EPISODE 28

1477 Words

LUCIFER Agad kong niyakap si Jade na ngayon ay hindi nakagalaw at gulat na gulat ang kanyang reaksyon. Nang bitiwan ko siya sa pagkakayakap ay agad kong ginanap ang kanyang mga palad. “Masaya ako dahil ligtas ka!” Masayang sabi ko. Nangilid ang luha ko sa mata. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay na parang ayaw ko na siyang mawala sa paningin ko. Hinintay ko ang sasabihin niya ngunit nagulat ako nang hilahin niya ang mga kamay niya at lumayo sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan. “Bakit?” Tanong ko sa kanya. “Pasensya na pero hindi ako si Jade at hindi kita kilala,” sabi nito na kinagulat ko. Napasulyap ako kay Hubert na ngayon ay nagtataka ring nakatingin sa akin. Binalik ko ang tingin ko kay Jade. “Ako ito si Lucifer. Hindi mo na ba ako nakikilala?” Nakapagtataka nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD