EPISODE 20

2361 Words
LUCIFER MATIIM ang titig ni Sergio na siyang nakapagpanginig ng mga tuhod ko. Maging si Hubert ang ganoon rin ang reaction. Hindi ko napaghandaan ang ginawa ni Sergio. Sinuntok niya ako sa mukha. Sa lakas ng pagkakasuntok niya sa mukha ko natumba ako. Napasigaw si Hubert. Humarang ito nang susuntukin akong muli ni Sergio. “Tama na Sergio! Bakit mo sinuntok si Lucifer?!” Awat ni Sergio at nagtanong. Hinawakan niya ako sa balikat. Ramdam ko ang panginginig ng kamay nito. “Traydor ang lalaking iyan! Inagaw niya sa akin si Jade at pati ba naman ang posisyon ko sa grupo!” Galit na sabi nito. Nanginginig ang mga kamao nito sa matinding galit. “P*tang*na mo! Kaya kitang patayin, Lucifer.” Natakot ako sa banta nito. Napatingin sa akin si Hubert. Takot na takot rin ang hitsura niya. “Pwede ba Sergio huminahon ka. Hindi naman madadala sa ganitong sakitan kung mapag-uusapan lang ang lahat. Baka naman nagkakamali ka lang. Kilala ko si Luci hindi niya -” naputol ang sasabihin nito nang magsalita si Sergio. “Huwag kang makialam dito Hubert. Baka gusto mong idamay kita sa galit ko sa kanya!” anito. Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin. Pinilit kong tumayo kahit may konting hilo. Pinigilan ako ni Hubert ngunit umiling ako. Nang makatayo hinarap ko nang buong tapang si Sergio. Madilim ang mukha nito tila papatay. Kailangan kong maging matapang at ipagtanggol ang sarili ko. Hindi na lang palaging ako ang na-agrabyado. Wala akong ginawang masama dahil una, wala namang relasyon si Jade at Sergio. Tanging si Sergio lang ang nagsasabing may relasyon ang dalawa. “Wala akong ginawang kasalanan sa iyo, Sergio. Kaya huwag mong isisi sa akin kung ayaw sa iyo ni Jade.” Matapang na sabi ko. Bumalasik ang mukha ni Sergio. Sumugod uli ito at isang suntok ang iginawad niya na nakapagpatumba sa akin. Nalasahan ko sa labi ang dugo. “Sergio tama na! Bakit ba kay Lucifer ka nagagalit? Wala siyang ginawang masama. Si Jade ang pagsabihan mo,” sabi ni Hubert. Nilapitan niya ako at tinulungang tumayo. “Binalaan na kita, Hubert. Huwag kang makialam sa amin ni Lucifer kundi madadamay ka!” galit na sabi ni Sergio. Matapang na hinarap ni Hubert si Sergio. Itinulak niya ito. “Hubert!” Tawag ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilang sugurin si Sergio. Ayokong nadadamay siya rito. “Bakit ka ba nagagalit kay Lucifer? Hindi ka naman dati ganyan. Isang mabuti at mahinahon kang kaibigan. Ang nakikita ko ngayon ay hindi ikaw. Parang ibang tao,” sabi ni Hubert. “Tama na Hubert. Umalis na lang tayo,” pakiusap ko sa kanya. Labas si Hubert sa away namin ni Sergio. Hindi ko rin alam kung bakit ganito na siya sa amin. Tila hindi niya kami itinuturing na mga kaibigan. Akmang aalis na kami ni Hubert nang higitin ang braso ko ni Sergio. Pagkaharap ko sa kanya ay sinalubong ako ng isang malakas na suntok sa mukha. Nawalan ako ng balanse at napahiga sa sahig. Nakaramdam ako ng hilo at p*******t ng panga. “Mang-aagaw ka! Traydor ka!” anito habang pinagsusuntok niya ang mukha ko. Hindi ako nakagalaw - ni hindi ko nagawang depensahan ang sarili ko. “Tama na iyan Sergio! Mapapatay mo si Lucifer.” Awat ni Hubert kay Sergio na galit na galit. Parang nasaniban ito ng demonyo. Nanlilisik ang mga mata. Hindi ko maitayo ang sarili ko dahil sa matinding hilong nararamdaman. At isama pa ang pagsakit ng panga ko sa malakas na suntok nito. Napahawak ako sa semento upang doon kumuha ng suporta. Pakiramdam ko'y hindi na makatatayo. Sinikap kong mag-angat ng tingin kahit hilong-hilo ako. Pinipigilan pa rin ni Hubert si Sergio na susugod na naman sa akin. Kita ang panginginig ng mga kamao nito at ang tingin niyang nanlilisik. “Anong ibig sabihin nito?” Nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses ng Boss namin. Napalunok ako at dahan dahang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo ang boss namin, kasama nito ang apat na bodyguard. Seryoso silang nakatingin. Pinahid ko ang dugong dumadaloy sa gilid ng labi ko. Pinilit kong tumayo kahit nahihilo ang pakiramdam ko. “Sagutin niyo ang tanong ko?!” dumagundong ang boses ng boss namin. Napayuko na lang ako at hindi makapagsalita. Tila nawala ang hilo ko dahil sa galit na sigaw ng Boss namin. “Boss, si Sergio po ang unang sumugod kay Lucifer,” sabi ni Hubert. Nag-angat ako ng tingin. Bumaling ang tingin ng Boss namin kay Sergio na ngayon ay hindi makapagsalita. Matiim na tingnan siya ng Boss namin. Lumapit ito at pinalo ng tungkod ang tagiliran ni Sergio. Hindi man lang ito natinag. “Totoo ba ang sinabi ni Hubert?” Tanong nito sa kanya. Kita ang pag-igting ng panga nito at matalim na tiningnan nito ang kaibigan namin. Tango lang ang sinagot nito. Nagulat kami nang kinuwelyuhan siya ni Boss. “Sino ba ang boss dito? Ikaw o ako?!” Tumaas ang timbre ng boses ni Boss habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa kuwelyo ni Sergio. “Kayo po, boss,” sagot nito. Binitawan siya nito. “Gusto kong malaman ninyo na si Lucifer na ang bago niyong lider. Walang magrereklamo dahil siya ang gusto ko! Naiintindihan niyo ba? Sa oras na malaman kong may magrereklamo ihanda niyo na ang sarili ninyo. Alam niyo naman siguro kung paano ko dinidispatsa ang mga taong lumalabag sa batas ko!” Sa hindi malamang dahilan napalunok ako. Nakaramdam ako ng awa kay Sergio. Siya ang kinikilala naming lider sa grupo. Tinuturing ko rin siyang pina-kuya sa grupo. Nakaramdam ako ng awa rito. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala sa kanya ang posisyon. Walang nakapagsalita nang makaalis ang Boss namin. Napasulyap ako kay Sergio na tahimik. Ramdam kong nagpupuyos siya nang galit sa akin. “Sergio, hindi ko gustong tanggapin ang posisyon, ngunit hindi ako pinayagan ni boss na hindi tanggapin ito. Maniwala ka man o hindi labag sa loob ko.” Basag ko sa katahimikang namamayani sa amin. Natawa lang ng nakaloloko si Sergio. Nagkatinginan kami ni Hubert. “Kahit anong paliwanag mo Lucifer hindi ako naniniwala. Alam kong gusto mong makuha ang posisyon ko at gusto mo rin angkinin pati ang babaeng mahal ko. Ah! Inagaw mo na pala. Bagay na bagay sa iyo ang pangalang Lucifer dahil demonyo ka. Huwag mong asahang magiging mabuti ang pakikitungo ko sa iyo dahil sagad hanggang impyerno ang galit ko sa iyo, Lucifer. Magmula sa araw na ito mortal na tayong magkaaway,” galit na anito. Umalis na ito. “Hayaan mo munang humupa ang galit niya. Matatanggap niya rin ang lahat.” Tinapik ni Hubert ang balikat ko. Napatingin na lang ako sa papalayong bulto ni Sergio. Umaasa akong magkakaayos kami dahil kahit paano’y may pinagsamahan naman kami kahit sa maikling panahon. Nang matapos ang trabaho pumunta na kami sa silid namin. Nahati ang grupo namin dahil nagkanya-kanyang kampihan ang iba. Tanging si Hubert lang ang kumakausap sa akin at ang iba ay tila iniiwasan ako. Ang mga babaeng kasama namin ay tila walang alam na may hidwaan ng nangyayari sa pagitan namin. Napansin ko ang panaka-nakang tingin ni Jade sa gawi ko. Sinisikap kong iwasan mapalapit sa kanya. Tinuon ko ang atensyon sa trabaho. Ayokong madagdagan ang galit sa akin ni Sergio. Nang makahiga sa kama ko upang matulog, nakarinig ako ng mahinang pagkatok sa pinto. Nangunot ang noo ko. Wala kasi akong ideya kung sino ang taong iyon. Wala namang nabanggit si Hubert na pupunta dito. Tumayo ako upang pagbuksan ang taong nasa labas. Pagkabukas ng pinto nagulat ako nang makita ko si Jade. Nakasuot na ito ng pantulog. Pansin kong may kanipisan ang suot nitong pantulog na maikli ang tabas. “A-Anong kailangan mo?” tanong ko. Napatingin pa ako sa likuran nito upang tingnan kung may tao. Nagpapasalamat ako dahil wala naman. Bigla niya akong niyakap at sinabing. . . “Miss na kita Lucifer.” Anito na tila mapang-akit. Napalunok ako. Nanigas ang katawan ko nang mahigpit niya akong niyakap. Hinawakan ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko upang alisin ang mga iyon. “Teka lang Jade, mali itong ginagawa mo. Baka may makakita sa atin,” sabi ko. Nagtagumpay akong maalis ang braso nito. “Ano’ng masama? Wala akong nobyo at wala ka ring nobya. Pareho tayong single.” Anito na may inis sa timbre ng boses. “Paano kung makita tayo ni Sergio? Mas lalo lang magagalit sa akin iyon. Galit na nga sa akin ang tao. Tingin niya kasi na inagaw ko sa kanya lahat.” “Bakit mo iniisip kung anong mararamdaman ng lalaking iyon? Wala kang dapat ikatakot dahil una wala kang inagaw. Si Boss ang may gusto na maging lider ng grupo natin. At kung ako naman ang iniisip mo, wala naman kaming relasyon kaya inosente ka. Kung ayaw niyang kausapin ka pabayaan mo siya,” inis na sabi ni Jade. Umiling ako. “Hindi mo naiintindihan, Jade. Kaibigan ko si Sergio at malaki ang respeto ko sa kanya.” “Respeto? Meron naman kaya ang lalaking iyon?” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Jade. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa. Ito mismo ang nagbawi ng tingin. “Hindi mo kilala ng lubusan si Sergio. Kaya huwag mong ipagtanggol ang lalaking iyon. Makasarili siya. Ang ipinapakita niya sa atin ay pawang huwad lamang. Kung totoo siyang kaibigan dapat masaya siya para sa iyo. Pero tingnan mo kung paano siya magalit dahil nasasapawan mo siya. Kaya nga walang naglalakas ng loob na kalabanin siya dahil hindi ang tipo niyang magpapatalo. Ayoko sa kanya dahil masama ang ugali niya. Kaya ikaw ang minahal ko dahil mabuti kang tao, Lucifer. Ramdam ko iyon.” Inabot nito ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko. “P-Pero. . .” natigil ako sa sasabihin ko nang takpan niya ang labi ko ng daliri niya. Nagulat ako nang hilahin niya ako papasok sa silid ko. Sinarado niya ang pinto at ni-lock. Isinandal niya ako sa pader. Mas lalo niyang dinikit ang katawan nito. Naramdaman ko ang malambot na dibdib nito sa aking katawan. Napalulunok ako habang nakatitig sa kanya. Masuyo niyang hinaplos ang magkabila kong pisngi pababa ng aking labi. “Mahal kita Lucifer. Kaya kong talikuran ang lahat makasama lang kita.” “Mali ito. . .” natigil ako sa sasabihin ko nang ilapat nito ang labi sa labi ko. Hindi ako nakagalaw at naitikom ang labi ko. Pursigido itong may mangyari sa kanila. Humagod ang malalambot nitong mga labi sa labi ko. Ayaw ko mang maramdaman ngunit nadadarang ako sa masusuyo at maiinit niyang mga halik. Hindi na ako nag-isip pa hinawakan ko ang magkabila niyang panga at marubdob ko siyang hinalikan. Pinagpalit ko ang puwesto namin. Siya naman ang isinandal ko sa pader. Kung saan-saan napupunta ang kamay ni Jade. Mas lalong nag-init ang pakiramdam ko nang hawakan nito ang namumukol na p*********i ko. Hinawakan ko ang pang-upo niya at binuhat. Dinala ko siya at pinahiga sa kama ko habang magkasugpong ang aming mga labi. Halos sipsipin ni Jade ang laway ko at ako naman ay kinakagat nang bahagya ang pang-ibabang labi nito. Naghiwalay ang aming mga labi nang sumagap kami ng hangin. Wala na akong inakasyang oras hinubad ko na ang saplot ko, wala akong itinira. Napakagat ng labi si Jade nang makita ang nag-u-umigting kong p*********i. Hinubad na rin nito ang suot. Nakita ko na naman ang mayayamang dibdib nito at mamulamulang p********e nito. Kusang ibinuka ni Jade ang kanyang mga hita. Mas lalong umalab ang init na nararamdaman ko. Agad akong sumubsob sa kanyang p********e. Napatingala ito at napaungol nang mahina si Jade. Tila ayaw nitong may makarinig sa amin. Inilabas ko ang dila ko at dinilaan ang munting laman sa kanyang p********e. Naglumikot ang katawan ni Jade dahil sa sensasyong nararamdaman habang pinaliligaya ko siya. Mas pinag-igi ko pa ang pagsipsip sa kuntil nito. Hinawakan ni Jade ang buhok ko ang mahigpit na isinara ang kamay nito. Masakit ngunit mas nangibabaw sa akin na paligayahin si Jade. Pinatulis ko ang aking dila at sinundot ang maliit na butas ng kanyang p********e. Nanginig ang katawan nito. Nalasahan ko ang lumabas sa p********e nito. Medyo maalat at walang amoy na likido. Tumaas ang halik ko patungo sa mayayamang dibdib nito. Sinubo ko ang korona at tila isang sanggol na gutom na gutom. Hindi nito alam kung saan niya ako hahawakan. Nang magsawa sa dibdib nito sa leeg naman ako naglagi at hinagkan iyon. Napapaliyad ang katawan nito sa ginagawa kong paghalik sa leeg nito. “Lucifer, ipasok mo na. Please. . .” pakiusap nito. Gusto niyang matawa dahil parang atat na atat si Jade na may mangyari sa amin. “Matutupa. . .” sabi ko. Pinaghiwalay ko ang kanyang mga hita. Inabot ni Jade ang naghuhumindig kong p*********i at saka niya tinaas baba. “Sh*t! Ang haba at ang taba ng p*********i mo, Lucifer! Kung alam mo lang hinahanap-hanap na ng katawan ko ang makaniig ka,” sabi nito na may landi sa boses niya. Napangisi ako. Hinawakan ko ang p*********i ko at ipinasok sa butas ng kanyang p********e. Sinimulan kong igalaw ang balakang ko at tuluyan ko nang naipasok sa p********e nito. Masikip pa rin ang lagusan nito kaya nahirapan ako. Isa pang malakas na indayog ang ginawa ko. Napakasarap sa pakiramdam init nang kanyang lagusan. Binilisan ko ang paggalaw sa ibabaw niya habang hinahagkan ang labi nito upang hindi mag-ingay. Ibayong sarap ang nararamdaman ko ngayon habang gumagalaw sa ibabaw niya. Umiingit ang kama ko sa bilis ng galaw ko sa ibabaw niya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na may lalabas na sa p*********i ko. Isang mariing pagpasok at tinodo kong ilabas ang mainit kong tam*d sa loob ng kanyang sinapupunan. Nanginig ako habang inilalabas iyon. Gustuhin man naming mapaungol ng malakas dahil sa sensasyong aming nararamdaman, nagkasya na lang kaming mapakagat sa aming mga labi. Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Jade. Hinigpitan niya ang yakap niya sa baywang ko. Naunawaan ko ang ibig niyang sabihin. Matutulog kaming magkasugpong ang aming mga kaselanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD