EPISODE 14

1180 Words
LUCIFER ITINAGO ko sa isang maliit na kahon na nakuha ko sa basurahan ang perang ibinigay sa akin ng tauhan ni boss at saka inilagay sa ilalim ng aking hinihigaang kama. Ayon sa lalaki bibigyan pa daw ako ni boss ng pera, reward sa ginawa ko sa trabaho ko. May takot man sa trabaho ko, pagbubutihin ko ang trabaho ko para makaipon ng pera. Masama man ang trabahong aking ginagawa ay pikit-mata ko na lang gagawin. Kapit sa patalim ang ginagawa ko upang mabuhay at matupad ko ang mga pangarap kong makaahon at makaalis sa kinasasadlakan kong buhay. Nang maitago ang perang unang natanggap ko, lumabas ako sa silid upang kumain. Nakasalubong ko ang mga kasama ko sa pagsasayaw. “Lucifer, kumusta naman ang unang trabaho mo sa labas?” tanong sa akin ni Harry. Napangiti ako at tinapik ang kanyang balikat upang batiin siya. “Ayos naman, kabado nga lang ako.” Natawa sila sa sinabi ko. “Lahat naman tayo naging trabaho iyang ginawa mo Lucifer. Nagbebenta ng aliw at droga.” Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Sergio. “Gustuhin man nating tumanggi buhay natin ang kapalit. Kung gusto nating mabuhay sumunod na lang tayo kahit nakaririmarim ang ganitong uri ng trabaho. Wala talagang anghel sa mundong ito. Lahat tayo ay pinabayaan ng diyos.” Ani Harry. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Pareho kaya kami ng naranasan sa kamay ng mga taong ang akala namin ay makatutulong sa amin? Iniisip ko nga kung may diyos pa ba? Sa mura naming edad naranasan na namin ang lupit ng mundo. “Ito na lang ang isipin natin na bilog ang mundo. Kung nasa ilalim tayo ngayon pagdating ng panahon tayo naman ang nasa itaas.” Sabat ni Hubert. “Sus, alam na namin iyan. Hanggang ngayon nasa ilalim pa din tayo. Huwag na tayong umasa sa wala dahil mabibigo lang naman tayo,” sabad naman ni Ellen. “Hoy! Tama na iyang tsismisan niyo. Magtrabaho na kayo!” sigaw ng lalaking pumasok sa silid ko. Masamang tingin ang ipinukol ni Sergio sa lalaki. “Kung wala lang baril ang lalaking ito kanina pa nakatikim sa akin ang gagong ito,” mahinang bulong ni Sergio. Siniko ito ni Harry. Binalaan niya ito sa tingin na tumigil na siya. Umirap lang ito. Ako naman ay tahimik lang na lumabas ng silid. Sumunod ang mga kasama ko. NANGUNOT ang noo ko nang makit ako ang magiging suot naming mga lalaki. May mascara pinasusuot sa amin. At ang pang-ibaba namin ay halos wala ng maitatakip sa maselang bahagi ng katawan namin. Ano nga ba ang kaibhan nito sa walang suot na ginawa namin noong nakaraan? Nakasusuka man ang ganitong trabaho, wala kaming mapagpipilian kundi sumunod sa nakatataas. “Ipahid niyo ang langis sa katawan ninyo para magmukhang maganda sa paningin ng mga manonood.” May ibinigay ang lalaking isang botelya ng langis. “Ikaw Lucifer galingan mo ang paggsayaw dahil ikaw ang pinakapangit ng performance. Napakalamya at parang hindi ka lalaki.” Pang-iinsulto ng lalaki sa naging performance ko noong isang araw. “Pasensya na po. Huwag po kayong mag-aalala pagbubutihin ko po ngayong gabi.” “Gawin mo at huwag puro salita!” galit na sabi nito at saka kami iniwan. “Ang sarap niyang tadyakan sa ngala-ngala. Akala mo siya ang boss kung makautos. Alila lang naman siya ni boss. Kung magkaroon lang ako ng pagkakataon gagantihan ko ang pangit na iyon.” Inis na sabi ni Leon. “Tama na iyan. Hindi makabubuti ang iniisip mo Leon. Sa ngayon hangga’t kaya natin sundin natin ang gusto nila. Darating din tayo na makakaganti sa mga iyon.” Pagbabawal ni Sergio. “May punto si Sergio. Bakit pa tayo magrereklamo sa trabaho natin kung sanay naman na tayong ginagawa ito? Si Lucifer ang baguhan dito kaya nangangapa pa siya. Magtulungan na lang tayo para tulungan ang bawat isa sa atin.” Nakangiting sabi ni Kath. Napatango kaming lahat. Nagsimula na ang pagsasayaw namin. Kagaya ng dati ay ginalingan namin ang pagsasayaw namin. Mabuti na lang pinagsuot na kami ng maskara upang hindi masyadong makita ang tunay naming pagkakilanlan. Mas okay ito upang hindi naman ako nahihiyang ipakita ang hubad na katawan ko sa maraming tao. Habang nagsasayaw sa entablado pumapainlanlang ang musikang nakakaakit. Hindi ko maiwasang humanga sa mga kasama ko dahil napakagaling nilang gumiling at tila wala silang hiya o takot man lang. Kunsabagay mas nauna silang nagtrabaho dito. Samantalang ako’y bago lang at ilang araw pa lang nagtatrabaho bilang macho dancer. Napansin ko ang grupo ng mga lalaki sa bandang kaliwa ng stage. Hindi ko alam kung sa akin ba nakatutok ang tingin ng isang lalaki. O baka naman nagkakamali lang ako. May ibinulong ito sa katabi nitong lalaki at napatingin sa gawi namin at tumango. Nagsigawan ang mga tao nang gumawa ng eksena ang mga kasama ko. Hindi ko maiwanang panlakihan ng mga mata nang makita ko si Sergio at Jade. Nasa likod nito si Sergio at sumasayaw ng senswal. Kung wala lang maskarang nakasuot sa kanila ay parang naghahalikan na sila. Nagulat din ako nang gawin din ng iba ang ginagawa ng dalawa. Natigil ako sa paggiling at nakatingin lang sa kanila. Napaigtad ako nang may humawak sa aking kasarian. Napalingon ako. Si Ellen. “Hindi ko akalaing malaki pala ang iyong kahabaan,” bulong nito. Napalunok ako. “A-Ano ginagawa mo?” tanong ko nang simulang niyang himasin ang nagsisimula nang kahabaan ko. “Palabas lang ito upang maaliw ang mga tao kaya sumunod ka na lang sa ginagawa namin. Sh*t! Ang laki ng ano mo,” anito nang may landi sa kanyang boses. Natawa ako ng mahina kahit medyo tinatalaban na ako sa uri ng paghawak niya sa aking pribadong kasarian. Nagsigawan ang mga manonood dahil sa palabas na ginawa namin. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo sa akin si Ellen. Ipinagpatuloy ko ang paggiling ko. Lumapit ako sa malapit sa mga manonood upang kunin sa kanila ang perang binabandera nila. Mukhang lilibuhin ang mga iyon. Paalis na kami palabas ng stage nang tawagin ako ng isang babae. Napakunot noo ako nang makilala ko ang babae. Ito yung dinalhan ko ng parcel noong isang araw. “Hi, Lucifer.” Bati nito. Tango lang ang nagawa ko. Napalingon ang mga kasama ko at napatingin sa babae. “Mauna na kayo at maiiwan si Lucifer.” Sabi ng tauhan ng boss namin. Hindi ko nakitang dumating ito. Nauna ng umalis ang mga kasama ko. Kinabahan na naman ako. “Sumama ka sa kanya dahil binili niya ang buong gabi mo,” ani ng lalaki. Umawang ang mga labi ko. “A-Ano pong gagawin ko sa bahay niya?” nagtatakang tanong ko. Napangisi ang lalaki. “Ano pa ba ang ginagawa ng isang lalaking puta kundi paligayahin ang kostumer. Ikaw ang napili niya sa lahat ng kasama mo. Huwag kang mag-alala malaki ang ibinayad niya sa iyo.” Napatingin ako sa babae. Isang nakakikilabot na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Ano na naman ba ang mangyayari sa akin? Hanggang kailan ko ba ito mararanasan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD