LUCIFER
NAKATULALANG nakatingin ako sa kawalan nang makarating ako sa tinitirhan ko. Gusto kong sumigaw at umiyak ngunit tila nasahid na yata ang mga luha ko. Diring-diri ako sa sarili ko. Hindi ko lubos maisip kung paano niya babuyin ang mura kong katawan. Pangalawang beses na ito ngunit mas malupit ito dahil may mga bagay siyang ginawa sa akin na hindi ko masikmura.
Napatingin ako sa perang hawak ko. Ibinigay sa akin ito ng babae pagkatapos niya akong babuyin. Hindi ko alam kung ilang libo itong ibinigay niya sa akin. Sa tingin ko malaki ito dahil makapal.
Inilapag ko sa lamesita ang pera. Napasinghot ako at ilang sandali lang ay nagsituluan ang mga luha ko. Hikbi lang noong una at nang lumaon ay napahagulgol ako ng iyak. Hinubad ko ang suot kong kamiseta. Lumantad ang mga pasa ko sa katawan. Nagtagis ang bagang ko at kumuyom ang kamao ko. Ang galit ko sa puso ay umaapaw. Gusto kong saktan ang mga taong lumaspatangan sa akin ngunit wala akong magawa. Wala akong sapat na lakas upang labanan sila.
Napangiwi ako nang hawakan ko ang pasa ko sa tagiliran at maging sa aking braso. Napakalupit ng babaeng iyon. Hindi ko alam kung tao ba iyon o halimaw. Siyang-siya ang mukha nito habang hinahampas niya ng latigo ang katawan ko. Umagos ang mga luha ko habang inaalala ang ginawa sa akin ng babae. Demonyo ang babaeng iyon.
Bumukas bigla ang pinto. Hindi ako nakagalaw nang makapasok sa loob si Sergio. Awang ang labi nitong nakatingin sa katawan ko. Hinablot ko ang kamiseta ko at isinuot iyon agad. Pinahid ko ang luha ko at saka hinarap ang kaibigan.
“Ano. . .Tangina! Anong ginawa sa iyo ng kliyente mo?” anito na tila may galit sa boses nito. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko. Nakita niya ring may pasa din ang braso ko. Tumingin siya sa akin. Nagtatanong ang mga tingin niya. Napayuko ako.
“Sabihin mo sa akin sino ang may gawa nito?” tanong nito. Umiling lang ako at hindi nagsalita.
Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong-hininga. “Lucifer, magkaibigan na tayo. Alam mo na ang uri ng trabaho ko - natin. Nandito ako bilang kaibigan mo at maging kapatid dahil itinuring ka na naming parang kapamilya. Uultin ko sino ang may gawa nito?” sa tanong niyang iyon hindi ko napigilang mapahagulgol.
“Binaboy niya ako. Binaboy niya ako.” Tanging nasabi ko. Ni hindi ko masabi ang pangalan ng babaeng lumaspatangan sa katawan ko. Walang salitang napayakap si Sergio sa akin. Lumakas ang iyak ko. Nanginginig ang buo kong katawan habang walang humpay ang pag-iyak.
“Huwag ka ng umiyak dahil makakaganti din tayo sa mga taong lumapastangan sa atin. Hindi pa sa ngayon, ngunit ipinapangako kong pagbabayaran nila lahat ng mga iyon,” sabi ni Sergio.
ISANG linggo ang lumipas ngunit tila kahapon lang nangyari ang bangungot sa buhay ko. Itinuturing kong isang masamang panaginip iyon.
Isang tapik ang ginawa ni Sergio nang magkita kami sa likod ng stage. Napangiti ako sa kanya.
“Enjoy lang natin ang trabaho natin. Kailangan natin ang pera nila,” sabi ni Harry.
“Tsk. Tangina nila!” mura ni Leon.
“Wow, ang lutong ng mura mo, ah? May pinaghuhugutan ba?” natatawang sabi ni Hubert. Masamang tingin ang ibinigay nito dito.
“Ano ba kayo, mag-aaway? Nandito tayo sa iisang layunin - upang magkapera. Tandaan ninyo kailangan natin ang pera nila upang makaalis sa impiyernong kinalalagyan natin. Kaya kung ano man ang ayaw ninyo dito isantabi muna natin ang mga iyan,” sabi naman Jade. Tumango naman ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Tama si Ate Jade. Sumabay lang kami sa agos kung ano mang buhay ang meron kami ngayon. Makaaalis din kami dito sa tamang panahon.
MABILIS na lumipas ang mga araw. Isang taon na ang nakalilipas. Nasanay na rin akong magtrabaho bilang dancer sa gabi at sa umaga naman ay drug runner sa mga parokyano ng club namin.
Ilang araw na lang pala birthday ko na. Ikalabing walong taong gulang ko na. Sa isang taon ko dito, sinabak ko ang murang katawan ko sa maruming kalakalan sa pagbebenta ng katawan. Noong una diring-diri ako sa sarili ko ngunit naglaon tinanggap ko na ang ganitong klase ng buhay. Walang mangyayari sa akin kung mahina ang loob ko. Hindi ako mabubuhay ng takot at kahinaan ng loob.
“Saan ang selebrasyon natin ng birthday mo, Luci?” tanong ni Sergio nang pumasok sa silid ko. Natawa ako.
“May pag-ganun pa?” natatawang sabi ko. Natawa ito. Umupo siya sa nag-iisang silyang nandoon.
“Siyempre naman. Kahit naman ganito tayo kailangan pa rin nating i-celebrate ang kaarawan natin. Ano inom tayo? Nasa tamang edad ka na para uminom. Tamang-tama day-off naman natin kaya may dahilan tayo para lumabas at mag-celebrate.”
Napakamot ako sa ulo ko. Kapag itong si Sergio ang nag-aya wala akong tanggi. May tama naman kasi siya. Sa kabila ng nangyari sa aming mga buhay, mabuti man o masama. May karapatan pa rin kaming mag-celebrate ng kaarawan namin kahit masaklap ang naging buhay namin.
“Okay, payag na ako,” pagpayag na sabi ko.
“Alright! Mamayang alas sais ang alis natin. May alam akong bar na maganda at siguradong magugustuhan mo doon. Bukod sa maraming iba’t ibang klase ng alak may mga babaeng magaganda doon,” anito. Nangunot ang noo ko. Paano niya nalamang maganda doon?
“Nakapunta ka na ba sa lugar na iyon?” tanong ko.
“May isa akong kliyenteng nagpunta doon. Pinainom niya ako ng masarap na alak. At binigyan pa ako ng babae.”
“Lalaki ang kliyente mo?” pagtataka kong tanong rito.
“Babae ang kliyente ko. Adventurous ang babaeng iyon. Gusto niya nakikita niyang may kasiping akong ibang babae. Ibang klase ang babaeng iyon. May saltik yata sa utak,” natatawang sabi ni Sergio.
“Mabuti na lang sa akin medyo matino pa, pero may konting saltik din,” sabi ko. Nagkatawanan kaming dalawa. Tinatawanan na lang namin ang buhay namin dito sa club. Ano pang silbi kung mag-iiyak kami sa nangyari sa aming mga buhay. Ipagpatuloy na lang namin. Patigasan na lang ng loob at sikmura para mabuhay lang.
HINDI ko maiwasang mapahanga sa bar na sinasabi ni Sergio. Tinapik niya ang balikat ko. “Di ba maganda? Sabi ko naman sa iyo magugustuhan mo ang lugar na ito.”
“Mukhang pangmayaman ang bar na ito, ah? Sa tingin mo papapasukin nila tayo? Tingnan mo naman ang mga suot natin sa kanila.” Turo ko sa mga taong kasabay naming naglalakad papasok ng bar.
“Sus, wala yan! Basta may pang-entrance tayo hindi na sila magtatanong.”
Hinila niya ako at sumunod naman ang mga kasama namin na natatawa sa akin. Pagkapasok namin sa loob bumungad sa amin ang maliwanag at sopisdikadong bar. May counter na mahaba at may ilaw sa ibabang bahagi kaya nagmukhang maliwanag ang ibaba nito. May matataas na upuang pang-isahan. May mga nakaupo na doon at sa likod ng lalaking nagse-serve ng alak ay may naka-display na mga alak at mukhang mamahalin. Sa paligid naman ay may mga lamesa at upuan na parang sofa na sa tingin ko ay nakaka-relax upuan at mag-inom.
May napansin akong grupo ng mga kababaihang nakatingin sa amin. May isa doon na mukhang mestisahin, nakatingin sa akin habang iniinom nito ang hawak na baso na sa tingin ko ay alak ang laman niyon. Gusto kong matawa sa naisip ko. Natural naman na alak ang laman niyon. Ano pa ba ang maiinom dito kundi nakalalasing na inumin.
Umupo kami at nag-order na ng alak si Sergio para sa amin. Patingin-tingin kami sa paligid at tila may paghanga sa aming mga mata.
“Try niyo itong alak na ito. Well, sa una matapang ang lasa nito lalo na sa baguhan sa pag-inom ng alak.” Napatingin sa akin si Sergio. Hindi na bago sa akin ang nakalalasing na inumin. Iyon nainom ko nga lang ay mura lang. Sa tingin ko sa in-order ni Sergio ay mahal. Mukhang mabibitin ang dala kong pera.
Napatingin ako sa mga kasama ko nang sabay-sabay nilang tunggain ang hawak nilang mga baso. Napangiwi silang lahat maliban kay Sergio na mukhang gusto-gusto ang lasa ng alak.
“Ano ba naman ito Sergio. Parang bubutasin ang mga bituka namin sa sobrang tapang ng lasa!” Reklamo ni Hubert.
“Oo nga!” segunda naman ni Larry.
“Wala bang beer dito?” sabi ni Ellen. Napangiti ito sa akin.
“Ano ba kayo puro kayo reklamo. Mag-inom na lang tayo dahil birthday nitong binata natin,” sabi ni Jade.
“Alright, cheers!” sabi ni Sergio. Wala kaming nagawa kundi tunggain ang alak.
ISANG oras ang lumipas at huminto na kami sa pag-inom. Nagkwentuhan na lang kami habang pinabababa namin ang amats naming lahat. May lumapit na mga kalalakihan at kababaihan sa amin.
“Mukhang bago kayo dito, ah?” sabi ng isang lalaking madaming tattoo sa katawan. Nangunot ang noo ni Sergio na napatingin sa lalaking mukhang maangas.
“Eh, ano naman kung bago lang kami dito? Wala ka ng pakialam doon!” inis na sabi ni Sergio. Hinawakan ni Hubert ang braso ni Sergio para patigilin ito sa pagsasalita.
“Uwi na tayo,” sabi ni Harry. Tatayo na sana kami nang pigilan kami ng isa pang lalaking may hikaw sa ilong at sa kanang kilay. Maputi ang lalaki at may pangong ilong.
“Hindi kayo pwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi namin kayo napaglalaruan,” nakangising sabi ng lalaki.
Naningkit ang mga mata ni Sergio at napatayo. Dinuro niya ang lalaking madaming tattoo.
“Tangina mo! Wala kang karapatang paglaruan kami dahil tangina lang hindi kami laruan. Baka gusto mong manghiram ng mukha sa aso? Subukan mong kantiin isa sa mga kasama ko kundi mananagot ka sa kamao kong gago ka!” galit na sabi ni Sergio.
“Huwag mo na lang patulan ang mga iyan. Wala lang magawa ang mga iyan,” sabi ni Jade. Lumapit ang isang babae kay Jade at hinawakan ang buhok nito.
“Huwag kang sumasabat, b***h!” anito.
“Bitiwan mo ang buhok ko kundi makakatikim ka ng suntok sa mukha!” galit na sabi ni Jade. Pilit niyang inaalis ang kamay ng babae sa kanyang buhok ngunit tila ayaw nitong pakawalan ang buhok nito. Tumayo na ako para ilayo ang babae kay Jade ngunit hindi ko pa nahahawakan ang babae nang may sumuntok sa kabilang pisngi ko. Muntik na akong sumadlak sa sahig kundi nga lang nakahawak ako sa upuan. Napahawak ako sa kabilang pisngi kong nasuntok.
“Don’t ever touch my girl!” galit na sabi ng lalaki sa akin. Hindi ko naman naintindihan kung ano’ng ibig sabihin ng lalaki. Akmang susuntukin niya ako nang itulak ko ito. Napaupo ang lalaki.
Hindi ko napaghandaan ay nang sugurin ako ng kasama ng lalaki. Suntok at sipa ang ginawa nila sa akin. Napasubsob ako sa sahig at hindi nakagalaw. Naramdaman ko ang sakit nang pagsipa at pagsuntok nila sa iba’t ibang parte ng katawan ko.
Namilipit ako sa sakit nang tumama ang sipa nang isa sa mukha ko. Napahawak ako doon at napapikit ng mga mata. Nawala ang sumisipa sa akin kaya nagmulat ako nang mga mata. Pinagtanggol ako ng mga kasama ko. Tatayo na sana ako nang makaramdam ng kirot sa bandang tagiliran ko.
Pakiramdam ko may bali ang tadyang ko. “Kailangan nating umalis na dito. Nanganganib tayo sa mga lalaki!” sabi ni Jade. Inalalayan niya ako at tinulungan naman siya ni Ellen.
“Sergio, tayo na!” sigaw ni Ellen habang naglalakad kami palabas ng bar. Kahit masakit ang buo kong katawan ay sinikap kong ilakad ang nanghihinang paa ko. Pumara agad ng taxi si Ellen at agad din kaming pumasok sa loob. Hindi ko na nakita sila Sergio at ibang kasama namin nang makalayo na ang taxi na sinakyan namin.
“Hindi natin dapat iniwan sila Sergio, baka manganib sila,” sabi ko. Umiling si Ellen.
“Kung hihintayin pa natin sila baka hindi na tayo makauwi ng buhay. Kaya na nila Sergio iyon, sanay naman sa kaguluhan ang mga iyon. Huwag ka ng mag-alala at makauuwi din sila.” Pagpapanatag niya sa akin.
Napabuntong-hininga ako. Sana nga dahil kung may masamang mangyari sa kanila, ako ang may kasalanan kung bakit sila nasaktan.
Ano ba naman ito, birthday ko ngayon, pero heto napaaway pa kami. Mukhang ako ang malas sa grupo, kaya sila napaaway nang dahil sa akin.