. “Higit pa sa inaakala niyo,” sabi nito. Napaawang ang labi namin ni Hubert. “Ayos ito dahil mapapabuti na ang buhay natin at makakakain na tayo ng maayos,” komento ni Hubert na may ngiti sa labi nito. Pumasok kami sa isang pinto at pagkatapos ay may pinindot na buton ang lalaki. Maliit lang ang tila silid. Sa tingin niya'y limang tao lang ang kakasya rito. Napatingin ako sa pulang numero na nasa itaas ng pinto, 50 ang nakalagay. Bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang lalaki, sumunod kami ni Hubert na patingin-tingin sa nilalakaran naming mahabang pasilyo. “Mayaman nga ang Boss ng lalaki. Napakalaki ng gusali.” Komento ni Hubert. Tumango ako bilang sang-ayon sa komento nito. Huminto kami sa isang silid. Kumatok ng tatlong beses ang lalaki. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. Babae ang nagbukas niyon at lumabas ito. Kami naman ang pumasok. “Boss nandito na po sila.” Anunsyo ng lalaki aa Boss nilang nakaupo sa upuan nito. Isang makisig na lalaki at parang may lahi ito. Sa tantiya ko nasa trenta ang edad ng lalaki. Sumenyas itong umupo kami sa upuan na nasa harapan lang ng table nito. “Naririnig ko na ang pangalan mo sa mga kakilala ko. I got curious kung anong meron sa iyo at gustong-gusto ka nila.” Sino kayang kakilala niya ang tinutukoy niya? Hindi kaya ang mga naging kliyente namin ni Hubert na matrona? Ibig sabihin alam nila kung anong ginagawa namin sa mga babaeng iyon. Napalunok ako. Hindi kaya isa sa naging kliyente namin ay asawa nitong lalaking nasa harapan namin? “Dahil sa kuryusidad ko pinahanap kita, kayo ng kaibigan mo,” sabi ng lalaki. Napasulyap ito kay Hubert. “Ano pong kailangan niyo po sa amin? Huwag niyo pong masamain ang tanong ko, Ser,” singit ni Hubert. “Sabi ko nga na marami akong naririnig na magagandang mga papuri sa inyong dalawa. Makakatulong kayo sa negosyo ko sa club,” sabi nito at mataman kaming tiningnan ng lalaki. “Don’t worry I pay you higher than you expected," sabi nito sa ingles. Nangamot ako ng ulo. Wala kasi akong naintindihan sa sinabi niya. Mukhang nahalata ng lalaki ang reaksyon ko. “Ang ibig kong sabihin babayaran ko kayo higit sa inaakala ninyo kung magiging maganda ang inyong trabaho. Ang ayoko sa lahat tamad. Nagbibigay ako ng insentibo sa trabahador ko kaya wala silang masasabi.” Bago ako nagsalita nagkatinginan pa kami ni Hubert. Tumango naman ito na ang ibig sabihin ay payag siya. “Pumapayag po kami,” sabi ko. Napangiti ang lalaki. “Good!” masayang sabi nito. Kinabukasan ay dinala kami sa club na pagtatrabahuan namin ng kaibigan ko. Napalingon ako kay Hubert nang sikuhin niya ako. “Mukhang sikat na club itong pagmamay-ari ni Boss,” sabi ni Hubert na may paghanga sa kanyang mga mata habang ginagala ang tingin sa paligid. Ako rin ay hindi maiwasang humanga sa ganda at laki ng club. Mukhang marami kaming magiging kostumer dito. Nang makapasok sa loob pinakillala kami sa iba pang tauhan. Ang iba ay ilag at ang iba naman ay parang binabantayan ang kilos namin. Hindi naman maiiwasan iyon sa trabaho. Naranasan na namin ni Hubert ang ganoong klaseng pagtrato. “Hintayin nyo ang magtuturo sa inyo nang gagawin ninyong sayaw. Siya rin ang makakasama niyo sa tuwing may kustomer na ilalabas kayo.” Ilang minuto ang lumipas sa paghihintay pumasok ang taong magtuturo sa amin. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung sino ang taong iyon. Gusto kong umiyak dahil sa tuwa.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD