EPISODE 18

1133 Words
LUCIFER AALIS na sana ako sa ibabaw niya nang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.Nagkatitigan kaming dalawa. “Paumanhin mali itong ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa ito,” sabi ko at saka inalis ang braso nitong nakapulupot sa baywang ko. Tumayo ako. Kinuha ko ang brief ko at isinuot iyon. Napabangon si Jade. Walang pakialam ito kung hubad man ang katawan nitong nakabilad sa harapan niya. Kahit sanay naman siyang nakikita ang hubad nitong katawan kapag nagsasayaw sila, ngunit hindi niya pa rin maiwasang mailang sa tuwing napatitig sa hubad na katawan nito. “Ikaw ang unang lalaking aangkin sa akin. Sa iyo ko ipinagkatiwala itong p********e ko, Luci. Dahil mahal na mahal kita,” naiiyak na sabi nito. Hinaplos ng awa ang puso ko nang makita ko ang luha nito sa mga mata. Hindi ko lang mapigilang ukilkilin ng konsensya dahil pareho kong kaibigan si Jade at Sergio. Mahal ng lalaki si Jade kaya parang mang-aagaw ako kung sakaling malaman nitong ako ang unang lalaking nakagalaw sa kanya. Lumapit ako at niyakap siya. Nang kumawala ako sa pagkakayakap, pinahid ko ang luha nito sa mga mata gamit ang hinlalaki ko. “Huwag ka ng umiyak,” sabi ko. “Angkinin mo ako, Lucifer. Nandito na at wala ka ng magagawa. Naipasok mo na, eh. Binitin mo pa ako,” nakanguso nitong saad. Natawa ako at gayon din siya. Tama siya. Nandito na ito. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at yumuko upang gawaran ito ng halik sa labi. Umatras si Jade patungo sa kama. Sinalo ko ang baywang nito at maingat na pinahiga. Hindi man ako eksperto sa pakikipagtalik, natural na lumalabas ang mga bagay na dapat kong gawin. O dahil sa nararamdaman kong intensidad sa p*********i ko dahil sa pagkakadaiti ng mga katawan namin. Nang magsugpong ang aming mga kaselanan hindi ko mapigilang makaramdam ng sarap sa kaibuturan ng p*********i ko. Kahit alam kong bawal hindi na ako nag-atubiling angkinin si Jade nang paulit-ulit hanggang sa makatulog kaming magkayakap. Nagising na lang ako na wala na si Jade sa tabi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang nangyari sa aming dalawa. Ako ang nakauna sa kanya. Ang akala ko may nangyari na sa kanila ni Sergio. Hindi ko rin maiwasang mangamba kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Jade. Bahala na. Hindi ko naman iiwan sa ere si Jade. Paninindigan ko siya kung bibigyan niya ako ng pagkakataon upang pumasok sa buhay. Nagpasya na siyang bumangon upang maghanda sa trabaho sa club. Kailangan ko pang maglinis at ayusin ang mga gamit sa club. Mamaya umpisa na naman ng trabaho nila bilang dancer. Nagpapasalamat siyang medyo maluwag na sa kanila ang boss nila. Sinusunod naman kasi nila ang mga hinihiling nitong gawin namin kahit labag sa kalooban namin. Wala naman silang magagawa dahil hawak sila sa leeg ng boss nila. Kung umalma kami siguradong may kalalagyan kami. Nang makapasok sa club nakita ko si Hubert na nag-aayos ng mga upuan. Nag-iisa lang itong nag-aayos. Tulog pa siguro ang iba. “Magandang umaga. Kumain na ba kayo?” Tanong ko nang makalapit sa kinaroroonan nito. Umiling ito. Huminto ito sa ginagawa at hinarap ako. “Alam mo ba hindi kami kinakausap ni Sergio. Iniiwasan niya kami. Ewan ko sa gagong iyon, dinamay pa kami sa away niyong dalawa. Umamin ka nga Lucifer may namamagitan ba sa inyo ni Jade?” tanong nito na kinabigla ko. Napalunok ako. “Walang namamagitan sa amin ni Jade. Binigyan lang ng masamang kahulugan ni Sergio ang pagkakalapit naming dalawa. Hindi ako ang tipo ng kaibigan na mang-aagaw. Itinuring ko ng kapatid si Sergio kaya hindi ko magagawang saktan ang kaibigan ko.” “Ang ugali ni Sergio masyadong seloso. Sa totoo niyan wala naman silang relasyon ni Jade. Umamin kasi siya na mahal niya ang babae kaya ang tingin ni Sergio sa kanya na ang babae. Masyadong territorial si Sergio pagdating kay Jade. Alam mo may chika ako sa iyo. Huwag kang maingay, ha? Sa atin lang ito.” Tumango ako. “Ano ba iyon?” tanong ko. “Kahit na ang trabaho ni Jade ay dancer at naghuhubad wala pang lalaki ang nakagalaw sa kanya. Kaya ganoon na lang ang pagbabantay niya rito. Parang mamahaling gamit na dapat alagaan. Ganoon ang ginagawa niya kay Jade. Kaya nung nakita niyang parang close kayo ni Jade medyo natakot si Sergio. Naalala ko ang sinabi niya na papatayin niya ang taong gagalaw kay Jade.” Sa sinabing iyon ni Hubert hindi ako nakapagsalita. Napalulunok ako. Hindi ko maiwasang magsisi sa ginawa ko kagabi. Natakot ako sa nalaman. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Paano kung nalaman niyang ginalaw ko ang babaeng pinakamamahal nito? Ngayon pa lang kailangan ko ng paghandaan ang gagawin ni Sergio. Buong maghapong okupado ang isip ko tungkol sa sinabi ni Hubert. Nakita ko si Sergio ngunit iniiwasan niya kami. Walang gustong magkomento kung bakit ganoon ang nagin asal ni Sergio sa amin. Kung galit siya sa akin na lang. Huwag niyang idamay ang mga inosente. Wala silang kasalanan. Hindi ko kayang ganito kami. Binabagabag ako ng konsensya sa ginawa ko. Kailangan kong aminin sa kanya tungkol sa nangyari sa amin ni Jade. Bahala kung saktan niya ako. Tatanggapin ko. Naglalakad ako patungo sa kinatatayuan ni Sergio. Napasulyap sila sa akin. Pati si Jade ay napatingin sa akin. Nilagpasan ko siya. Napahinto ako sa paglalakad nang may kamay na pumigil sa braso ko. “Luci. . .” Si Jade. Umiling ito. Nagkatitigan kaming dalawa. Nagmamakaawa ang kanyang mga tingin. Napasulyap ako sa kinatatayuan ni Sergio. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakatingin siya sa amin ni Jade. Napatingin ako sa kamay ni Jade na nakahawak sa braso ko. Napalunok ako. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa padalos-dalos na desisyon. “Lucifer, pinatawag kita kay Jade. Magpapatulong sana ako sa iyo.” Biglang singit ni Hubert. Ayoko mang maramdaman ang takot ngunit ngayon ay lumulukob na sa sistema ko ang takot. Masama ang tingin ni Sergio sa akin. Tila pinapatay na niya ako sa tingin pa lang. Napatingin ako kay Hubert. Nakikiusap ang tingin sa akin ni Hubert. Tumango ako. Bumalik ako sa kinaroroonan ko kanina. Inakbayan ako ni Hubert. “Ano bang pumasok sa isipan mo, Luci at may lakas loob ka pang puntahan si Sergio. Ano? Sasabihin mo ang nangyari sa inyo ni Jade. Huwag na huwag mong gagawin iyan dahil hindi mo kilala si Sergio. Sabi ko naman sa iyo na tototohanin niya ang sinabing makakapatay siya ng tao.” Nagulat ako sa sinabi ni Hubert. Paano niya nalamang may nangyari sa amin ni Jade? Ibubuka ko sana ang bibig ko upang magsalita at ipaliwanag ang side ko ngunit mas pinili ko na lang tumahimik. Napasulyap muli ako kay Sergio ngunit wala na siya sa kinatatayuan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD