EPISODE 19

1250 Words
LUCIFER SERYOSO ang mukha ni Hubert habang magkaharapan. “Ano’ng pumasok sa isip mo at gusto mong kausapin si Sergio? May balak ka bang sabihin sa kanya ang nangyari sa inyo ni Jade?” anito. “Paano mo nalaman na may nangyari sa amin ni Jade? S-Sinabi niya ba sa iyo?” nauutal na tanong niya. Nakaramdam siya ng hiya. “Nakita ko kayo ni Jade na magkatabi sa kama. Papasok sana ako sa silid mo kanina, hindi na ako nagtuloy. Sa uli-uli mag-lock ka ng pinto. Mabuti ako ang pumasok at hindi sila. Kung nagkataon sigurado malalaman ni Sergio ito. Hindi naman sa naiinis ako sa iba nating kasama. Ang tiwala nila sa kanya ay matatag. Kaliit-liitang impormasyon malalaman niya. Kaya mag-iingat ka, Luci. Dahil kung hindi ihanda mo na ang sarili mo. Mabuting kaibigan si Sergio ngunit kapag ginalit mo masama siyang kaaway.” Napalunok ako sa bilin ni Hubert. Mukhang kailangan ko ng matinding pag-iingat. Tinapik siya nito sa balikat. “Pinaalalahanan lang kita at hindi tinatakot. Mabuti kang kaibigan sa akin. At itinuring na kitang kapatid. Naalala ko sa iyo ang nakababata kong kapatid.” Kuwento nito. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Gusto kong tanungin ang tungkol sa pamilya nito, ngunit mas pinili ko na lang hindi na magtanong. Hahayaan ko siyang magkwento ng buhay nito. Napangiti ako. “Itinuring ko na rin kayong pamilya ko. Naging mabuti kayo sa akin.” Isang oras magmula nang magkausap sila ni Hubert hindi niya nakita si Jade at maging si Sergio. Napatingin siya sa tauhan ng boss naming papunta sa kinaroroonan ko. “Ipinatatawag ka ni boss. May mahalaga siyang sasabihin,” sabi nito. Hindi ako nakagalaw. “Ano pang hinihintay mo riyan. Puntahan mo na si boss. Baka mainip iyon masaktan ka pa niya.” Masungit na sabi nito. Hindi na lang ako kumibo at tahimik na naglakad. Nang nasa harap na siya ng pinto ay nag-atubili pa siyang pumasok sa loob ng opisina ng boss nila. Medyo kabado siya. Hindi man niya alam kung bakit siya pinatatawag, hindi niya maiwasang kabahan at matakot. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa loob. Pagkapasok sa loob nakita niya ang boss na nakaupo sa upuan nitong. Naninigarilyo na naman ito ng tabako. Halos mapuno na ng usok ang buong opisina nito. “Boss, pinatatawag niyo raw po ako,” sabi ko nang makalapit sa lamesa nito. Napasulyap siya sa akin. “Upo ka.” Utos nito. Umupo ako sa silyang nasa harapan ng lamesa nito. Hindi ko maiwasang kabahan at mag-isip nang kung ano-ano. Kapag ganitong pinatatawag siya, asahan ko ng may ipagagawa itong sa akin. “Gusto kong malaman mong natutuwa ako sa trabaho mo.” Anito. Ibinaba nito ang hawak na tabako sa ash tray na nasa ibabaw ng lamesa. Humalukipkip at mataman niya akong tinitigan. Napalulunok ako. Wala akong ideya kung anong tumatakbo sa isipan niya. “Magmula sa araw na ito, ikaw na ang gagawin kong lider sa grupo niyo. Ikaw ang mangunguna sa performance niyo at hindi na si Sergio. Napansin kong mas tinitilian ka ng mga tao kaysa kay Sergio. Siguro nga’y mas malakas ang karisma mo sa mga tao.” Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Boss. Bakit ako ang gagawin niyang lider? Hindi pa ako ganoon kabihasa sa pagsasayaw. Si Sergio ay bihasa na sa ganoong larangan. “Pero boss hindi ba makatarungan kay Sergio na ako ang ipapalit niyo sa kanya? Matagal na po siya rito nagtatrabaho. Samantalang ako ay baguhan pa lang.” Paliwanag niya sa amo. “Hindi naman pinag-uusapan dito kung gaano katagal na sa trabaho o mas magaling siya sa iyo. Ang usapan dito mas gusto ka ng mga tao kaysa sa kanya. Doon ako bumabase at hindi sa galing. Sa tingin ko naman konting praktis pa gagaling ka na rin sa pagsasayaw. Kita ko naman ang determinasyon mong matuto pa. Yun ang nagustuhan ko sa iyo, Lucifer. Hindi ako nagkamaling kunin kita.” Hindi ako nakapagsalita. Maganda sa pandinig ang mga sinabi niya sa akin. Ngunit paano naman ang pagkakaibigan namin ni Sergio? May sama pa naman ng loob sa akin ito. Kung malaman niya ito baka mas lalong mag-apoy sa galit si Sergio sa akin. Hanggang sa natapos sila sa pag-uusap ng amo hindi pa rin siya matahimik. Hindi man niya dapat maramdaman ang konsensya ngunit parang ang laki ng kasalanan ko sa kaibigan ko. Nagulat pa ako nang lumapit sa kanya si Hubert. Tinapik niya ang balikat ko. “Nakakagulat ka naman,” sabi ko. Natawa ang huli sa naging reaksyon ko. “Tinapik ko lang ang balikat mo nagulat ka na? Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?” sabi nito. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. “Kinausap ako ni Boss tungkol sa. . .” napahinto ako sa sasabihin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Hubert ang sinabi ni Boss. “Tungkol saan?” Tanong nito. “Sinabi niyang ako ang gagawin niyang lider sa grupo natin. Ayokong gawin iyon dahil masasaktan si Sergio kung kukunin ko ang posisyon niya. Alam mo namang may sama pa rin siya ng loob sa akin.” Malungkot na sabi ko. Napailing si Hubert. Mukhang hindi rin siya sang-ayon sa ginawa ng boss namin. “Mas lalong magagalit iyon sa iyo. Sa aming grupo walang naglakas ng loob na pumalit sa puwesto niya. Alam mo Sergio ang tingin niya sa sarili siya ang nakatataas. Wala dapat umagaw sa kahit anong pagmamay-ari niya. Kahit kay Jade, dapat walang makagagalaw dito. Ginawa niya ang lahat upang hindi ito mailabas ng customer na gustong maikama siya.” Napalunok ako. Mas du-doble ang galit nito sa akin kapag nalaman niyang ako na ang magiging lider sa grupo. “Gusto kong tumanggi sa gusto ni Boss, pero wala akong magawa. Siguro nga’y kauusapin ko si Sergio. Baka naman maintindihan niya ang naging pasya ni Boss. Sasabihin ko sa kanya na siya pa rin ang lider sa grupo,” sabi ko. Baka naman mapakiusapan ko siya. Alam kong may puso pa rin si Sergio. Hindi naman siguro habag buhay na galit siya sa akin. “Hindi tumatanggap ng pagkatalo si Sergio. Una palang siya na ang naging lider at iyon ang itinatak sa isipan niya. Walang makakabali ng paniniwala niya. Kausapin mo man siya hindi iyon makikinig sa ano mang sasabihin o paliwanag mo.” Bakit lagi na lang niyang kabuntot ang kamalasan? Pilit kong maging mabuti rito at nakikisama sa mga tao rito ngunit parang may naghihila sa aking maging magulo ang buhay ko. Ano bang meron sa kapalaran ko at palagi na lang akong malas sa buhay. “Baka naman mapakikiusapan ko pa siya. Hindi naman ganoon siguro kasama si Sergio para magalit siya ng lubusan sa akin. Labag din sa akin ang kagustuhan ni Boss na ako ang gawin niyang lider sa grupo natin. Siya pa rin naman ang lider. Trabaho lang itong gagawin ko at sana huwag niyang personal-in.” Paliwanag ko. “Huwag mo ng tangkain dahil hindi ako tumatanggap ng paliwanag ng isang sinungaling na tao!” Nanigas ang katawan ko nang marinig ang tinig ni Sergio. Nagkatinginan pa kami ni Hubert at parehong napalunok ng laway, bago pa kami lumingon ng dahan-dahan. Nasa likuran namin si Sergio. Seryoso ang mukha at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Nakaramdam ako ng takot - takot na baka saktan niya kami ni Hubert. “S-Sergio. . .” Tanging na sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD